15/10/2026
𝙂𝙡𝙤𝙗𝙖𝙡 𝙃𝙖𝙣𝙙𝙬𝙖𝙨𝙝𝙞𝙣𝙜 𝘿𝙖𝙮 2026
Hey Wash Up! Wash Up! Wash your hands!✋🧼
📌October 15, 2026 | Nakilahok ang mga g**o at mag-aaral ng Toritori Elementary School sa 𝙂𝙡𝙤𝙗𝙖𝙡 𝙃𝙖𝙣𝙙𝙬𝙖𝙨𝙝𝙞𝙣𝙜 𝘿𝙖𝙮 2026:
Bakit mahalaga ang paghuhugas ng kamay?
Ayon sa pag-aaral, ang tamang paghuhugas ng kamay sa mga paaralan ay nakatutulong upang maiwasan ang mga sakit tulad ng diarrhea at respiratory infection, na magreresulta sa mas madalang na pagliban ng mga bata sa pagpasok sa paaralan.
Ang simpleng paghuhugas ng kamay ay mabisang paraan upang maprotektahan ang ating kalusugan. Sa bawat paghugas, nababawasan ang tsansa ng sakit at pagkakalat ng mikrobyo. Magsimula ng malinis na gawi—ugaliing maghugas ng kamay para sa mas ligtas na kinabukasan!
Gawing habit ang handwashing!