Sangguniang Kabataan - Ambulong

Directions

Sangguniang Kabataan - Ambulong Kabataan ng AMBULONG Sure Win ka!

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: 𝐏𝐑𝐀𝐈𝐒𝐄 𝐀𝐍𝐃 𝐖𝐎𝐑𝐒𝐇𝐈𝐏 & 𝐃𝐀𝐘 𝐎𝐅 𝐄𝐗𝐂𝐄𝐋𝐋𝐄𝐍𝐂𝐄 | 𝐋𝐈𝐍𝐆𝐆𝐎 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍 2026 “𝘼𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙗𝙖𝙩𝙖𝙖𝙣 𝙖𝙮 𝙢𝙖𝙮 𝙡𝙖𝙠𝙖𝙨, 𝙣𝙜𝙪𝙣𝙞𝙩 𝙖𝙣𝙜 𝙩𝙪𝙣𝙖𝙮 𝙣...
14/09/2026

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: 𝐏𝐑𝐀𝐈𝐒𝐄 𝐀𝐍𝐃 𝐖𝐎𝐑𝐒𝐇𝐈𝐏 & 𝐃𝐀𝐘 𝐎𝐅 𝐄𝐗𝐂𝐄𝐋𝐋𝐄𝐍𝐂𝐄 | 𝐋𝐈𝐍𝐆𝐆𝐎 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍 2026

“𝘼𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙗𝙖𝙩𝙖𝙖𝙣 𝙖𝙮 𝙢𝙖𝙮 𝙡𝙖𝙠𝙖𝙨, 𝙣𝙜𝙪𝙣𝙞𝙩 𝙖𝙣𝙜 𝙩𝙪𝙣𝙖𝙮 𝙣𝙖 𝙡𝙖𝙠𝙖𝙨 𝙖𝙮 𝙣𝙖𝙜𝙢𝙪𝙢𝙪𝙡𝙖 𝙨𝙖 𝘿𝙞𝙮𝙤𝙨.”

𝐀𝐌𝐁𝐔𝐋𝐎𝐍𝐆, 𝐓𝐀𝐍𝐀𝐔𝐀𝐍 𝐂𝐈𝐓𝐘 – Septyembre 13, 2026, isang makabuluhan at pinagpalang araw ang naging bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2026 sa Barangay Ambulong—isang araw na hindi lamang tungkol sa talento at tagumpay, kundi higit sa lahat ay tungkol sa pananampalataya, pasasalamat, at pagkakaisa ng kabataan sa Diyos.

Handog ng Sangguniang Kabataan ng Ambulong, ang Praise and Worship ay isinagawa upang bigyang pagkakataon ang mga kabataang Ambulongueños na mapalapit sa Diyos, magpasalamat sa Kanyang mga biyaya, at sama-samang magpuri at sumamba sa ating Diyos na buhay.

Naging makabuluhan ang pagtitipon sa pamamagitan ng isang mini-concert for praise and worship, kung saan sama-samang nagtaas ng kamay, umawit, at nagpahayag ng papuri ang ating mga kabataan. Isang paalala na sa gitna ng iba't ibang hamon ng buhay, laging may dahilan upang manampalataya, umasa, at magpasalamat sa Panginoon. 🙌

Lubos ang aming pasasalamat sa tatlong simbahan na naging daan upang maisakatuparan ang programang ito:

⛪ Living Epistle Ambulong Church
⛪ Lifestream Ambulong Church
⛪ Jesus Our Hope Church Global Ministry – Sucat, Muntinlupa

Maraming salamat sa inyong panahon, talento, presensya, at higit sa lahat, sa inyong pakikiisa upang maihatid sa kabataan ang mensahe ng pag-asa, pananampalataya, at pagmamahal ng Diyos. Tunay na mas nagiging makabuluhan ang isang programa kapag ito ay isinasagawa nang may pagkakaisa at iisang layunin.

Sa gitna rin ng ating pagsamba, binigyang-pugay at ginawaran ang mga kabataang nagpakita ng kanilang talento, husay, pagkamalikhain, at dedikasyon sa iba't ibang patimpalak na isinagawa bilang bahagi ng selebrasyon ng Linggo ng Kabataan 2026.

Ang bawat parangal ay hindi lamang pagkilala sa pagkapanalo, kundi pagkilala rin sa tapang na sumubok, sa oras na inilaan, at sa kakayahang ipakita ng kabataan ang kanilang natatanging potensyal. Congratulations, kabataan! Ang inyong tagumpay ay tagumpay ng buong Ambulong.

Taos-puso rin ang aming pasasalamat kay Hon. Sherwin Mendoza, kasama ang mga Kagawad at kawani ng Barangay Ambulong, sa kanilang mainit at patuloy na suporta sa mga programa para sa kabataan.

