MAT ALICIA-Sumbong mo, Aksyon ko

MAT ALICIA-Sumbong mo, Aksyon ko

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from MAT ALICIA-Sumbong mo, Aksyon ko, Social service, Municipal Operations Office, Alicia.

28/04/2026

“Fact Check muna bago batikos sa 4Ps.”

Bilang isang 4Ps worker, nais kong linawin ang ilang maling paniniwala na kumakalat ngayon sa social media tungkol sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Una, hindi lahat ng 4Ps beneficiaries ay sakop ng Lifeline Rate Discount. Ang benepisyong ito ay para sa mga pamilyang may mababang konsumo ng kuryente (karaniwang 0–50 kWh kada buwan) at pasok sa itinakdang poverty threshold—hindi lang 4Ps members.

Ikalawa, hindi ang 4Ps ang dahilan ng pagtaas ng kuryente. Kung susuriin ang resibo, makikita na ang pagtaas ay kadalasang nagmumula sa generation at iba pang charges. Ang bahagi ng Lifeline subsidy ay maliit lamang kumpara sa kabuuang singil.

Ikatlo, maraming sektor ang tumatanggap ng subsidy mula sa gobyerno. Hindi lang 4Ps ang may ganitong suporta. Ngunit dahil sa maling impormasyon, sila ang nagiging sentro ng sisi.

Ang 4Ps ay isang programang tumutulong sa mga pamilyang higit na nangangailangan—para sa edukasyon, kalusugan, at mas maayos na kinabukasan ng kanilang mga anak. Hindi ito dapat gawing dahilan ng diskriminasyon o paninisi.

Maging mapanuri tayo. Magbasa, mag-verify, at huwag basta magpadala sa haka-haka.

Want your business to be the top-listed Government Service in Alicia?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Municipal Operations Office
Alicia
3303