FITS Amadeo

FITS Amadeo

Share

Farmers' Information and Technology Services and Municipal Agriculture Office of Amadeo

24/03/2026

RESCHEDULE OF ANTI RABIES VACCINATION ๐Ÿ’š๐Ÿถ๐Ÿฑ
Brgy. Pangil is on April 15, 2026

RESCHEDULE OF ANTI RABIES VACCINATION ๐Ÿ’š๐Ÿถ๐Ÿฑ

23/03/2026

๐‡๐š๐ง๐๐š ๐ง๐š ๐›๐š ๐ค๐š๐ฒ๐จ ๐ฆ๐ ๐š ๐ญ๐š๐ ๐š-๐€๐ฆ๐š๐๐ž๐จ?
Abangan natin ang ๐Š๐€๐ƒ๐ˆ๐–๐€ ๐๐† ๐๐€๐๐†๐”๐‹๐Ž sa ating bayan!
Halina't magsama-sama tayong makipagkaisa, bumisita, at mag-enjoy mamili ng mga abot-kaya at dekalidad na mga produkto.
Huwag na nating palampasin ang pagkakataong ito! Isama na ang inyong mga kaibigan, kapamilya, at kabitbahay!

Sa mga nais pong magtinda sa ating Kadiwa ng Pangulo, maaari lamang pong mag-message sa aming page upang kayo ay ma-assist at mabigyan ng karagdagang impormasyon hinggil sa paglahok.

Inaanyayahan namin ang lahat ng mga lokal na magsasaka, negosyante, at mga producer na makiisa at maging bahagi ng programang ito na naglalayong maghatid ng dekalidad at abot-kayang produkto para sa ating komunidad.

Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong patuloy na suporta at pakikiisa. Sama-sama po nating itaguyod ang lokal na produkto at kabuhayan ng bawat Pilipino. ๐Ÿ’š๐ŸŒพ

๐Ÿ—“๏ธ ๐–๐„๐ƒ๐๐„๐’๐ƒ๐€๐˜, ๐€๐๐‘๐ˆ๐‹ 22, 2026
โฐ๐Ÿ–๐€๐Œ ๐ญ๐จ ๐Ÿ“๐๐Œ
๐Ÿ“ ๐€๐ฆ๐š๐๐ž๐จ ๐Œ๐ฎ๐ง๐ข๐œ๐ข๐ฉ๐š๐ฅ ๐‚๐จ๐ฏ๐ž๐ซ๐ž๐ ๐‚๐จ๐ฎ๐ซ๐ญ

Photos from FITS Amadeo's post 16/03/2026

KA-AGRI TALK ๐ŸŒพ
Pinangunahan ni Mayor Jose โ€œJojoโ€ R. Domingo Jr. kasama si Mrs. Celsa B. Honrada, Municipal Agricultural Officer (MAO), at ang CA Agri Eco sa pangunguna ni Kgg. Billy Jim Bawalan, sa pakikipagtulungan ng Municipal Agriculture Office, ang isinagawang Ka-Agri Talkโ€”isang pagtitipon ng ating mga magsasaka upang magbahagi ng kaalaman, karanasan, at makabagong pamamaraan sa larangan ng agrikultura sa Amadeo.

Pinangunahan ang programa ng mga host na sina G. Henry Brolagda at Bb. Aina Madlansacay, na nagbigay-buhay at sigla sa talakayan ng mga kalahok.

Ang KA-AGRI TALK na programa ay binuo ng 26 na miyembro ng โ€œBarangay Committee on Agricultureโ€ dito sa bayan ng Amadeo sa pakikipagtulungan sa Municipal Agriculture Office ng Amadeo. Layunin ng programang ito na makalikha ng isang โ€œtulayโ€ (Bridge) na mag-uugnay sa ating mga pamilyang magsasaka sa mga lider, gumagawa ng polisiya, at iba pang mahahalagang stakeholder upang mapadali ang pagbuo ng Joint Roadmap & Development (JRD) para sa sektor ng agrikultura sa Amadeo.

Maraming salamat sa lahat ng magsasakang nakiisa at naging bahagi ng makabuluhang talakayang ito. ๐ŸŒพ๐Ÿค

Photos from FITS Amadeo's post 10/03/2026

๐Ÿพ ๐Œ๐š๐ซ๐œ๐ก ๐ข๐ฌ ๐‘น๐‘จ๐‘ฉ๐‘ฐ๐‘ฌ๐‘บ ๐‘จ๐‘พ๐‘จ๐‘น๐‘ฌ๐‘ต๐‘ฌ๐‘บ๐‘บ ๐‘ด๐‘ถ๐‘ต๐‘ป๐‘ฏ! ๐Ÿพ

Ang ๐Œ๐ฎ๐ง๐ข๐œ๐ข๐ฉ๐š๐ฅ ๐€๐ ๐ซ๐ข๐œ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐ž ๐Ž๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ž ๐จ๐Ÿ ๐€๐ฆ๐š๐๐ž๐จ at ๐…๐ˆ๐“๐’ ๐€๐ฆ๐š๐๐ž๐จ ay buong pusong nakikiisa sa pambansang pagdiriwang ng Rabies Awareness Month!