Maraming salamat din kay Hon. Clarence Pamplona Micosa sa kanyang walang sawang pagsuporta sa mga inisyatiba ng kabataan at programa ng SK Ambulong.

Lubos din ang aming pasasalamat kay Mayor Hon. Sonny Perez Collantes sa kanyang suporta, lalo na noong unang araw ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2026, at kay Hon. Ephraigme F. Bilog - SK Federation President, sa kanyang pakikiisa at suporta sa mga kabataan ng ating lungsod.

Lubos din ang pasasalamat sa Ambulong Elementary School kay Mam Cerila Garcia, Principal 1 na syang naging daan upang maipagdaos ang munting programang ito sa ating minamahal na paaralan.

Kina SK, Hon Alexa Arante Anciado, SK Hon. Jhon Mark Anillo Lamano, SK Hon. Stephanie Denisse Perez Dia at SK Sec JV Mendoza na kasama ng ating tagapangulo sa Sangguniang Kabataan nag-asikaso simula umpisa hanggang sa dulo ng selebrasyon ng Linggo ng Kabataan. Sa lahat ng kasama ng SK Ambulong.

At higit sa lahat, maraming salamat sa ating mga kabataan—sa mga naniniwala sa kakayahan at kapasidad ng Sangguniang Kabataan ng Ambulong na maglingkod, makinig, at lumikha ng mga programang may tunay na saysay para sa kabataan.

Ang lahat ng ito ay dahil sa inyo.

Sa bawat kabataang dumalo, nakilahok, nagtiwala, at patuloy na sumusuporta—kayo ang inspirasyon kung bakit patuloy kaming naglilingkod.

At sa lahat ng bumubuo ng Sangguniang Kabataan ng Ambulong, maraming salamat sa inyong oras, pagod, serbisyo, at puso para sa kabataan. Ang bawat programa ay bunga ng sama-samang pagkilos at malasakit.

Patuloy nating ipakita na ang kabataan ay hindi lamang pag-asa ng bayan—ang kabataan ay aktibong bahagi ng pagbabago ngayon.

“Let everything that has breath praise the Lord. Praise the Lord.”
— Psalm 150:6

Sama-sama sa pananampalataya. Sama-sama sa paglilingkod. Sama-sama para sa kabataan.

𝐋𝐈𝐍𝐆𝐆𝐎 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍 2026
“𝙔𝙤𝙪𝙩𝙝 𝘼𝙙𝙫𝙖𝙣𝙘𝙞𝙣𝙜 𝙈𝙪𝙡𝙩𝙞𝙡𝙖𝙩𝙚𝙧𝙖𝙡 𝘾𝙤𝙤𝙥𝙚𝙧𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙏𝙝𝙧𝙤𝙪𝙜𝙝 𝙏𝙚𝙘𝙝𝙣𝙤𝙡𝙤𝙜𝙮 𝙖𝙣𝙙 𝙋𝙖𝙧𝙩𝙣𝙚𝙧𝙨𝙝𝙞𝙥𝙨”

Mula sa puso ng Sangguniang Kabataan ng Ambulong, para sa bawat kabataang Ambulongueño.

WARDING CEREMONY & WORSHIP DAY📍 Ambulong Elementary School🗓️ Ngayong araw, September 13, 2026⏰ Ganap na alas-2:00 ng hap...
13/09/2026

WARDING CEREMONY & WORSHIP DAY

📍 Ambulong Elementary School
🗓️ Ngayong araw, September 13, 2026
⏰ Ganap na alas-2:00 ng hapon

Inaanyayahan ang lahat ng kabataang lumahok sa mga patimpalak at aktibidad ng Linggo ng Kabataan 2026 na dumalo sa ating Awarding Ceremony and Worship Day.

Sama-sama nating ipagdiwang ang inyong talento, sipag, dedikasyon, at pakikilahok sa matagumpay na selebrasyon ng Linggo ng Kabataan! 💙

Maraming salamat sa inyong pakikiisa at suporta!

Sangguniang Kabataan ng Barangay Ambulong
“Youth Advancing Multilateral Cooperation through Technology and Partnerships.”

THANK YOU, JETHRO RUSSEL DE CHAVEZ! The Sangguniang Kabataan of Barangay Ambulong extends its heartfelt gratitude and ap...
12/09/2026

THANK YOU, JETHRO RUSSEL DE CHAVEZ!

The Sangguniang Kabataan of Barangay Ambulong extends its heartfelt gratitude and appreciation to Jethro Russel De Chavez for proudly representing Barangay Ambulong on the city’s stage during the Grand Coronation of Lakan ng Tanauan 2026 last September 12, 2026.

