06/06/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐-๐๐๐
Ngayong araw, matagumpay nating naisagawa ang Local 4Ps Pay-out kung saan may kabuuang apatnaraan at walumpu't lima (485) nating mga kababayan ang napaglingkuran at nakatanggap ng kanilang benepisyo.
Ang Local 4Ps ay isa sa mga pangunahing programang inilunsad ng dating Punong Bayan, Mayor Edilberto "Dingdong" Ponggos at buong PUSO nating ipinagpapatuloy sa kasalukuyang administrasyon upang matiyak na patuloy na naaabot ng tulong ang mga pamilyang higit na nangangailangan. Ipinagmamalaki rin po natin na ang Bayan ng Alitagtag ang pangalawang bayan sa buong Lalawigan ng Batangas na nagkaroon ng ganitong uri ng programa.
Ngayon ay nasa ikalimang taon na ng implementasyon ang Local 4Ps, patunay ng patuloy na pangako ng ating lokal na pamahalaan na maglaan ng mga programang may direktang pakinabang sa ating mga mamamayan. Isa rin po itong patunay na ang pondong nagmumula sa buwis ng mamamayan ay maingat pong at inilalaan sa mga programang may tunay na pakinabang para sa ating komunidad.
Ang inyong pong lingkod ay mananatiling tapat sa layuning maghatid ng serbisyong may malasakit, pananagutan, at konkretong resulta para sa bawat Alitagtagueรฑo.
06/06/2026
๐๐๐ ๐๐๐ญ๐ข ๐ฌ๐ ๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ ๐จ๐ง๐ ๐ค๐๐ฌ๐๐ฅ! ๐
MR. & MRS. GONZALVO
Dalangin ko na ang inyong buhay may-asawa ay manatiling masaya at matatag, pinagbubuklod ng tunay na pagmamahalan at pagtitiwala. Nawaโy samahan kayo ng biyaya at gabay ng Diyos sa bawat araw, at lalo pang tumibay ang inyong samahan sa paglipas ng panahon. ๐งก
06/06/2026
๐๐๐ฐ ๐๐๐ญ๐ซ๐จ๐ฅ ๐๐๐ก๐ข๐๐ฅ๐ ๐จ๐ ๐๐ซ๐ ๐ฒ. ๐๐จ๐ง๐๐จ๐ซ๐๐ข๐
Tunay pong nakakataba ng puso na makita ang patuloy ninyong pagsisikap na maihatid ang magandang serbisyo sa inyong mga kabarangay.
Nag-ambag po tayo sa pamamagitan ng pondo ng munisipyo sa pondo ng ng barangay upang mabili ang bagong patrol vehicle na ito. Handog natin ito para sa mas mabilis at mas maayos na pagtugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan.
Patuloy po nating pag-ingatan ang sasakyang ito at gamitin para sa kapakanan ng lahat. Nandito lamang po ang inyong lingkod, nakaalalay sa bawat hakbang ng ating mga barangay.
God bless po, at lagi po tayong mag-iingat!
06/06/2026
๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐
Ang buwan ng Hunyo ay ginugunita bilang Prostate Cancer Awareness Month, isang pagkakataon upang mapalawak ang kaalaman tungkol sa prostate cancer at hikayatin ang mga kalalakihan na magpatingin at magpasuri nang maaga.
Ang prostate cancer ay isa sa mga pinakakaraniwang uri ng kanser sa mga kalalakihan. Sa maraming kaso, wala itong sintomas sa mga unang yugto kaya mahalaga ang regular na konsultasyon at screening.
๐น Sino ang mas nanganganib?
โ๏ธ Mga lalaking edad 50 taong gulang pataas
โ๏ธ May kasaysayan ng prostate cancer sa pamilya
โ๏ธ May hindi malusog na pamumuhay
๐น Mga dapat bantayan:
โ ๏ธ Madalas na pag-ihi lalo na sa gabi
โ ๏ธ Hirap sa pag-ihi
โ ๏ธ Mahina o putol-putol na daloy ng ihi
โ ๏ธ Pananakit habang umiihi
โ ๏ธ Dugo sa ihi o semilya
๐ก Tandaan: Ang maagang pagtuklas ay nagbibigay ng mas mataas na tsansa ng matagumpay na paggamot at paggaling.
โ
Magkaroon ng malusog na pamumuhay
โ
Kumain ng masustansyang pagkain
โ
Mag-ehersisyo nang regular
โ
Magpatingin sa doktor para sa tamang payo at pagsusuri
๐ Ang Maagang Pagpapasuri ay Nakapagliligtas ng Buhay!
Maging mulat. Magpasuri. Maging ligtas.
Municipality of Alitagtag
Alitagtag Rural Health Unit
Health Education and Promotion Unit
06/06/2026
Municipality of Alitagtag- Alitagtag Rural Health Unit continues to provide counseling, education, and support services to breastfeeding mothers to promote optimal infant and young child feeding practices.
Breastfeeding counseling sessions help mothers gain confidence, address concerns, and learn proper breastfeeding techniques to ensure that their babies receive the best possible nutrition during the first years of life.
โจ Breastmilk is Best for Baby!
