Brgy. Sta. Rosa, Alaminos, Laguna- Water Works

Brgy. Sta. Rosa, Alaminos, Laguna- Water Works

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Brgy. Sta. Rosa, Alaminos, Laguna- Water Works, Government Organization, Brgy. Sta. Rosa, Alaminos.

14/05/2026

Magandang araw mga kanayon. May nasira lang po na switch ng float sa tanke ng Gitna. Ipapaayos lang po ito.

Photos from Brgy. Sta. Rosa, Alaminos, Laguna- Water Works's post 12/05/2026

Magandang araw mga kanayon narito po ang ilan sa mga pinagkagastusan ng mga pinaabot na tulong sa atin Pamunuan ng Patubig.

Magnetic contactor and matic float - 8,190 + 260 sa meryenda
Pipeline repair - 985 + 215 sa meryenda
Repair/pa welding sa ilaya tank at pagaayos ng tagas - 2,000

Total of 11,650

Yon naman pong 18,947 galing sa Milan ay idinagdag po sa pambayad sa Meralco.

Makakaasa po kayo na ilalahad po naten lahat ng gastos ng mga nakalap na pera para sa Patubig. Maraming salamat po ulet sa mga tulong na binigay nyo. Godbless po sa inyong lahat and more blessings.

Salamat po sa mga maintenance natin kay Fkagawad Armel Avila, kay Kap Dyung Flores at kay Konsi Kim Flores sa pagtulong-tulong sa mga gawain.

11/05/2026

Magandang Araw! May aayusin lang po sa tanke ng kanluran at Ilaya. Lalagyan ng Matic para d umaawas ang tanke.

07/05/2026

Pansamantala pong sinaraduhan ang tanke sa Silangan may inaayos lamang pong linya. Salamat po.

28/04/2026

Magandang araw mga kanayon. Natanggap na po ng Pamunuan ng Patubig ang tulong na mula sa mga kanayon natin sa Spain. Nagkakahalaga po ito ng 27,120.75.

Kami po ay lubos nagpapasalamat sa inyong hangaring makatulong sa ating Patubig. Bagama’t nakabili na ng bagong Motor/Pump ang Pamunuan ng Barangay at Patubig para sa kanluran water tank ay ilalaan po ng pamunuan ng patubig ang perang napagtulung-tulungan ng ating mga kanayon sa maintenance o pagpapasa ayos ng lahat ng tanke sa ating brgy. Ibibili din po ng mga bagong Magnetic Contactor/Matik ang dalwang tanke para hindi umaawas ang tubig. Makakaasa po kayo na ilalahad sa page na ito ang lahat ng gastos para sa kaalaman ng lahat.

Muli po kami ay nagpapasalamat sa Pamunuan ng Barangay at sa mga kanayon natin sa ibang bansa na nagbigay tulong para sa ating nayon. Mabuhay po at pagpapala ng Diyos ay Sumainyong Lahat!

25/04/2026

Magandang araw po mga kanayon. Nakapag-bigay na po sa atin ng kanilang napagtulong-tulungan ang mga nanunungkulan ng Sangguniang Barangay Sta. Rosa ng pambili ng bagong motor/water pump upang maiayos ang problema at para manumbalik ang supply ng tubig sa kanluran water-tank. Bukas po ito inaasahang gawin at inaasahan po ang inyong pakikiisa.

Maraming salamat po sa Pamunuan ng Barangay Sta. Rosa sa pangunguna ng ating Punong Barangay Hon. Elpidio “Dyung” Flores Jr. at mga Barangay Kagawad
Hon. Celso Flores,
Hon. Cenon Manalo,
Hon. Henry Baradas,
Hon. Kimber Lee Flores,
Hon. Bayani Layderos,
Hon. Alice Alvarez,
Hon. Marvin Asaytono.

Kami sa pamunuan ng Waterworks ng Brgy. Sta. Rosa sa pangunguna ng ating Chairman ng Patubig Armel Avila ay Lubos na nagpapasalamat sa pagtutulungan ninyo para sa ating mga kanayon. Pagpalain nawa ang bawat isa sa atin. Muli, maraming salamat po!

24/04/2026

Magandang umaga po. Para po sa mga taga kanluran. Nagrequest po tayo sa BFP ng isang rasyon ng tubig para don sa mga wala at mahina pa ang tubig na mga bahay, Medyo may kalakihan lang po yong truck kaya hindi maipapasok. Don po sila pupwesto sa labasan sa dulunan. Yong mga nais pong umigib ay magdala lang po ng lagayan at ipila po. Maraming salamat po at pasensya na po sa abala.

Photos from Brgy. Santa Rosa Alaminos, Laguna's post 22/04/2026

Maraming Salamat po

22/04/2026

Kasalukuyan na pong Ginagawa ang tank sa Kanluran/Dulunan at ito po ay Pondohan lang ng Laman at Saka po ulet bubuksan,Humihinge po ulet kame nang konti pang Pang unawa Maraming Salamat po

21/04/2026

Update po sa Tanke sa Kaluran/Dulunan di po available ang Gagawa at bukas po ito naka schedule.Salamat po

Want your business to be the top-listed Government Service in Alaminos?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Brgy. Sta. Rosa
Alaminos
4001

Opening Hours

Monday 8am - 3pm
Tuesday 8am - 12pm
Wednesday 8am - 3pm
Thursday 8am - 12pm
Friday 8am - 3pm