You may not have brought home the crown, but you brought home something far greater—the respect, admiration, and pride of the people of Ambulong and everyone who stood behind you.

Your journey in Lakan ng Tanauan 2026 was never simply about winning a title. It was about having the courage to step forward, carrying the name of our barangay with pride, and showing everyone what an Ambulongeño can do when given the opportunity to shine.

You were not defeated. You gained an experience that no crown can measure. Every challenge, every moment on that stage, and every lesson you learned will become part of your growth and will surely serve as a valuable lesson in life.

Sometimes, we do not receive the crown we hoped for, but we receive something even more important—a lesson, a stronger character, and a story worth remembering.

Jethro, hold your head high. Your journey does not end with this coronation. This is only one chapter of a much bigger journey ahead. May the lessons of Lakan ng Tanauan 2026 inspire you to continue pursuing your dreams and becoming an even better version of yourself.

The crown may not be ours, but the pride you gave Ambulong will always be ours.

CONGRATULATIONS, JETHRO!
THANK YOU FOR REPRESENTING BARANGAY AMBULONG WITH PRIDE AND DIGNITY.

WE ARE PROUD OF YOU!

— The Office of the Sangguniang Kabataan Barangay Ambulong, Tanauan City

11/09/2026

Linggo ng Kabataan 2026
Mobile Legends Bang Bang Tournament

CHAMPIONSHIP GAME

VIDEO MAKING CONTEST & MOBILE PHOTOGRAPHY CONTESTThe submission period for the Video Making Contest and Mobile Photograp...
10/09/2026

VIDEO MAKING CONTEST & MOBILE PHOTOGRAPHY CONTEST

The submission period for the Video Making Contest and Mobile Photography Contest as part of the Linggo ng Kabataan 2026 celebration is now officially CLOSED!

We are proud to have received a total of 11 entries from our talented and creative youth:

🎬 5 Entries – Video Making Contest
📸 6 Entries – Mobile Photography Contest

A heartfelt THANK YOU to all the young participants who shared their creativity, talent, stories, and unique perspectives through these contests. Your active participation made our Linggo ng Kabataan 2026 celebration even more meaningful and vibrant!

JUDGING SCHEDULE
📅 September 11, 2026
⏰ Exactly 6:00 PM

The entries will be evaluated by the designated judges based on the official criteria of the contests. We wish all participants the very best of luck!

Once again, thank you to all our participating youth! Your creativity is a reflection of the talent, imagination, and potential of the young people of our community.

𝐋𝐢𝐧𝐠𝐠𝐨 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟔
“Youth Advancing Multilateral Cooperation through Technology and Partnerships.”

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐀𝐌𝐁𝐔𝐋𝐎𝐍𝐆, 𝐊𝐈𝐍𝐈𝐋𝐀𝐋𝐀 𝐁𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐎𝐏 10 𝐎𝐔𝐓𝐒𝐓𝐀𝐍𝐃𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐍𝐆𝐆𝐔𝐍𝐈𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐓𝐀𝐍𝐀𝐔𝐀𝐍 𝐂𝐈𝐓𝐘𝐓𝐀𝐍𝐀𝐔𝐀𝐍 𝐂𝐈𝐓𝐘, 𝐁𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆...
10/09/2026

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐀𝐌𝐁𝐔𝐋𝐎𝐍𝐆, 𝐊𝐈𝐍𝐈𝐋𝐀𝐋𝐀 𝐁𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐎𝐏 10 𝐎𝐔𝐓𝐒𝐓𝐀𝐍𝐃𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐍𝐆𝐆𝐔𝐍𝐈𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐓𝐀𝐍𝐀𝐔𝐀𝐍 𝐂𝐈𝐓𝐘

𝐓𝐀𝐍𝐀𝐔𝐀𝐍 𝐂𝐈𝐓𝐘, 𝐁𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆𝐀𝐒 — Isang makasaysayang pagkilala ang nasungkit ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Ambulong matapos itong tanghaling kabilang sa Top 10 Outstanding Sangguniang Kabataan – 2025 sa kauna-unahang SK Excellence Award, na ginanap noong Setyembre 5, 2026, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan sa Lungsod ng Tanauan.

Kabilang ang Barangay Ambulong sa sampung Sangguniang Kabataan na kinilala sa lungsod, kasama ang Altura Matanda, Bilog-Bilog, Darasa, Malaking Pulo, Maria Paz, Poblacion II, Poblacion III, Trapiche, at Ulango.

Kinatawan ng Hon. Aljhun M. Mendoza, SK Chairperson ng Barangay Ambulong, ang Sangguniang Kabataan sa naturang pagkilala—isang patunay ng patuloy na pagsisikap, dedikasyon, at sama-samang pagkilos ng buong SK Council para sa kapakanan at pag-unlad ng kabataan.