โ๏ธ Provides complete nutrition
โ๏ธ Strengthens the babyโs immune system
โ๏ธ Supports healthy growth and development
โ๏ธ Promotes bonding between mother and child
โ๏ธ Safe, clean, and always available
Together, let us support and encourage breastfeeding for healthier children, stronger families, and a healthier Alitagtag community.
05/06/2026
๐๐๐ฉ๐ฉ๐ฒ ๐
๐ข๐๐ฌ๐ญ๐, ๐๐ซ๐ ๐ฒ. ๐๐จ๐ง๐๐จ๐ซ๐๐ข๐! ๐
๐๐ฎ๐ง๐ 6, ๐๐๐๐
๐๐๐ ๐๐๐ญ๐ข ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฆ๐๐ก๐๐ฅ๐๐๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ฅ๐ข๐ญ๐๐ ๐ญ๐๐ !
05/06/2026
Nakibahagi po tayo ngayong araw sa pagpupulong ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) Batangas Chapter kasama ang ating mga kapwa Punong Bayan at ating mga Bokal, sa lalawigan ng Batangas. Nakasama rin natin sina Executive Secretary Ralph Recto at Senator JV Ejercito upang talakayin ang mga programang makatutulong sa patuloy na pag-unlad ng ating mga bayan at sa pagpapabuti ng serbisyong hatid sa ating mga mamamayan.
Nakiisa rin po tayo sa inagurasyon ng bagong Municipal Hall ng Bayan ng Balete sa pangunguna ni Mayor Wilson Maralit, isang mahalagang hakbang tungo sa mas maayos at mas episyenteng paghahatid ng serbisyo publiko.
Taos-puso po ang ating pasasalamat kina Executive Secretary Ralph G. Recto at Senator JV Ejercito, sa kanilang patuloy na suporta, malasakit, at pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan.
Malaki po ang kanilang naitutulong sa pagsusulong ng mga programang nagdudulot ng mas maraming oportunidad at mas magandang serbisyo para sa ating mga mamamayan.
Maraming salamat din po sa paanyaya at mainit na pagtanggap ng Bayan ng Balete!
Congratulations po sa inyong matagumpay na pagdiriwang, at nawaโy magpatuloy ang pag-unlad at kasaganaan ng inyong bayan.
Makakaasa po kayo na bilang inyong Punong Bayan, patuloy nating isusulong ang mga programa at proyektong magdadala ng kaunlaran at magpapabuti sa kalidad ng buhay ng bawat Alitagtagueรฑo! ๐๐งก
05/06/2026
๐๐จ๐ง๐ ๐ซ๐๐ญ๐ฎ๐ฅ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ, ๐๐๐ซ๐๐จ ๐๐ซ๐๐ค๐ ๐๐๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฒ๐จ๐ข๐ง! ๐
Pagbati sa kanilang kuponan sa kahanga-hangang tagumpay bilang Champion sa 12 Under 2026 Junior MPBL Provincial Circuit โ Batangas Leg!
Bukod sa pagkamit ng kampeonato, kinilala rin si Marco bilang Finals MVP, Season MVP, Defensive Player of the Season, at Mythical First Team na siyang patunay ng kanyang disiplina, at husay sa larangan ng basketball.
Isang espesyal na pagbati rin kay Ms. Reihna Pagsuyoin (Acting Sangguniang Bayan Secretary) at sa buong pamilya sa patuloy na suporta at gabay na naging mahalagang bahagi ng tagumpay na ito.
Nawaโy patuloy mong pagyamanin ang iyong talento, magsilbing inspirasyon sa ating mga kabataan at dalhin ang dangal ng ating bayan!
05/06/2026
๐๐จ๐ง๐ ๐ซ๐๐ญ๐ฎ๐ฅ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐! ๐
We are proud to share that Alitagtag is a High Performing LGU in the FY 2025 Peace and Order Council (POC) Performance Audit conducted by DILG Batangas.
Taos-pusong pasasalamat sa ating mga POC members, mga kawani ng LGU, pulisya, mga barangay, at sa bawat Alitagtagueรฑo na may puso para sa isang mapayapa at maunlad na komunidad.
Kinikilala rin natin ang mahalagang ambag ng dating Punong Bayan, Mayor Edilberto "Dingdong" Ponggos, POC Audit Focal Person Gng. Vivian Antonio at ang patuloy na paggabay ng DILG sa pangunguna ni MLGOO Desmari Francia Parilla.
Sama-sama nating ipagpatuloy ang epektibong serbisyo para sa mas ligtas at maayos na Alitagtag.
05/06/2026
Maraming salamat, Alitagtag!
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakilahok sa ating Municipal-Wide Clean-Up Drive "Linis Bayan 2026".
Dahil sa inyong oras, pagsisikap, at malasakit, naging mas malinis at maayos ang ating mga pampublikong lugar. Ang bawat basurang ating napulot at bawat lugar na ating nilinis ay patunay ng ating pagmamahal sa bayan.
Mula sa ating mga kawani ng munisipyo, PNP at BFP personnel, barangay officials, pati mga volunteers, maraming salamat po sa inyong lahat!
Sama-sama po nating ipagpatuloy ang kalinisan at disiplina para sa mas maganda at maunlad na Alitagtag.