26/10/2026
PAMPUBLIKONG PAALALA: SCHOOL-BASED IMMUNIZATION (SBI)
❤️ Mga minamahal na magulang at tagapag-alaga, mahalaga ang inyong pakikiisa sa pagprotekta sa kalusugan ng ating mga anak!
Ang School-Based Immunization (SBI) ay programa ng Department of Health (DOH), katuwang ang Department of Education (DepEd), na naglalayong maprotektahan ang mga batang nag-aaral laban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pagbabakuna, kabilang ang tigdas, rubella, tetano, dipterya, at mga sakit na dulot ng Human Papillomavirus (HPV).
Bilang mga magulang at tagapag-alaga, mahalaga ang inyong kaalaman at aktibong pakikilahok upang maging maayos at ligtas ang pagpapatupad ng programa.
Paano kayo makatutulong?
✅ Dumalo sa mga orientation upang maunawaan ang layunin at proseso ng SBI.
✅ Basahin at unawain ang impormasyon tungkol sa mga bakunang ibibigay sa inyong mga anak.
✅ Makipag-ugnayan sa mga g**o at health workers para sa inyong mga katanungan at paglilinaw.
✅ Magbigay ng informed consent kung kayo ay sumasang-ayon sa pagbabakuna ng inyong anak, alinsunod sa mga itinakdang proseso ng programa.
Tandaan, mga magulang, ang pagbabakuna ay mahalagang hakbang upang makatulong na maprotektahan ang ating mga anak laban sa mga sakit na maaaring maiwasan. Sa pagtutulungan ng pamilya, paaralan, at mga health worker, mas mapagtitibay natin ang pangangalaga sa kalusugan ng ating mga kabataan.
Sama-sama nating suportahan ang School-Based Immunization!
Dahil ang batang malusog ay batang handang matuto, lumago, at mangarap para sa magandang kinabukasan!