23/08/2023
KUMUSTAHAN sa BARANGAY with LOVE
Sa pangunguna ni SK Chairwoman Loverly V. Bernabe kasama ang kanyang konseho naging matagumpay ang monthly kumustahan sa mga Sitio dito sa Barangay Lucap.
Laking pasasalamat din sa Lucap Barangay Council sa pamumuno ni Punong Barangay Claro O. Bacay at Barangay Kagawads sa ibinigay na suporta at nag-aalab na pagmamahal sa mga nasasakupan para maisakutaparan ang proyekto na ito.
Ang Kumustahan sa Barangay ay isa sa mga programa ng SK Federation at Lucap SK Council na naglalayon sa patuloy na pakikipag-ugnayan ng Sangguniang Kabataan Federation sa barangay upang malaman ang kanilang kalagayan, matugunan ang pangangailangan, himukin ng pagkakaisa at pagtutulungan ng komunidad sa mga programa ng pamahalaan ng lungsod ng Alaminos, at matukoy at maibigay ang mga nararapat na serbisyo sa ating mga kabarangay.
Ano nga ba ang mga serbisyong ino-offer sa KUMUSTAHAN sa BARANGAY?
•Vital Signs CheckUp and Consultation
•Storytelling and Puppet Show
•Libreng Gupit
•Fun & Games
•Lecture kasama ang kapulisan patungkol sa droga, r**e, at violence against women and children
•Feeding Program & Fellowship Meal
Bukod sa Barangay Council at SK Council, nais namin pasalamatan ang Alaminos City Police Station, Alaminos City Library, Katipunan ng Kabataan-Lucap, University of Luzon College of Nursing, Parish Youth Ministry, Buklod ng Kabataan San Antonio, Youth Volunteers at SK Federation Office.
Muli, kami ay inyong abangan para sa monthly kumustahan! Maraming salamat po! Let’s spread Love!❤️
•SITIO RECUDO
•SITIO GALIZ
•CENTRO
•STO. ROSARIO
•SITIO INANSUANA

20/08/2023
20/08/2023