16/04/2026
Isang taos-pusong pasasalamat ang ipinaaabot ng Pamahalaang Barangay ng Macaleeng, Anda, Pangasinan sa Giver of Life Global Ministries sa matagumpay na pagsasagawa ng kanilang Outreach Program at Medical Mission sa ating barangay. π
Sa pangunguna ng ating Punong Barangay, Hon. Raul C. Arig, lubos ang pasasalamat ng buong Sangguniang Barangay at ng buong mamamayan ng Barangay Macaleeng sa Giver of Life Global Ministries, Los Gatos, California, sa kanilang isinagawang medical mission dito sa ating barangay.
Lubos din ang aming pasasalamat sa ating kabarangay at balikbayan na si Sir Brian S. Aquino, kasama ang kanyang mahal na kabiyak na si Dra. M-yrjean Torres-Aquino, gayundin kay Maβam Crislyn, sa kanilang malasakit at naging malaking bahagi sa matagumpay na pagsasagawa ng outreach program na ito.
Bago isinagawa ang medical mission, nagkaroon muna ng isang makabuluhang worship prayer, at fellowship na nagbigay inspirasyon, pag-asa, at pagkakaisa sa lahat ng dumalo.
Kabilang sa mga serbisyong naipagkaloob ay ang libreng check-up, pamamahagi ng wheelchair at tungkod sa mga nangangailangan, school supplies para sa mga batang may edad 3 hanggang 7 taong gulang, libreng tuli, at libreng gamot para sa ating mga kabarangay.
Lubos din ang aming pasasalamat kay Doc. Mark Jay Garibay ng RHU Anda, sa kanilang matiyagang pagbibigay ng serbisyong medikal, pati na rin sa mga masisipag at dedikadong staff ng RHU Anda na naging katuwang sa matagumpay na pagsasagawa ng gawaing ito.
Maraming salamat din po sa lahat ng naging volunteers sa aktibidad na ito kasama ang mga Brgy. Employees (Brgy. Council,BHW's, CVO's at SK.)
Muli, maraming salamat sa Giver of Life Global Ministries at sa lahat ng naging bahagi ng programang ito. Nawaβy patuloy ninyong pagpalain at gabayan ang marami pang proyektong makakatulong sa ating mga komunidad.
Maraming salamat at mabuhay po kayong lahat! π«Άπ»
08/04/2026
π’ LIBRENG MEDICAL MISSION! π©Ίπ
Ang Giver of Life Global Ministries (Los Gatos, California) ay magsasagawa ng LIBRENG Medical Mission para sa ating komunidad!
π Petsa: Abril 15, 2026
β° Oras: 8:00 ng umaga pataas
π Lugar: Macaleeng Barangay Plaza
Mga serbisyong maaaring matanggap:
βοΈ Libreng check-up
βοΈ Libreng gamot
βοΈ Konsultasyong medikal
βοΈ Libreng tuli
βΏ Para naman po sa mga nangangailangan ng wheelchair, maaaring magpalista sa inyong Purok Adviser o BHW sa inyong purok.
πΆ Gayundin, ang mga may anak na edad 3 hanggang 7 taong gulang na nag-aaral ay maaari na ring magpalista sa inyong Purok Adviser o BHW.
Bukas ito para sa lahat ng residente ng Barangay Macaleeng, dalhin ang inyong pamilya at samantalahin ang pagkakataong maalagaan ang inyong kalusugan π
Sama-sama po nating suportahan ang makabuluhang gawaing ito. Kita-kits po tayo!
29/03/2026
First Semester Barangay Assembly Day 2026
Matagumpay na naisagawa ang ating Barangay Assembly ngayong araw sa temang:
βNagkakaisang Barangay Tungo sa Kalinisan, Kaayusan, Kapayapaan at Kaunlaran.β
Tampok ang SOBA ng ating Punong Barangay, Hon. Raul C. Arig, at buong suporta ng Macaleeng Barangay Council, kung saan ibinahagi ang mga nagawa, kasalukuyang programa, at mga susunod pang plano para sa pag-unlad ng ating barangay.
Ibinahagi rin ng ating SK Chairperson, Hon.Krz-xya G. Cudal, ksma ang kanyang SK Council ang kanilang mga accomplished projects, ongoing activities, at future programs para sa kabataan.
