31/08/2026
Yan ang tunay na pusong Palmeño. 💗 Hindi nasusukat sa tropeo.
HINDI MAN NAIPANALO, PROUD PA RIN ANG MGA TAGA-PALMA! 💗🏀
PUSONG PALMEÑO, HINDI SUMUSUKO!
Natapos ang laban sa scoreboard, pero sa puso namin, panalo pa rin kayo.
Isang malaking pagbati at taos-pusong pasasalamat sa ating TEAM PALMA sa buong pusong pakikipaglaban hanggang sa huling segundo ng Mayor and Vice Mayor's Cup 2026 Finals Game 3.
Hindi man natin naiuwi ang kampeonato ngayong taon, naiuwi naman natin ang karangalan at respeto. Pinakita ninyo ang tunay na dedikasyon at pagkakaisa.
MARAMING SALAMAT SA:
Sa Sangguniang Barangay ng Palma sa walang sawang suporta at paggabay sa ating mga manlalaro.
Sa Sangguniang Kabataan ng Palma sa pag-organisa at pagiging sandalan ng team mula simula hanggang dulo.
At sa napakahusay at walang sawang gumabay na si Coach Anton Zara - Saludo po kami sa inyong tyaga, stratehiya, at pagmamahal sa team! 🫡
At higit sa lahat, sa buong Brgy. Palma na sumigaw, nag-cheer, at naniwala hanggang dulo. Kayo ang tunay na panalo.
Bawi tayo next season. Mas malakas, mas buo, mas Palmeño!