Ipinahayag ng Sangguniang Kabataan ng Ambulong ang taos-pusong pasasalamat kay SK Federation President Hon. Ephraigme F. Bilog at sa butihing ama ng Lungsod ng Tanauan, City Mayor Hon. Nelson “Sonny” Perez Collantes, sa kanilang mainit na suporta sa pagdiriwang ng SK Excellence Award at Linggo ng Kabataan 2026.

Para sa Barangay Ambulong, ang pagkilalang ito ay hindi lamang isang parangal para sa mga lingkod-kabataan. Ito ay tagumpay ng bawat kabataan ng Ambulong na patuloy na nagbibigay ng inspirasyon at lakas upang makilahok, mangarap, at maging bahagi ng pag-unlad ng kanilang komunidad.

Ang karangalang ito ay bunga ng pagkakaisa, sipag, serbisyo, at dedikasyon ng bawat miyembro ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Ambulong. Isang patunay na kapag ang kabataan ay nagkakaisa at sama-samang kumikilos, tunay na may kakayahan silang gumawa ng makabuluhang pagbabago.

Isang malaking pagbati sa Sangguniang Kabataan ng Barangay Ambulong! 🏆👏

𝐓𝐎𝐏 10 𝐎𝐔𝐓𝐒𝐓𝐀𝐍𝐃𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐍𝐆𝐆𝐔𝐍𝐈𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍 – 2025
Barangay Ambulong, Tanauan City
𝙄𝙨𝙖𝙣𝙜 𝙩𝙖𝙜𝙪𝙢𝙥𝙖𝙮. 𝙄𝙨𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙠𝙞𝙡𝙖𝙡𝙖. 𝙄𝙨𝙖𝙣𝙜 𝙞𝙣𝙨𝙥𝙞𝙧𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣 𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙗𝙖𝙬𝙖𝙩 𝙠𝙖𝙗𝙖𝙩𝙖𝙖𝙣.

10/09/2026

Linggo ng Kabataan 2026
Mobile Legends Bang Bang Tournament

Day 2

DEADLINE OF SUBMISSION OF ENTRIESSEPTEMBER 10, 2026 (11:59PM)
09/09/2026

DEADLINE OF SUBMISSION OF ENTRIES

SEPTEMBER 10, 2026 (11:59PM)

MEKANISMO AT ALITUNTUNIN SA VIDEO MAKING CONTEST

PAKSA: KUWENTO, KAMALAYAN, AT AKSYON LABAN SA CLIMATE CHANGE”

MGA KWALIPIKASYON SA PAGLAHOK

1)Bukas ang patimpalak para sa lahat ng kabataang residente ng Barangay Ambulong na may edad 15 hanggang 30 taong gulang.
2)Ang patimpalak ay isang INDIBIDWAL NA KOMPETISYON. Isang (1) tao lamang ang maaaring lumahok sa bawat entry.
3)Ang bawat kalahok ay maaaring magsumite ng isang (1) video entry lamang.
4)Ang video ay kinakailangang tumalakay sa Climate Change, kabilang ang mga sanhi, epekto, solusyon, climate action, environmental awareness, at mga konkretong hakbang na maaaring gawin ng kabataan at komunidad.
5)Ang video ay dapat orihinal na gawa ng kalahok at hindi dapat kopya o direktang hango sa gawa ng ibang tao.
6)Ang Kalahok ay kinakailangan na lumahok sa seminar at training sa petsa ng Septiyembre 6, 2026, kung mabibigo ito na dumalo ay hindi kikilalanin ng Komite ang kanilang rehistrasyon at pagsali sa kompetisyon na ito.
7)Ito ay walang consolation prize.
8)LIBRE ang pagpaparehistro.

PROSESO NG PAGPAPASA

1.Ang bawat kalahok ay kinakailangang isumite ang kanilang final video entry sa opisyal na Google Drive folder ng Video Making Contest:
OFFICIAL GOOGLE DRIVE FOLDER – VIDEO MAKING CONTEST

2.Ang video output ay kailangang i-upload sa itinakdang folder bago ang opisyal na deadline ng pagsusumite.
3.Ang file name ng video ay dapat sundin ang sumusunod na format:
4.APELYIDO_PANGALAN_VIDEO MAKING CONTEST
Halimbawa:
DELA CRUZ_JUAN_VIDEO MAKING CONTEST
5.Ang kalahok ay kinakailangang tiyakin na ang video ay maayos na nagpe-play, malinaw ang audio at video, at kumpleto ang nilalaman bago ito isumite.
6.Tanging ang final at opisyal na video entry lamang ang dapat i-upload. Ang mga draft, duplicate files, o maling file ay maaaring hindi isaalang-alang ng Committee.
7.Matapos ma-upload ang entry, kailangang tiyakin ng kalahok na ito ay accessible at maaaring ma-view o ma-download ng Contest Committee para sa opisyal na judging.
8.Ang mga entry na hindi naisumite sa tamang Google Drive folder o lumampas sa itinakdang deadline ay maaaring hindi tanggapin at hindi isailalim sa judging.
9.Ang Contest Committee ay hindi mananagot sa anumang problema sa upload na dulot ng mahina o walang internet connection, maling file, corrupted file, o maling submission ng kalahok. Pinapayuhan ang lahat na isumite ang kanilang entry nang mas maaga upang maiwasan ang anumang problema.

MGA TEKNIKAL NA KINAKAILANGAN SA VIDEO

1.Ang video ay dapat may minimum na 2 minuto at maximum na 5 minuto ang haba.
2.Maaaring gumamit ng cellphone, digital camera, o anumang video-recording device.
3.Maaaring gumamit ng editing applications o software upang mapahusay ang video.
4.Ang video ay maaaring gumamit ng Filipino, English, o Taglish.
5.Kailangang malinaw ang audio, video, at mga visual elements.
6.Maaaring gumamit ng voice-over, narration, interview, animation, text, graphics, at iba pang creative techniques.
7.Ang video ay dapat nasa MP4 format at may sapat na kalidad para sa malinaw na panonood.
8.Ang video ay dapat na landscape/horizontal orientation.
9.Dapat maglagay ng title card na naglalaman ng:
 Pamagat ng Video
 Pangalan ng Kalahok
 Barangay Ambulong
10.Maaaring gumamit ng background music, sound effects, larawan, at iba pang materyales basta't may pahintulot o hindi lumalabag sa copyright.
11.Ang kalahok ang responsable sa pagkuha ng kinakailangang pahintulot para sa paggamit ng anumang copyrighted materials.

MGA IPINAGBABAWAL

1)Mahigpit na ipinagbabawal ang pangongopya o plagiarism ng konsepto, script, video, o content ng ibang creator.
2)Hindi pinapayagan ang paggamit ng AI-generated video o buong AI-generated content bilang pangunahing entry.
3)Ipinagbabawal ang anumang mapanira, malaswa, diskriminasyon, hate speech, o offensive content.
4)Ipinagbabawal ang pagpapakita ng maling impormasyon o sadyang pagpapakalat ng misinformation tungkol sa climate change.
5)Hindi pinapayagan ang paggamit ng anumang materyal na lumalabag sa batas o karapatan ng ibang tao.
6)Ang entry na mapatunayang lumabag sa mga alituntunin ay maaaring tanggalin sa kompetisyon o madiskwalipika.

MGA KARAGDAGANG PAALALA

1)Ang bawat kalahok ay dapat magsumite ng sariling orihinal na video entry.
2)Ang kalahok ay maaaring maging director, writer, editor, narrator, cameraman, at pangunahing performer ng kanyang sariling entry.
3)Bagama't indibidwal ang kompetisyon, maaaring magkaroon ng ibang taong lumabas o tumulong sa video bilang supporting participants, ngunit ang registered contestant lamang ang kikilalanin bilang opisyal na kalahok at contestant.
4)Ang kalahok ay kailangang kumuha ng pahintulot mula sa sinumang taong lalabas sa kanyang video.
5)Ang lahat ng entries ay maaaring gamitin ng SK Barangay Ambulong para sa documentation, information dissemination, environmental awareness campaign, at promotional purposes, na may wastong pagkilala sa gumawa.
6)Ang desisyon ng mga hurado ay pinal at hindi na maaaring iapela, maliban kung may malinaw na paglabag sa contest rules.
7)Ang lahat ng kalahok ay inaasahang magpakita ng paggalang, pagiging responsable, at sportsmanship sa buong kompetisyon.
8)Pinapayagan ang paggamit ng stock footage o downloaded videos bilang pangunahing laman ng entry. Maaari lamang itong gamitin bilang supporting material.

DEADLINE NG PAGPAPASA NG OUTPUT

Ang lahat ng kalahok ay kinakailangang ma-upload at maisumite ang kanilang final video entry sa opisyal na Google Drive folder ng kompetisyon hindi lalampas sa Setyembre 7, 2026, alas-11:59 ng gabi (11:59 PM).
FINAL DEADLINE:
📅 Setyembre 7, 2026
⏰ 11:59 PM

Ang anumang video entry na maipapasa lampas sa itinakdang deadline ay hindi na tatanggapin at hindi na isasailalim sa judging, maliban lamang kung may opisyal na pahintulot mula sa Contest Committee.

Pinapayuhan ang lahat ng kalahok na isumite ang kanilang entry nang mas maaga upang maiwasan ang anumang problema sa internet connection, file upload, o accessibility ng kanilang video.

WALANG EXTENSION. Ang oras ng pagkaka-upload at pagkaka-submit ng file sa opisyal na Google Drive folder ang magiging batayan ng Contest Committee sa pagtukoy kung ang entry ay naisumite sa oras.

PAMANTAYAN SA PAGHUHUSGA
Nilalaman at Mensahe tungkol sa Climate Change - 30%
Pagkamalikhain at Originalidad - 25%
Epekto at Bisa ng Mensahe - 20%
Technical Quality – Video, Audio at Editing - 15%
Kabuuang Presentasyon - 10%
TOTAL: 100%

Nilalaman at Mensahe – 30%
Sinusukat kung gaano kalinaw, katumpak, at kabuluhan ang mensahe ng video tungkol sa climate change at climate action.

Pagkamalikhain at Originalidad – 25%
Sinusukat ang pagiging bago, kakaiba, malikhain, at orihinal ng konsepto at paraan ng paglalahad.

Epekto at Bisa ng Mensahe – 20%
Sinusukat kung gaano kalakas ang dating ng video at kung nakapagbibigay ito ng kamalayan at inspirasyon sa manonood na kumilos para sa kalikasan.

Technical Quality – 15%
Kabilang dito ang kalidad ng video, audio, editing, transitions, graphics, at iba pang teknikal na elemento.

Kabuuang Presentasyon – 10%
Sinusukat ang overall impact, organization, coherence, at professionalism ng buong video.

🏆 MGA PREMYO
🥇 CHAMPION — ₱3,000.00
🥈 1st RUNNER-UP — ₱2,000.00
🥉 2nd RUNNER-UP — 1,000.00

MAHALAGANG PAALALA

Ang patimpalak na ito ay naglalayong bigyan ng pagkakataon ang kabataan na gamitin ang sining, teknolohiya, at kanilang malikhaing ideya upang maipahayag ang kanilang pananaw tungkol sa Climate Change at maipakita ang mga konkretong hakbang na maaaring gawin ng bawat isa para sa pangangalaga ng kalikasan. “Hindi lamang tayo tagamasid ng pagbabago ng klima—tayo ay bahagi ng solusyon.

DEADLINE OF SUBMISSION OF ENTRIESSEPTEMBER 10, 2026 (11:59PM)
09/09/2026

DEADLINE OF SUBMISSION OF ENTRIES

SEPTEMBER 10, 2026 (11:59PM)

MEKANISMO AT ALITUNTUNIN SA MOBILE PHOTOGRAPHY CONTEST

PAKSA: “KAMAY NA TUMUTULONG, KABATAANG NAGLILINGKOD”

MGA KWALIPIKASYON SA PAGLAHOK

1)Bukas ang patimpalak para sa lahat ng kabataang residente ng Barangay Ambulong na may edad 15 hanggang 30 taong gulang.
2)Ang patimpalak ay isang INDIBIDWAL NA KOMPETISYON. Isang (1) tao lamang ang maaaring lumahok sa bawat entry.
3)Ang bawat kalahok ay maaaring magsumite ng isang (1) larawan lamang.
4)Ang larawan ay kinakailangang tumalakay sa tema na “Kamay na Tumulong, Kabataang Naglilingkod,” na nagpapakita ng pagtutulungan, boluntaryong paglilingkod, malasakit, bayanihan, community service, o iba pang positibong ambag ng kabataan sa komunidad.
5)Ang larawan ay dapat orihinal na kuha ng kalahok at hindi dapat kopya, downloaded, o direktang hango sa larawan ng ibang tao.
6)Cellphone lamang ang maaaring gamitin sa pagkuha ng larawan. Hindi pinapayagan ang paggamit ng DSLR, mirrorless camera, digital camera, action camera, o iba pang professional camera.
7)Maaaring gumamit ng editing applications o software para sa basic enhancement ng larawan, ngunit mahigpit na ipinagbabawal ang AI-generated images o paggamit ng generative AI upang likhain o baguhin ang pangunahing subject ng larawan.
8)Ang kalahok ay kinakailangang lumahok sa seminar at training sa Setyembre 6, 2026. Kung mabibigo itong dumalo, hindi kikilalanin ng Committee ang kanilang rehistrasyon at pagsali sa kompetisyon.
9)LIBRE ang pagpaparehistro.
10)Ito ay may tatlong (3) pangunahing mananalo lamang at walang consolation prize.
11)PROSESO NG PAGPAPASA
12)Ang bawat kalahok ay kinakailangang isumite ang kanilang final photo entry sa opisyal na Google Drive folder ng Mobile Photography Contest:

OFFICIAL GOOGLE DRIVE FOLDER – MOBILE PHOTOGRAPHY CONTEST


Ang bawat entry ay dapat may kasamang:
Larawan
Pamagat ng Larawan
Maikling Deskripsyon/Paliwanag ng larawan
Ang file name ng larawan ay dapat sundin ang sumusunod na format:

APELYIDO_PANGALAN_MOBILE PHOTOGRAPHY

Halimbawa:
DELA CRUZ_JUAN_MOBILE PHOTOGRAPHY

13)Ang kalahok ay kinakailangang tiyakin na ang larawan ay malinaw, maayos, at may sapat na kalidad bago ito isumite.
14)Tanging ang final at opisyal na larawan lamang ang dapat i-upload. Ang mga draft, duplicate files, o maling file ay maaaring hindi isaalang-alang ng Committee.
15)Matapos ma-upload ang entry, kailangang tiyakin ng kalahok na ito ay accessible at maaaring ma-view o ma-download ng Contest Committee para sa opisyal na judging.
16)Ang mga entry na hindi naisumite sa tamang Google Drive folder o lumampas sa itinakdang deadline ay maaaring hindi tanggapin at hindi isailalim sa judging.
17)Ang Contest Committee ay hindi mananagot sa anumang problema sa upload na dulot ng mahina o walang internet connection, maling file, corrupted file, o maling submission ng kalahok.
18)Pinapayuhan ang lahat ng kalahok na isumite ang kanilang entry nang mas maaga upang maiwasan ang anumang problema sa internet connection o file upload.

MGA TEKNIKAL NA KINAKAILANGAN SA LARAWAN
1.Ang larawan ay dapat kuhanan gamit lamang ang cellphone/mobile phone.
2.Maaaring gamitin ang portrait o landscape orientation, depende sa konsepto at komposisyon ng larawan.
3.Maaaring gumamit ng editing applications gaya ng photo cropping, exposure adjustment, brightness, contrast, saturation, sharpness, at iba pang basic photo enhancements.
4.Pinapayagan ang basic editing, ngunit hindi dapat baguhin nang malaki ang aktuwal na nilalaman o pangunahing subject ng larawan.
5.Mahigpit na ipinagbabawal ang AI-generated image bilang entry.
6.Hindi pinapayagan ang paggamit ng AI upang:
7.lumikha ng pangunahing larawan o subject;
8.mag-generate ng bagong background o malaking bahagi ng larawan;
9.magdagdag o magtanggal ng pangunahing tao, bagay, o eksena;
10.gumawa ng isang larawang hindi aktuwal na nakunan ng kalahok.
11.Ang larawan ay dapat nasa JPG/JPEG o PNG format.
12.Dapat sapat ang resolution at kalidad ng larawan upang malinaw itong makita sa judging at presentation.
13.Walang kinakailangang specific aspect ratio, ngunit dapat tiyakin ng kalahok na maayos ang framing at composition.
14.Hindi kinakailangang may watermark, logo, o pangalan ng kalahok sa mismong larawan. Ang pangalan ng kalahok ay ilalagay sa file name at submission details.

PAMAGAT AT DESKRIPSYON NG LARAWAN

Bawat entry ay kinakailangang may sariling pamagat at maikling deskripsyon.

Pamagat
Dapat maging makabuluhan, malikhaing, at may kaugnayan sa tema.
Deskripsyon

Dapat ipaliwanag sa maikli at malinaw na paraan:

Ano ang ipinapakita ng larawan;
Ano ang ipinahihiwatig nito tungkol sa pagtulong at paglilingkod ng kabataan; at
Paano ito nauugnay sa tema na “Kamay na Tumulong, Kabataang Naglilingkod.”

Halimbawa:

Pamagat: “Munting Kamay, Malaking Tulong”

Deskripsyon:
Ipinapakita ng larawan ang isang kabataang kusang tumutulong sa paglilinis ng komunidad. Sa simpleng pagkilos, naipapakita na ang kabataan ay may mahalagang papel sa pagpapanatili ng malinis, maayos, at nagkakaisang komunidad.

MGA IPINAGBABAWAL

1.Mahigpit na ipinagbabawal ang pangongopya o plagiarism ng larawan o konsepto mula sa ibang photographer o creator.
2.Ipinagbabawal ang paggamit ng downloaded, screenshot, stock photo, o larawan mula sa internet bilang pangunahing entry.
3.Mahigpit na ipinagbabawal ang AI-generated images.
4.Ipinagbabawal ang paggamit ng generative AI upang lumikha o gumawa ng pangunahing bahagi ng larawan.
5.Hindi pinapayagan ang anumang larawang may malaswa, mapanira, diskriminasyon, hate speech, offensive, o iba pang hindi naaangkop na content.
6.Ipinagbabawal ang pagpapakita ng eksenang sadyang inilagay sa panganib ang isang tao o hayop para lamang makakuha ng magandang larawan.
7.Hindi pinapayagan ang paggamit ng larawan na lumalabag sa batas o karapatan ng ibang tao.
8.Ang entry na mapatunayang lumabag sa alinman sa mga alituntunin ay maaaring tanggalin sa kompetisyon o madiskwalipika.