Sa nasabing assembly, namahagi rin ang barangay ng mga flyers at impormasyon tungkol sa:
1. Anti-VAWC (Violence Against Women and Children) Act of 2004
2. Safe Space Act
3. Solid Waste Management
4. Makabata Helpline 1383
5. No Burning Policy
Taos-puso rin pong pasasalamat sa ating Anda PS na nirepresenta ni PSSg. Exequel R. Olermo sa kanyang diskusyon at suporta, at kay Maβam Dhana Vie M. De Guzman, ang ating Social Worker Intern, sa pagiging emcee kasama ang ating SK Chairperson.
Bagamat hindi nakadalo ang ating OIC-MLGOO, Maβam Krishna Jane Bang-oa, lubos pa rin ang aming pasasalamat sa kanyang patuloy na suporta para sa ating barangay.
Congrats sa lahat ng nanalo sa raffle! Salamat sa inyong pakikiisa at suporta sa ating barangay.
Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagkakaisa para sa mas maayos, mapayapa, at maunlad na Barangay Macaleeng!
28/03/2026
Pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan πͺπ»
03.28.26
Isang makabuluhan at matagumpay na araw ng pagkilala sa lakas, husay, at walang kapantay na ambag ng kababaihan sa ating komunidad sa pangunguna nina Kagawad Baby Lita C. Caracas,Committee on Women and Chidren, at VAWC Desk Officer Kagawad Maribelle D. Castillo at sa patuloy na suporta ng ating Punong Barangay Raul C. Arig at ang buong konseho .
Lubos ang aming pasasalamat sa ating Panauhing Tagapagsalita Hon. Councilor Mary Ann C. Cacho na nagbigay ng mensahe at inspirasyon sa mga kababaihan ng Barangay Macaleeng!
Gayundin ang aming pasasalamat sa mga nakiisa sa programa mula sa SHEG,Senior Citizens,BHW, at Sangguniang Kabataan ng Macaleengπ
Taos-puso rin po ang aming pasasalamat sa mga nagbigay suporta sa ating programa:
πPara sa tokens : Mrs. Juanita Caracas at Mrs.Felicidad Gacusan
π Para sa mga papremyo sa ating mga palaro: Sir Carlos Castrence, Councilor Mary Ann Cacho, at Punong Barangay Raul C. Arig.
Ang pagdiriwang na ito ay hindi lamang pagkilala, kundi pagpapatibay ng ating adhikain na itaguyod ang karapatan, kapakanan, at kapangyarihan ng bawat kababaihan.
Sama-sama nating ipagpatuloy ang pag-angat ng kababaihan tungo sa mas inklusibo at makatarungang komunidad.
Padayon sa lakas ng kababaihan! πͺπ
26/03/2026
π£π£Para sa kaalaman ng lahat:
Ang kalsada sa Barangay Macaleeng ay idineklara na bilang Provincial road. Tulad ng ating kaalaman, kapag ang isang kalsada ay nasa ilalim na ng probinsya, hindi na ito sakop ng pondo ng Barangay o ng Munisipyo. Sa kabila nito, nagsagawa pa rin ng mga hakbang ang Sangguniang Barangay ng Macaleeng upang matugunan ang kalagayan ng ating kalsada.
Sa katunayan, dalawang taon na ang nakalilipas nang unang talakayin sa sesyon ang paghingi ng tulong mula sa Tanggapan ng ating Gobernador para sa pagkukumpuni ng ating kalsada. Noong nakaraang taon, pormal na naipasa ang isang resolusyon para sa naturang kahilingan. Gayunpaman, ang proseso ng pagkukumpuni ng kalsada ay hindi agarang naisakatuparan at nangangailangan ng sapat na panahon at maayos na koordinasyon. Makakaasa po kayo na patuloy ang aming pag-follow up ukol dito.
Kaugnay nito, nagkaroon din ng pag-uusap ang ating Punong Barangay at si Maβam Felicidad Gacusan patungkol sa kalagayan ng ating kalsada, partikular sa mga butas-butas na bahagi nito at kung paano ito agad matutugunan. Sa naturang pag-uusap, iminungkahi ni Maβam Felicidad na siya na ang mangunguna sa pagso-solicit mula sa ating mga balikbayan upang makatulong sa pansamantalang pagsasaayos ng kalsada, na siya namang pinahintulutan ng ating Punong Barangay. Sa parehong pagkakataon, naipabatid din ng Punong Barangay ang patuloy na kahilingan at follow-up sa Tanggapan ng ating Gobernador, Hon. Ramon V. Guico III para sa mas pangmatagalang solusyon sa kalsada.