Sa temang โ€œ๐‘น๐’‚๐’ƒ๐’Š๐’†๐’”-๐‘ญ๐’“๐’†๐’† ๐’๐’‚ ๐‘ท๐’–๐’”๐’‚โ€™๐’• ๐‘จ๐’”๐’, ๐‘ฒ๐’‚๐’๐’Š๐’ˆ๐’•๐’‚๐’”๐’‚๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’‚๐’Ž๐’Š๐’๐’š๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’Š๐’๐’Š๐’‘๐’Š๐’๐’!โ€, ipinapaalala sa atin na ang pagprotekta sa ating mga alagang hayop ay unang hakbang upang mapanatiling ligtas ang ating mga tahanan at komunidad.

Sa pamamagitan ng responsableng pag-aalaga ng alagang hayop, regular na pagbabakuna sa mga a*o at pusa, at aktibong pakikilahok ng komunidad, sama-sama nating maisusulong ang layuning maging rabies-free ang ating bansa.

Patuloy tayong magtulungan sa pagpapalaganap ng kaalaman at pagkilos para sa kaligtasan at kapakanan ng bawat pamilyang Pilipino. ๐Ÿถ๐Ÿฑ๐Ÿ’‰

Photos from FITS Amadeo's post 04/03/2026

Sa pagdiriwang ng Womenโ€™s Month, nakiisa ang sa pagkilala at pagpapahalaga sa lakas, talino, at dedikasyon ng bawat kababaihan sa ating komunidad. Saludo kami sa inyong mahalagang ambag sa pagpapaunlad ng ating bayan. Mabuhay ang kababaihan! ๐Ÿ’œ

04/03/2026

RESCHEDULE OF ANTI RABIES VACCINATION ๐Ÿ’š๐Ÿถ๐Ÿฑ

Photos from FITS Amadeo's post 20/02/2026

DAY 3
February 19, 2026

Sustainable Coconut Farming Practices: Maximizing Yield and Profitability ๐ŸŒด

Isinusulong ang makabago at napapanatiling pamamaraan sa pagtatanim ng niyog upang mapataas ang ani at kita ng ating mga magsasaka. Sa pamamagitan ng tamang pagpili ng barayti, wastong pagpapabunga, integrated pest management, at climate-resilient farming techniques, natitiyak ang mas malusog na pananim at mas matatag na produksyon.

At isa-isang nagsitapos ang bawat kalahok sa tatlong araw na seminar na may dalang dagdag kaalaman, kasanayan, at inspirasyon upang higit pang paunlarin ang kanilang mga taniman. Ang kanilang aktibong pakikilahok ay patunay ng matibay na dedikasyon sa pagpapalago ng industriya ng niyog tungo sa mas mataas na ani at mas malaking kita.

Lubos din ang aming pasasalamat sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan ng Gourmet Farm Inc. (GFI) sa Silang, Caviteโ€”isa sa mga kinikilalang Regional Private Agriculture and Fisheries Extension Service Provider (PAF-ESP) ng Department of Agriculture โ€“ Agricultural Training Institute (DA-ATI Region IV-A)โ€”gayundin sa Costales Agricultural & Skills Development Institute (CASDII) sa kanilang mahalagang ambag sa tagumpay ng nasabing seminar.

Patuloy ang ating sama-samang pagkilos upang mapalakas ang industriya ng niyog at mapabuti ang kabuhayan ng bawat magsasaka tungo sa mas maunlad at sustenableng agrikultura. ๐ŸŒฑ๐Ÿฅฅ

Photos from FITS Amadeo's post 19/02/2026

Day 2
February 18, 2026

"Sustainable Coconut Farming Practices Maximizing yield and profitability"

Photos from FITS Amadeo's post 18/02/2026

"Day 1" Seminar
February 17, 2026
"Sustainable Coconut Farming Practices Maximizing yield and profitability"

Isinusulong ang napapanatiling pagsasaka ng niyog bilang susi sa pagpapataas ng ani at kita ng mga magniniyog, sa pamamagitan ng wastong pangangalaga sa puno, paggamit ng makakalikasang teknolohiya, at tamang pamamahala ng sakahan. Layunin nitong mapanatili ang kalusugan ng lupa, mapabuti ang kalidad ng ani, at matiyak ang pangmatagalang kabuhayan ng mga magsasaka habang pinangangalagaan ang kalikasan.

Maraming salamat po sa ating mga guest speaker na sina Mr. Moises T. De Mesa, Mr. Alex Mojica, Ms. Rosemarie L. Suarez, at Mrs. Josephine F. Costales sa pagbabahagi ng kanilang kaalaman, at karanasan. Malaki po ang maiitulong ng inyong mga mensahe sa tagumpay ng ating gawain. Maraming salamat po!

At higit sa lahat Maraming salamat po sa aming butihin at masipag na Ama ng Bayan Dr. Jose R. Domingo Jr. , at SB Chairman on Agriculture Regalado A. Borja na patuloy at walang sawang sumusuporta sa mga programa at adhikain ng ating pamahalaang lokal. Ang inyong malasakit at paggabay ay inspirasyon sa patuloy na pag-unlad ng ating bayan.

Photos from FITS Amadeo's post 09/02/2026

Matagumpay na naisagawa ang Municipal Agricultural and Fishery Council 1st Quarter Meeting sa pakikipag-ugnayan ng Municipal Agriculture Office at mga kinatawan ng sektor ng agrikultura, bilang plataporma sa pagbabahagi ng mga programa, suhestiyon, at panukala para sa kaunlaran ng komunidad.

Want your business to be the top-listed Government Service in Amadeo?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address


Brgy. Banaybanay
Amadeo
4119

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm