Nagsagawa ang LGU Cooperative Section ng isang Orientation tungkol sa Kooperatiba para sa mga miyembro ng Pangil Women’s Club, na naglalayong ipaliwanag ang mga benepisyo ng pagtatatag ng kooperatiba at kung paano ito makatutulong sa kanilang kabuhayan at komunidad.
Isang hakbang tungo sa pagpapalakas ng kababaihan at pagpapaunlad ng sama-samang pagkilos 💪🌱
Amadeo Coop Devt. Section
Provides technical assistance to registered and would-be cooperatives in the Municipality of Amadeo
Dumalo ang lahat ng rehistradong kooperatiba sa Amadeo, kasama ang Cooperative Section staff, sa Annual Compliance Review for Cooperatives na pinangasiwaan ng OPCDO Cavite at isinagawa ng Cooperative Development Authority noong Marso 16, 2026 sa Provincial Government Center, Trece Martires City, Cavite.
Layunin ng aktibidad na matiyak ang pagsunod sa mga alituntunin at patuloy na pagpapalakas ng pamamahala ng mga kooperatiba tungo sa mas maayos at maunlad na operasyon 📊🤝
Isinagawa ang LCDOP–Cavite Chapter Monthly Meeting noong March 12, 2026 at 4RCAF Restobar and Events Place na matagumpay na ini-host ng Lokal na Pamahalaan ng Amadeo sa pangugnguna ni Mayor Jojo Domingo Jr. Nagbigay din ng pagbati ang SB Chair Committee on Cooperatives Reagan Ambion Borja. Tinalakay ang pinal na mga plano, isinagawa ang halalan ng mga bagong opisyal, at ibinahagi ang mahahalagang updates mula sa mga lokal na Cooperative Development Officers at ng Cooperative Development Authority.
Narito and mga nahalal na bagong opisyales sa taong 2026-2028:
President: Myrachel Cuadra (OPCDO-Cavite)
Vice-President: Atty. Alex Nicole Salvador (City of Gen. Trias)
Secretary: Janice Burgos-Diesta (Amadeo)
Treasurer: Cristina Bahala (Trece Martires City)
Auditor: Ma. Teresa Daño (City of Dasmariñas
P.R.O.: Maricel Bacud (Gen. Mariano Alvarez)
Patunay ito ng patuloy na pagkakaisa at aktibong partisipasyon ng sektor ng kooperatiba tungo sa mas matibay at maunlad na komunidad 🤝🌱
Ang Lokal na Pamahalaan ng Amadeo sa pangunguna ni Mayor Jojo Domingo Jr. sa pamamagitan ng Cooperative Section ay nakibahagi sa Annual General Assembly Meeting ng Amadeo Solar Irrigators Agriculture Cooperative noong Marso 10, 2026, na ginanap sa Cocinado El Corazon, JBT Farm, Brgy. Dagatan, Amadeo, Cavite.
Isang makabuluhang pagtitipon na nagpatibay ng pagkakaisa, pakikipagtulungan, at patuloy na pag-unlad ng ating mga kooperatiba. 🤝🌱
Noong Marso 10, 2026, bumisita sa Cafe Amadeo Development Cooperatives si DA Undersecretary Jerome Oliveros ng Department of Agriculture - Coffee Industry Development Office (CIDO), kasama sina Mayor Jojo Domingo Jr. at Councilor Reagan Ambion Borja, SB Chair Committee on Cooperatives and Agriculture.
Isang makabuluhang pagbisita na nagpapakita ng patuloy na suporta sa pagpapaunlad ng industriya ng kape at ng ating kooperatiba ☕🌱
Ang Amadeo Cooperative Section ay nagsilbing Resource Speaker sa Career Development Program ng Amadeo Integrated School noong ika-16 ng Pebrero, 2026.
Tinalakay natin ang mga simpleng benepisyo kooperatiba - tulong sa pag-iipon, dagdag kaalaman at oportunidad para umunlad. Ang gawaing ito ay bahagi ng inisyatibo ng ating Lokal na Pamahalaan ng Amadeo sa pamamagitan ng Public Employment Service Office upang gabayan ang kabataan sa kanilang magiging karera.
Maraming salamat sa pamunuan ng AIS, PESO at sa mga estudyante sa mainit na pagtanggap.
Ang Lokal na Pamahalaan ng Amadeo sa panguguna ni Mayor Jojo Domingo Jr. sa pamamagitan ng Cooperative Section ay matagumpay na nagsagawa ang Pre-Registration Seminar (PRS) para sa mga miyembro ng Amadeo Business Club noong ika-12 ng Pebrero, 2026.