Ang paglilinaw na ito ay ginawa upang tugunan ang mga kumakalat na pahayag na umanoβy walang aksyon ang Sangguniang Barangay ng Macaleeng ukol sa sitwasyon ng kalsada. Sa kabaligtaran, ang konseho ay patuloy na nagsusumikap at nakatuon upang maipaayos ang kalsada para sa kapakinabangan ng lahat.
Kami rin po ay taus-pusong nagpapasalamat sa ating mga balikbayan na kusang-loob na tumulong sa pagsasaayos at pagtakip ng mga nasirang bahagi ng kalsada, gayundin kay Maβam Felicidad Gacusan sa kanyang inisyatiba at malasakit sa ating komunidad.
Sa ngalan ng Sangguniang Barangay ng Macaleeng, sa pamumuno ng ating Punong Barangay, Hon. Raul C. Arig, kami po ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyong patuloy na suporta at pakikiisa para sa ikauunlad ng ating komunidad.
Maraming salamat po at pagpalain tayong lahat ng Diyos π
20/01/2026
"Golden Years, Stronger Together! πβ¨
The Senior Citizens of Barangay Macaleeng have been successfully reorganized. π«Άπ»
Congratulations to the newly elected officers!
May your leadership continue to inspire unity, participation, and empowerment in our community.
20/01/2026
"Empowering Every Ability! πβ¨
Barangay Macaleeng successfully held the reorganization of our PWD (Persons with Disabilities) community group.
20/01/2026
Thank you so much, Municipal Councilor Hon. Reymon C. Rarang ππ»
Maraming salamat po sa inyong donasyon ng tambak/limestone para sa pag-aayos ng mga malalalim at butas-butas na kalsada sa ating barangay. π«Άπ»
π Tunay pong malaking tulong ito para sa ating komunidad. God bless po! π
11/12/2025
π’ Fishing Lot Public Bidding Notice
Good day!
Magkakaroon po ng Fishing Lot Public Bidding on December 13, 2025 @ 1:00 PM na gaganapin sa ating Barangay Hall.
π° Minimum Bid: Php 300.00
All interested bidders are welcome po.
Thank you!
06/12/2025
A Look Back & A Glimpse Ahead π
From last year's shining 2024 Champion Parol to this year's stunning 2025 Champion Parol, Barangay Macaleeng continues to showcase the incredible talent, creativity, and dedication of our parol makers - Jerald Navarro && Cejay Caasi Gacutan ππ»
Your artistry lights up not only our celebrations but also the hearts of the entire community. Truly, your talent inspires us all! π«Άπ»
Witness the brilliance.
Celebrate the creativity.
Honor the makers. ππ»
06/12/2025
BACK-TO-BACK CHAMPIONS! ππ
Parol Making Contest β Avidad / Pasko sa Isla 2025
Our heartfelt gratitude to everyone who supported and believed in us! Once again, we have proven that talent, hard work, and unity truly lead to victory. We are proud to be the Back-to-Back Champions of the Parol Making Contest for Avidad / Pasko sa Isla 2025 at the Municipal Hall! β¨π
This achievement would not have been possible without the continued support of our beloved Punong Barangay, Hon. Raul Arig. π«Άπ»π
We also give our sincerest recognition and tribute to the remarkable creativity, dedication, and effort of our talented parol makers:
π Jerald Navarro
π Cejay Caasi Gacutan
Your exceptional skill in design and tireless dedication were the keys to this victory. You are truly an inspiration to our community! π
The plaque of recognition and cash prize were formally awarded by the Macaleeng Barangay Council, SK Officials, & Guest to our parol makers today, December 6, 2025, during the Opening of the SK Basketball & Volleyball League, in honor of their outstanding achievement. π©΅
To the entire barangay, this victory belongs to all of us as one united community! ππ»
Long live the spirit of Christmas, and long live Barangay Macaleeng! πβ¨