17/01/2026
Maraming Salamat po, Atty. JP Padiernos at GP Galing sa Puso Party List sa mga libreng gamot at vitamins para sa aming mga kabarangay!
KAagapay sa PAg-unlad at TAgumpay (KAPATA)
17/01/2026
Maraming Salamat po, Atty. JP Padiernos at GP Galing sa Puso Party List sa mga libreng gamot at vitamins para sa aming mga kabarangay!
23/12/2025
Ang Pasko ay para sa lahat. Isang munting pamasko para sa ating mga PWD bilang simbolo ng pag-asa, pagkakapantay-pantay, at malasakit.
Maligayang Pasko po. ๐๐ค
23/12/2025
Taos-puso akong nagpapasalamat sa buong Sangguniang Barangay, BHW, Barangay Tanod, Lupon, at Daycare Teachers na nakasama namin sa ating Christmas Party. Ang munting salu-salong ito ay bilang pasasalamat sa inyong walang sawang paglilingkod at malasakit sa ating barangay. (Deserve nyo ang enjoy).
Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa ating lahat. ๐โจ
Mga kabarangay ang atin pong Barangay Hall ay open 24/7 para sa lahat ng nais lumikas dahil sa Bagyong Uwan, may mga ilang mabubuting teacher din po ng Santiago Elementary School na maaari din pong magamit ang kanilang classroom para magsilbing evacuation! Tayo po ay mag ingat.
09/11/2025
Emergency Hotline
Aliaga MDRRMO - 0997 740 3799
Aliaga BFP - 0923 482 4411 / 0936 654 2366
Aliaga PNP - 0953 234 6222 / 0998 598 5404
Ambulance - 09285158919/ 0918 911 2342
Stay safe everyone ๐๐ป
21/07/2025
๐๐ PABINGO PARA SA BARANGAY! ๐๐
Isang masayang pa-fiesta handog nina Kapitan at mga Kagawad ng Barangay Santiago para sa lahat ng minamahal naming kabarangay! โค๏ธ
Bilang pasasalamat sa inyong patuloy na suporta, tiwala, at pagkakaisa โ kami po ay buong pusong naghanda ng PABINGO, kung saan saya, papremyo, at pagkakaibigan ang magsasama-sama para sa isang makulay na selebrasyon!
๐ฏ Tara naโt maki-bingo!
๐ Ibaโt ibang pa-premyo ang naghihintay โ mula sa grocery packs, hanggang sorpresa ni Kap!
๐จโ๐ฉโ๐งโ๐ฆ Bawat pamilya, bawat barangay zone, iniimbitahan naming makisaya!
Ito po ay isang simpleng alay mula sa aming lingkod-bayan, upang iparamdam na ang barangay ay tahanan at ang bayanihan ay buhay na buhay dito sa Santiago.
Muli, maligayang kapiyestahan Barangay Santiago!
Sama-sama tayong magsaya, manalo, at magdiwang ng may pagkakaisa!
โ Galing kay Kapitan at Sanggunian Barangay Santiago.
โ Ito po ay para lamang sa mga nasasakupan ng Barangay Santiago. Salamat at Maligayang Kapiyestahan, Mahal na Poong Santiago!
13/06/2025
PROYEKTO NG BARANGAY | Liwanag para sa mas ligtas na gabi! ๐ก
Isa na namang proyekto ang matagumpay na naisakatuparan para sa kapakanan ng ating mga kabarangay โ ang paglalagay ng karagdagang poste at ilaw ( Farm to Public Road) . Isang simpleng hakbang, ngunit may malaking epekto sa kaligtasan, kaayusan, at ginhawa ng lahat, lalo na sa gabi.
Lubos po kaming nagpapasalamat sa mga sangguniang patuloy na sumusuporta sa mga proyektong pangkaunlaran ng ating barangay. Sa aming mga opisyal ng barangay, at sa bawat isa sa inyo na walang sawang nagtitiwala at nakikiisa.
