09/10/2026
🏥 Serbisyong Pangkalusugan, Hatid ng Western Pangasinan District Hospital!
Sa pangunguna ng ating mahal na Gobernador Ramon Mon-Mon Guico III, katuwang ang Western Pangasinan District Hospital (WPDH), muling ilalapit sa lahat ng barangay ng Alaminos City, Pangasinan ang GUICONSULTA Plus, PhilHealth YAKAP at GAMOT Program, kasama ang iba pang serbisyong medikal.
🩺 Konsultasyon sa ating mga doktor
💊 Pag-enroll sa PhilHealth GAMOT Program at pagtanggap ng maintenance medicines para sa mga kwalipikadong miyembro
📢 Inaanyayahan ang lahat ng residente na samantalahin ang pagkakataong makapagpakonsulta at makapag-enroll sa mga programang pangkalusugan ng PhilHealth.
💙 Serbisyong pangkalusugan, ilalapit sa inyong komunidad! Sama-sama nating isulong ang mas malusog at mas maunlad na Pangasinan.
📲 I-follow ang Western Pangasinan District Hospital page para sa iba pang anunsyo at mga susunod na iskedyul.
Serbisyong may malasakit, serbisyong para sa bawat Pangasinense.
✌ 💙