Comelec Sto. Domingo Albay

Call Directions Website Contact the organization

Comelec Sto. Domingo Albay This is the Official Comelec Sto. Domingo, Albay Information and Appointment page.

17/09/2026
17/09/2026
17/09/2026

๐‘๐„๐…๐‹๐„๐‚๐“๐ˆ๐Ž๐๐’ ๐…๐‘๐Ž๐Œ ๐“๐‡๐„ ๐‚๐‡๐€๐ˆ๐‘ | ๐๐š๐ง๐š๐ฅ๐จ ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ฌ๐š๐ฆ๐จ๐ซ๐จ, ๐“๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ง๐  ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ

Naidaos na ang kauna-unahang halalang pamparlamento ng Rehiyong Bangsamoro. Sa likod ng isang araw na ito ay mga taon ng paghahanda: ang pag-unawa sa isang anyo ng pamahalaan na bago sa ating bansa ngunit angkop sa kasaysayan at pagpapahalaga ng Bangsamoro, ang pakikipagkapit-bisig sa mga ahensya para sa seguridad at koordinasyon, at ang pagtuturo sa mamamayan ng isang sistemang ngayon pa lamang nila susubukan. ๐—ž๐—ฎ๐˜†๐—ฎ ๐—ฎ๐—ฏ๐—ผ๐˜-๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐˜ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜: ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐˜‚๐—ฎ๐—ป, ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐˜ ๐—บ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜๐—ผ.

Hindi namin itinatago ang mga bahid nito. Nagkaroon ng karahasan. Nagkaroon ng pagtatangkang pandaraya. Mariin at walang reserbasyon naming kinukundena ang mga ito. Hindi namin ito palalagpasin.

Ang halalan ang tanging paraan upang marinig ang tunay na tinig ng mamamayan; ang sinumang gumamit ng dahas at pananakot ay hindi lamang lumalabag sa batas kundi binubusalan ang tinig na iyon. Ipinagdadalamhati namin ang mga nasawi, ipinagdarasal ang mga nasugatan, at lubhang ikinababahala ang napakaraming inilagay ng iilan sa panganib. Ang pagtatangkang baguhin ang resulta sa pamamagitan ng pre-shading ng mga balota ay iniimbestigahan na, at makakaasa kayo: ilalaban namin ito hanggang sa dulo ng proseso at hanggang sa makulong ang may sala, upang walang mangahas pang tumulad sa mga darating pang halalan.

Gayunpaman, mas naging malakas ang huni ng hinahon kaysa sa dagundong ng gulo. Sa kabila ng mga insidenteng ito, nanatiling kalmado ang ating mga kandidato, partido, at tagasuporta, at hinayaang matapos ang halalan nang matiwasay sa malaking bahagi ng BARMM.

Sila ang nagpakita ng mukha ng isang Bangsamoro na handa nang mamahala sa sarili at yakapin ang kapayapaang pinagbuwisan ng deka-dekadang sakripisyo. Hindi maliit na bagay ang ipinagkatiwala nila: na ang kabilang dako, maging katunggali man, ay tutupad sa iisang pangako, na ang tagisan ay sa balota, at hindi sa bala. Ang bawat panig ay nagpigil, at sa pagpigil na iyon ay nakipagsapalaran na ang kanillang hinahon ay tutumbasan ng hinahon, at ang kanilang tiwala ay hindi pagsasamantalahan.

Sa ganitong paraan nila ipinaglaban ang kapayapaan: sa pagpiling huwag lumaban. At sa pagpiling iyon, binigyan nila ng laban ang halalang ito. Sa matiwasay na pagdaos nito, nanalo ang Bangsamoro at nagtagumpay ang Pilipino.

Pinasasalamatan, hinahangaan, at pinagmamalaki namin kayo.

Hindi naisagawa ng Komisyon ang ating eleksyon nang mag-isa. Muli't muli naming ipinapaabot ang aming pasasalamat sa lahat ng nag-alay ng kanilang oras, talino, at lakas nang walang alinlangan, walang pag-iimbot, at walang hinihinging kapalit maliban sa likas na pagmamahal sa bayan at sa pagnanais na maisakatuparan ang bawat adhikain at pangako ng Bangsamoro.

๐—›๐—ถ๐—ด๐—ถ๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜, ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜ ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ถ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐˜ ๐—ฏ๐—ผ๐˜๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฒ ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ผ๐—ฟ๐—ผ. ๐Ÿด๐Ÿฐ.๐Ÿฐ๐Ÿฏ% ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฟ๐—ฒ๐—ต๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ผ๐˜๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฒ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ด ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ถ๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐˜ ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ฒ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐˜๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ถ๐˜†๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฟ๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ผ, ๐—ธ๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ฏ๐˜‚๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ถ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ผ๐—ฟ๐—ผ ๐—ป๐—ฎ ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ธ๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜†๐˜€๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป.

Ngayong nakalipas na ang eleksyon at natupad na ang tungkulin ng Komisyon, makaaasa kayong patuloy kaming mananalangin para sa kapayapaang unti-unting nagiging totoo, at patuloy naming babantayan ang institusyong pinili ninyong pagkatiwalaan.

Sa mga bagong halal na miyembro ng Parlamento: ipinagkatiwala sa inyo ng mamamayan ang boto nilang pinagbuwisan ng dugo, panahon, at pananampalataya. Nawa'y maging karapat-dapat kayo sa makasaysayang pagkakataong ito, at maging instrumento ng kapayapaan, katarungan, at kaunlarang matagal nang ipinaglalaban ng Bangsamoro.