Maraming salamat kay Mr. Jose Arnel Castillo ng Cooperarive Development Authority sa pagbabahagi ng kaalaman tungkol sa mga prinsipyo at tamang pamamahala ng isang kooperatiba.
Ang seminar na ito ay pundasyon upang mas mapatibay ang pagtutulungan ng mga negosyante sa Amadeo. Sama-sama tayo sa pag-unlad! ☕📈
💢Pagkakaisa, Pagpaplano, Pag-unlad 💢
Sa ginanap na Quarterly General Assembly Meeting cm Planning ng Amadeo Municipal Cooperative Development Council noong ika-16 ng Pebrero, 2026 sa pangunguna ng butihing Mayor Jojo Domingo Jr. at MCDC Chairperson Coun. Reagan Ambion Borja, pinagtibay ang diwa ng kooperatibismo - ang sama-samang pagkilos para iisang layunin.
Hindi lamang ito isang pagpupulong, kundi isang makubuluhang hakbang sa paghubog ng mas malinaw na direksyon, mas konkretong mga plano, at mas matatag na kinabukasan para sa ating mga kooperatiba at buong komunidad. 🤝📊
Ang Amadeo Cooperative Development Section ay dumalo sa buwanang pagpupulong ng League of Cooperative Development Officers of the Philippines(LCDOP)-Cavite Chapter sa Bayan ng Magallanes noong Pebrero 9, 2026. Malugod tayong tinanggap ni Mayor Janessa Maligaya-de Ramayo at Vice-Mayor Aina Mari Sisante-Maligalaig at ng mga kasapi ng Magallanes Municipal Cooperative Development Council sa panguguna ni G. Renato Ramos at Gng. Loreliza Frias.
Tinalakay ang mga plano at programa para sa mas pinaigting na pagpapaunlad ng ating mga kooperatiba. Sama-sama para sa mas maunlad at matatag na sektor ng kooperatiba.
15/01/2026
14/01/2026
Buong puso po naming inaanyayahan ang mga mamamayan ng Amadeo na makiisa sa Banal na Misa bukas, ka-15 ng Enero 2026, ganap na ika-7:00 ng umaga sa St. Mary Magdalene Parish Church bilang pasasalamat sa pagdiriwang ng Araw ng Amadeo, sa paggunita ng ika-111 Taong Anibersaryo ng Pagkakatatag ng ating bayan.
Sa temang Triple One: “One People, One Goal, One Government,” binibigyang-diin natin ang panawagan ng pagkakaisa, malinaw na direksiyon, at nagkakaisang pamahalaan para sa patuloy na kaunlaran ng Amadeo.
One People – Ipinahihiwatig nito ang pagkakaisa ng mga mamamayan ng Amadeo, anuman ang barangay, sektor, o antas sa buhay. Binibigyang-diin na ang lakas ng bayan ay nagmumula sa mamamayang may malasakit, respeto sa isa’t isa, at pagmamahal sa sariling bayan.
One Goal – Kumakatawan ito sa iisang adhikain ng pamahalaan at mamamayan: isang maunlad, ligtas, at maayos na Amadeo. Ipinapakita nito na ang tunay na pag-unlad ay nakakamit kapag malinaw ang direksiyon at sabay-sabay na kumikilos ang buong komunidad tungo sa pangmatagalang kaunlaran.
One Government – Sumasagisag ito sa isang nagkakaisang lokal na pamahalaan na tapat, transparent, at may pananagutan. Ipinapakita nito ang pamahalaang magkakatuwang ang mga tanggapan, bukas sa pakikilahok ng mamamayan, at nakatuon sa episyenteng paghahatid ng serbisyo para sa kapakanan ng lahat.
Nawa’y magsilbi ang pagtitipong ito bilang paalala na ang kaunlaran ng Amadeo ay makakamit lamang sa pagkakaisa ng mamamayan, iisang layunin, at pamumunong naglilingkod bilang iisang pamahalaan—tungo sa mas matatag, maka-Diyos, makatao, at maunlad na kinabukasan ng ating bayan.
Lubos kong ikagagalak ang inyong pakikiisa.
Sama-sama, iisang Amadeo. 🙏
22/12/2025
As part of gift-giving activities of Bukluran Multi-Purpose Cooperative in coordination with Cooperative Section, they extend their help to selected indigent families residing in Amadeo. Gift packs were received by Municipal Social Worker Development Office.
Website
Opening Hours
| Monday | 07:00 - 18:00 |
| Tuesday | 07:00 - 18:00 |
| Wednesday | 07:00 - 18:00 |
| Thursday | 07:00 - 18:00 |