MGA KARAGDAGANG PAALALA
1)Ang bawat kalahok ay dapat magsumite ng sariling orihinal na larawan na kuha gamit ang kanyang cellphone.
2)Ang kalahok ay maaaring maging photographer, conceptualizer, at editor ng kanyang sariling entry.
3)Maaaring magkaroon ng ibang taong lumabas sa larawan bilang subject o supporting participant, ngunit ang registered contestant lamang ang kikilalanin bilang opisyal na kalahok.
4)Ang kalahok ay kailangang kumuha ng pahintulot mula sa sinumang taong malinaw na makikilala at lalabas sa kanyang larawan, lalo na kung gagamitin ito para sa public posting o promotional purposes.
5)Ang larawan ay dapat nagpapakita ng tunay na sitwasyon, aktuwal na pagkilos, o makatotohanang eksena na may kaugnayan sa tema.
6)Maaaring gamitin ng SK Barangay Ambulong ang mga isinumiteng larawan para sa documentation, information dissemination, environmental/community awareness campaign, at promotional purposes, na may wastong pagkilala sa gumawa.
7)Ang desisyon ng mga hurado ay pinal at hindi na maaaring iapela, maliban kung may malinaw na paglabag sa contest rules.
8)Ang lahat ng kalahok ay inaasahang magpakita ng paggalang, pagiging responsable, at sportsmanship sa buong kompetisyon.

DEADLINE NG PAGPAPASA NG ENTRY

Ang lahat ng kalahok ay kinakailangang ma-upload at maisumite ang kanilang final photo entry sa opisyal na Google Drive folder ng kompetisyon hindi lalampas sa:

📅 Setyembre 7, 2026
⏰ 11:59 PM

Ang anumang photo entry na maipapasa lampas sa itinakdang deadline ay hindi na tatanggapin at hindi na isasailalim sa judging, maliban lamang kung may opisyal na pahintulot mula sa Contest Committee.

WALANG EXTENSION.

Ang oras ng pagkaka-upload at pagkaka-submit ng file sa opisyal na Google Drive folder ang magiging batayan ng Contest Committee sa pagtukoy kung ang entry ay naisumite sa oras.

PAMANTAYAN SA PAGHUHUSGA
PAMANTAYAN PUNTOS
Kaugnayan sa Tema at Mensahe 30%
Pagkamalikhain at Originalidad 25%
Komposisyon at Visual Impact 20%
Technical Quality – Focus, Exposure, at Clarity 15%
Pamagat at Deskripsyon 10%
TOTAL 100%

Kaugnayan sa Tema at Mensahe – 30%
Sinusukat kung gaano kalinaw na naipapakita ng larawan ang tema na “Kamay na Tumulong, Kabataang Naglilingkod” at ang mensahe tungkol sa pagtutulungan at paglilingkod ng kabataan.
Pagkamalikhain at Originalidad – 25%
Sinusukat ang pagiging bago, kakaiba, malikhaing konsepto, at sariling interpretasyon ng kalahok sa tema.
Komposisyon at Visual Impact – 20%
Sinusuri ang framing, composition, paggamit ng space, anggulo, subject placement, at pangkalahatang visual appeal ng larawan.
Technical Quality – 15%
Kabilang dito ang focus, exposure, clarity, lighting, sharpness, at wastong paggamit ng basic editing.
Pamagat at Deskripsyon – 10%
Sinusukat kung gaano kahusay na naipapaliwanag ng pamagat at maikling deskripsyon ang mensahe at kahulugan ng larawan.

MGA PREMYO

CHAMPION — ₱3,000.00
1st RUNNER-UP — ₱2,000.00
2nd RUNNER-UP — ₱1,000.00

Walang Consolation Prize

MAHALAGANG PAALALA

Ang patimpalak na ito ay naglalayong bigyan ng pagkakataon ang kabataan na gamitin ang kanilang cellphone, talento, pagkamalikhain, at pananaw upang maipakita ang kahalagahan ng pagtutulungan at paglilingkod sa komunidad.

Sa pamamagitan ng isang simpleng larawan, maaaring maipakita ang malaking ambag ng kabataan sa lipunan.

“Sa bawat kamay na tumutulong, may kabataang naglilingkod; sa bawat paglilingkod, may komunidad na nabibigyang-inspirasyon.”

Address

Ambulong

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan - Ambulong posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share