Kasama nyo kami, ang buong Komisyon ng Halalan, at ang buong Sambayanang Pilipino, sa patuloy na pagdarasal.

๐‘จ๐’๐’‰๐’‚๐’Ž๐’…๐’–๐’๐’Š๐’๐’๐’‚๐’‰! ๐‘จ๐’๐’‰๐’‚๐’Ž๐’…๐’–๐’๐’Š๐’๐’๐’‚๐’‰! ๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’‘๐’‚๐’๐’‚๐’Š๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ฉ๐’‚๐’๐’ˆ๐’”๐’‚๐’Ž๐’๐’“๐’!

๐‘ด๐’‚๐’“๐’‚๐’Ž๐’Š๐’๐’ˆ, ๐’Ž๐’‚๐’“๐’‚๐’Ž๐’Š๐’๐’ˆ ๐’”๐’‚๐’๐’‚๐’Ž๐’‚๐’• ๐’‘๐’.

- COMELEC Chairman George Erwin M. Garcia


15/09/2026

โ€ผ๏ธ ๐—™๐—”๐—ž๐—˜ ๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ ๐—”๐—Ÿ๐—˜๐—ฅ๐—ง โ€ผ๏ธ

๐…๐€๐Š๐„ ๐๐„๐–๐’ ang post na shinare ng nagngangalang โ€œBoss Milโ€ sa Facebook na nagpapakita ng larawan ng Voter Receipt na nagmula naman sa post ni โ€œZeddie DMโ€ at sinasabing: โ€œ๐˜“๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฐ ๐˜‹๐˜ฆ๐˜ญ ๐˜š๐˜ถ๐˜ณ ๐˜ด๐˜ช๐˜ต๐˜ถ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ณ๐˜ช๐˜จ๐˜ฉ๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ธ. ๐˜‰๐˜Ž๐˜Š ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ด ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ต ๐˜œ๐˜‰๐˜‘๐˜— ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฐ. ๐˜—๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข ๐˜๐˜ช๐˜ญ๐˜ถ๐˜น ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜Š๐˜–๐˜”๐˜Œ๐˜“๐˜Œ๐˜Š ๐˜ด๐˜ต๐˜ข๐˜ง๐˜ง๐˜ด ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ฉ. #๐˜ต๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช๐˜บ๐˜ขโ€

ANG NASABING POST AY ISANG HALIMBAWA NG MALICIOUS IMPUTATION, ISANG MAPANIRANG PARATANG NA WALANG BATAYAN, NA NAGLALAYONG MAGDULOT NG KALITUHAN AT MAGBIGAY NG MALING IMPRESYON NA MINAMANIPULA ANG PROSESO NG PAGBOTO.

TANDAAN:
โ€ข Palaging binabanggit ng COMELEC sa bawat voter education campaign na ang Automated Counting Machine (ACM) ay hindi kayang manipulahin ang resulta ng balota. Kung ano lamang ang shinade na bilog sa balota ay iyon lamang ang babasahin ng ACM at iโ€‘record sa voter receipt.

โ€ข Ang pagpapakalat ng maling impormasyon na maaaring makasira sa integridad ng halalan ay labag sa Section 261(z)(11) ng Omnibus Election Code at may kaukulang parusa ng pagkakakulong mula 1 taon hanggang 6 na taon.

PAALALA: Huwag magpapalinlang sa maling impormasyon. Siguraduhin na ang mga balita ay mula lamang sa opisyal na anunsyo ng COMELEC at iba pang mapagkakatiwalaang sanggunian.




15/09/2026

๐€๐Œ๐„๐๐ƒ๐„๐ƒ ๐€๐ƒ๐•๐ˆ๐’๐Ž๐‘๐˜

Regional Parliamentary Political Parties and Candidates for Parliamentary District Representatives in ๐— ๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ผ ๐—ฑ๐—ฒ๐—น ๐—ก๐—ผ๐—ฟ๐˜๐—ฒ (๐—ฒ๐˜…๐—ฐ๐—น๐˜‚๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—–๐—ผ๐˜๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ผ ๐—–๐—ถ๐˜๐˜†), ๐— ๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ผ ๐—ฑ๐—ฒ๐—น ๐—ฆ๐˜‚๐—ฟ, ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ฆ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐—š๐—ฒ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ๐—ต๐—ถ๐—ฐ ๐—”๐—ฟ๐—ฒ๐—ฎ๐˜€ who will be proclaimed as winners in the September 14, 2026 BARMM Parliamentary Elections are allowed to bring four (4) companions during the proclamation at the 6th Infantry Division (6ID), Camp Siongco in Barangay Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte only.

Winning candidates are required to submit the following information via email to the Bangsamoro Electoral Office ([email protected]), copy furnish the Gun Ban and Security Concerns Committee ([email protected]):

1.) List of complete names of their guests/companions;
2.) Plate numbers of the vehicles to be used; and
3.) Name of the driver of each vehicle.

Bringing of firearm/s into the proclamation venue is strictly prohibited. Should any firearm/s be brought to the venue, it shall be deposited in accordance with the applicable security protocols.



Address

2nd Floor Public Market Bldg. , Brgy. Market Site, Sto. Domingo
Albay
4508

Opening Hours

Tuesday 8am - 3pm
Wednesday 8am - 3pm
Thursday 8am - 3pm
Friday 8am - 3pm
Saturday 8am - 3pm

Telephone

+639512119652

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Comelec Sto. Domingo Albay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Comelec Sto. Domingo Albay:

Shortcuts

Share