Hon. Myrna M. Pasigian

Hon. Myrna M. Pasigian

Share

1 PETER 5:2-4
LEADERS we are just "servant " called for leadership , not LORDSHIP 🫶❣️

Photos from Governor Atty. Jose "Jing" V. Gambito's post 16/05/2025

Congratulations sir Jing

16/05/2025

Magandang gabi po sa inyong lahat.

Gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng sumuporta at nagtiwala sa akin sa aking pagtakbo bilang Bise Mayor. Hindi man tayo pinalad sa halalan, sobra-sobra pa rin ang pasasalamat ko sa inyo—mga kaibigan, pamilya, at kababayan—na naniwala at lumaban kasama ko.

Gusto ko rin pong batiin ang lahat ng aking mga kasamahan sa pulitika—sa mga nanalo, congratulations po! Nawa’y magampanan ninyo ng buong puso ang inyong tungkulin. At sa mga hindi rin pinalad, kasama ako roon, saludo pa rin ako sa ating lahat. Hindi matatawaran ang ating kagustuhang makapaglingkod.

Hindi rin po pwedeng hindi ko pasalamatan sina Sir Tony Abarquez at Ma’am Amy Abarquez—ang ating mga mahal na lider. Maraming salamat sa inspirasyon at sa matibay ninyong paninindigan para sa pagbabago. Kahit hindi rin kayo pinalad, alam naming hindi dito nagtatapos ang ating hangarin para sa ating bayan.

Maraming salamat po muli sa inyong lahat. Sa susunod pa rin, para sa bayan.

04/05/2025

Nilubog daw sa utang ang probinsya pero may Seal of Good Housekeeping at first time makatanggap ng probinsya ng Seal of Good Local Governance.

📌 Seal of Good Housekeeping measures financial transparency and instituted public reporting of budget and expenditure of local governments. Good Housekeeping meant that local governments passed the reporting guidelines of the Commission of Audit.

📌 The Seal of Good Local Governance (SGLG) is a recognition and incentive program for Local Government Units (LGUs) in the Philippines, designed to promote good governance practices and encourage continuous improvement in key areas like financial transparency, disaster preparedness, and social protection.

04/05/2025

Celebrating my 4th year on Facebook. Thank you for your continuing support. I could never have made it without you. 🙏🤗🎉

Photos from Ruth R. Padilla's post 14/04/2025
Photos from Governor Atty. Jose "Jing" V. Gambito's post 14/04/2025
14/04/2025

Sa paggunita ng Mahal na Araw, ating pagnilayan ang dakilang sakripisyo ni Hesus, na tunay na simbolo ng Kanyang walang hanggan at wagas na pagmamahal para sa ating lahat.

Ang Kanyang pagdurusa at pagkamatay sa krus ay hindi lamang isang kwento ng paghihirap, kundi isang makapangyarihang paanyaya na tayo’y magbalik-loob at magbigay ng oras sa Kanya.

Sa halip na maghanap ng pagkakataon para sa Diyos sa ating abalang buhay, nawa’y tayo’y magpasyang unahin Siya sa ating mga puso at isip.

Ang Mahal na Araw ay hindi lamang panahon ng pagninilay, kundi isang pagkakataon upang ipakita ang ating pasasalamat at pagmamahal sa Kanya sa pamamagitan ng ating pananampalataya at mga gawa.

Sa ganitong paraan, masusuklian natin ang Kanyang sakripisyo at mas mapapalalim ang ating ugnayan sa Kanya.

Want your business to be the top-listed Government Service in Alfonso Castañeda?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Alfonso Castañeda
3714