Patuloy po tayong magtulungan tungo sa isang mas maliwanag, mas maayos, at mas progresibong komunidad. Sama-sama tayong umaabante! ๐คโจ
09/06/2025
PROYEKTO PARA SA BARANGAY | CCTV AT STREET LIGHT INSTALLATION
Isang ligtas at maliwanag na pamayanan โ ito ang isa sa mga pangunahing adhikain natin para sa ating barangay. Ang ating pong Street Light ay nagdagdag lamang tayo sa Purok 6 (Farm to Public Road)
Ang mga CCTV ay magsisilbing mata ng barangay sa pagtutok sa seguridad at kaayusan, habang ang mga street lights naman ay magbibigay-liwanag at kapanatagan sa mga kababayan nating dumaraan sa gabi.
Lubos po akong nagpapasalamat sa aking mga kasamang opisyales sa Sangguniang Barangay na laging nakapirma sa resolusyon para sa aking layunin sa barangay โ sa kanilang pagtutok, pakikiisa, at malasakit sa bawat hakbang ng proyektong ito, para sa buong barangay.
Sa ating mga kabarangay, asahan po ninyo na patuloy kaming magsusumikap upang maihatid ang serbisyong may puso at direksyon.
Magtulungan po tayong pangalagaan ang mga proyektong ito โ para sa mas maayos, mas ligtas, at mas maunlad na barangay.
Ngayon magdadaang ilang buwan sisikapin po namin na maumpisahan na ang ating Covered Court Gym. Naway kahit paunti- unti ay ating masimulan.
Maraming salamat po! ๐
19/01/2025
Project/ Program: Installation of Power Poles for a Safe and Bright Community.
Construction of Road. (Purok 2)
Construction of Road. (P5- P. Eder)
Construction of Drainage.
Gift giving for PWD.
Date of Project: September 23, 2024
November 19, 2024
December 2, 2024
December 21, 2024
Masaya ko pong ibinabalita ang mga sumusunod ulit na Proyekto at Programa ng ating Barangay nitong nakalipas na Apat na Buwan nung nakaraang Taon eto po ay mga kasunod na Proyekto/Programa nung nakaraang Augusto taong 2024.
Isa po ito sa ating mga initiatives para magkaroon ng liwanag sa ating barangay, maayos na daan at hindi maputik, maiwasan ang pagbaha at maayos na daluyan ng tubig.
Request ko lang po sa ating mga Ka-barangay na panatilihing malinis at maayos ang ating kapaligiran at ingatan ang proyekto ng barangay. Salamat po!
Umaasa po ako na sa tulong ng Sanguniang Barangay ay mas madaming Proyekto at Programa ang aming matupad ngayon 2025. Maraming Salamat sa mga bumubuo ng Sanguniang Barangay sa pakikipagkaisa upang maiayos at mapaganda ang Barangay Santiago.
30/12/2024
๐ฃ๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐๐ข๐๐
Ayon sa RA 7183, bawal ang gumamit, magbenta, gumawa at magpamahagi ng mga pinagbabawal na paputok gaya ng ๐๐ข๐๐. Ang pagpapaputok ng illegal na boga ay maaring makadisgrasya hindi lamang sa mga gumagamit nito, lalo na mga bata, kundi na rin sa mga motorista. Higit sa lahat, madaming naaabala at napeperwisyo dahil sa ingay na dulot nito hindi lamang mga tao pati na rin ang ating mga alagang a*o.
Ayon sa batas, ang mga mapapatunayang lumabag nito ay maaaring magmulta ng ๐ฃ๐ฎ๐ฌ,๐ฌ๐ฌ๐ฌ-๐ฃ๐ฏ๐ฌ,๐ฌ๐ฌ๐ฌ at makulong ng anim na buwan hanggang isang taon (Section 11 RA 7183)
Maari po tayong magsumbong sa ating mga barangay officials o sa pinakamalapit na Police Station.
24/12/2024
Merry Christmas! May your holidays be filled with joy, love, and cherished moments with your loved ones. Wishing you peace and happiness this sea*on and always!๐๐
๐
Love: Dela Vega Family
23/10/2024
Typoon Kristine Update: Signal No. 3 na po ang Aurora, Nueva Ecija, Pangasinan, La Union at Ilocos Sur. May inaasahan na lakas na hangin sa loob ng 18oras. Mag iingat ang lahat mga Kabarangay!
Sharing Typhoon Safety Tips and Survival Bag Kit and Emergency Hotline: