Joelle Mathea Panganiban

Directions Website

Joelle Mathea Panganiban Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Joelle Mathea Panganiban, Government Official, Angadanan.

04/10/2026

Good morning po sa ating lahat!

Di ba mas magandang mag-celebrate ng Teacher’s Day na kasama ang mga g**o natin??

Pakita natin na mahal natin ang mga g**o natin! Pangitiin natin sila. Pasayahin at wag bigyan ng sakit ng ulo! πŸ‘πŸΌ

In short, may pasok. 🫢🏼

Happy Teacher’s sa ating mga g**o, ang mga tumatayong pangalawang mga magulang ng mga bata sa Bayan ng Angadanan! πŸ’•

Alamin kung ano nga ba ang π˜Ώπ™Šπ™‡π™€ π™„π™£π™©π™šπ™œπ™§π™–π™©π™šπ™™ π™‡π™žπ™«π™šπ™‘π™žπ™π™€π™€π™™ π™‹π™§π™€π™œπ™§π™–π™’ (π˜Ώπ™„π™‡π™‹)!πŸ”Sino ang maaaring mag-apply?πŸ”Ano ang maaaring mata...
03/10/2026

Alamin kung ano nga ba ang π˜Ώπ™Šπ™‡π™€ π™„π™£π™©π™šπ™œπ™§π™–π™©π™šπ™™ π™‡π™žπ™«π™šπ™‘π™žπ™π™€π™€π™™ π™‹π™§π™€π™œπ™§π™–π™’ (π˜Ώπ™„π™‡π™‹)!

πŸ”Sino ang maaaring mag-apply?
πŸ”Ano ang maaaring matanggap sa ilalim ng programang ito?

Sustenableng Negosyo, Sandigan ng Bawat Pamilya ☺️

Art Card by: GIP Nestle and Irish πŸ‘©β€πŸ’»

ANNOUNCEMENT!Para sa mga interesadong mag-aral magluto, handog po sa inyo ng TESDA at Lokal na Pamahalaan ng Angadanan a...
25/09/2026

ANNOUNCEMENT!

Para sa mga interesadong mag-aral magluto, handog po sa inyo ng TESDA at Lokal na Pamahalaan ng Angadanan ang LIBRENG PAGSASANAY sa COOKERY NC II.

Sa mga interesado, mag-apply lamang po sa PESO Office.

Maraming salamat po!

Attention, mga ka-TESDA!LIBRENG pagsasanay sa AUTOMOTIVE SERVICING NC I ang alok sa inyo ng TESDA at Lokal na Pamahalaan...
25/09/2026

Attention, mga ka-TESDA!

LIBRENG pagsasanay sa AUTOMOTIVE SERVICING NC I ang alok sa inyo ng TESDA at Lokal na Pamahalaan ng Angadanan!

Para makasali, magpasa lamang ng mga documentary requirements sa PESO Office.
Hintayin ang tawag o confirmation kung kayo ay kwalipikadong makasali.

Maraming salamat po!

Alam niyo ba na ang BAMBOO ay isa sa mga produkto natin sa bayan ng Angadanan? Dito po nanggagaling sa ating ang propagu...
25/09/2026

Alam niyo ba na ang BAMBOO ay isa sa mga produkto natin sa bayan ng Angadanan? Dito po nanggagaling sa ating ang propagules na tinatanim sa iba’t ibang lugar. Tayo din ang kauna-unahang bayan sa Lalawigan ng Isabela na ginawang ONE-TOWN-ONE-PRODUCT (OTOP) ang bamboo!

Ngayong Philippine Bamboo Month at National Tourism Week, isa nanamang oportunidad na open para sa lahat ng mga malilikhain nating mga kababayan!

Nais po ng Local Government Unit of Angadanan humingi ng tulong sa ating mga malilikhaing kababayan! Napagusapan ng ating Tourism Office at ng Mayor’s Office na oras na para makapag-develop tayo ng ating mga bagong BAMBOO PRODUCTS!

Sa mga interesadong sumali, i-send lamang po ang nga sumusunod:
πŸ”˜ Digital design (PDF Format) / Scanned copy ng orihinal na drawing ng produkto
πŸ”˜ Specifications ng produkto
πŸ”˜ Ilagay ang inyong pangalan at kung saang barangay nakatira sa ilalim ng inyong design.

πŸ”˜ I-send lamanang po ang inyong mga disenyo sa: [email protected]

Maaring magsend ng hindi lang isa! Damihan ng damihan para naman mabigyan tayo ng dagdag na ideya. πŸ‘πŸΌ

Isa pang importanteng kailangan malaman, OPEN FOR ALL AGES po ito! Bata o matanda ay pwedeng pwedeng sumali!

Pipili po ang LGU Angadanan at Tourism Office ng LIMANG DISENYO!

At ang limang MAPIPILINGA disenyo ay makakakuha ng β‚±5,000 each!

Maliban po dyan, ang limang mapipiling disenyo at designer ay kasama po nating magtratrabaho hanggang sa mabuo at magawa natin ang disenyo. Literal na from design to finished product!

Ang mga magagawang produkto ang mga ima-market natin sa mga trade fair na sinasalihan ng ating bayan!

Gamitin po natin ang ating pagiging malikhan natin para mas mapaganda pa ang mga produktong gawa sa bamboo sa Angadanan! πŸŽ‹πŸŽ‹


The secret is out!! Ito na talaga to!!!! πŸ₯ΉPara sa kababaihan ng Angadanan!! Ikinagagalak ko pong ibahagi na konting mga ...
23/09/2026

The secret is out!!

Ito na talaga to!!!! πŸ₯Ή
Para sa kababaihan ng Angadanan!!

Ikinagagalak ko pong ibahagi na konting mga araw o linggo na lang ang iintayin natin para po sa opisyal na pagbubukas ng atin MAMMOGRAM MACHINE!

As of now, iniintay na lang po natin ang physical copy ng LICENSE TO OPERATE mula sa DOH REGIONAL OFFICE. Kapag makuha na po natin ito, inauguration at blessing na po ang susunod!

Para po sa mga magtatanong:
πŸ”˜Ano po ba ang Mammogram machine?
βž–Ito po ay isang makina na ginagamit sa pag-screen ng breast cancer. Makikita po dito ang tumor na maaaring nasa dede ng mga kababaihan o kalalakihan.

πŸ”˜ Saan po matatagpuan ang ating Mammogram Machine?
βž– Nakalagay po ito sa ating RADIOLOGY BUILDING (kung nasaan ang X-Ray, Ultrasound, & ECG machines) na nasa pangangalaga ng RHU Radiology Department!

πŸ”˜ Magkano po ang magpa-check gamit ang Mammogram Machine na ito?
βž– Sa ngayon po ay wala pa pong final na amount ang magagastos para sa pagpapa-check gamit ang machine na ito. Kabilin-bilinan po natin na dapat MINIMAL NA GASTUSIN LANG para sa ating mga kababayan!
βž– Inaayos pa din po na maisali sa PHILHEALTH at MAIP programs ito.

πŸ”˜ Saan po galing ang pondo na pambili ng Mammogram Machine na iyan?
βž– Ang MAMMOGRAM MACHINE po na ito ay na-procure sa ilalim ng 20% DEVELOPMENT FUND para sa taong 2026 ng Local Government Unit of Angadanan. Matagal pong pinlano na makabili tayo ng sarili nating machine para po makabawas ng gastos ang ating mga kababayan!

Kaya po ako talagang excited ibalita ito sa inyo:

Ang Bayan ng Angadanan at RHU ANGADANAN ang KAUNA-UNAHANG BAYAN na nakabili ng sariling MAMMOGRAM MACHINE sa BUONG REGION 2! πŸ‘πŸΌ

Saktong sakto po at Breast Cancer Awareness month po ang October. Kapag nakuha na po natin ang ating permit ay sisimulan na po natin ang screening.

Haay, pangarap lang po natin ito dati. Ngayon, ito na po siya! Totoong totoo na! At tiyak na malaking tulong sa mga kababaihan sa Bayan ng Angadanan at pati na din sa mga kalapit-bayan! 🀍

πŸ“Έ: RHU Radiology Department


Sabihan na ang mga kaibigan nating mga FOOTBALLERS sa Angadanan at sa ibang parte pa ng Isabela! πŸ‘πŸΌ Abangan ang mga susu...
18/09/2026

Sabihan na ang mga kaibigan nating mga FOOTBALLERS sa Angadanan at sa ibang parte pa ng Isabela! πŸ‘πŸΌ

Abangan ang mga susunod na mga updates ng Angadanan United F.C. at Local Youth Development Office - Angadanan, Isabela!

ATTENTION, ISABELA.

Something is taking shape in Angadanan. πŸ‘€

THE 1ST ANGADANAN CUP

AUFC Γ— LYDO ANGADANAN ISABELA

October 2026?
Maybe.

FOOTBALL LIVES HERE.

17/09/2026

Alright, alright!

Sa mga naka-experience po ng traffic sa Angadanan kanina, ito po ang rason.

Napuno po ang DALAWANG LANE sa ating Bypass sa may Pigalo Bridge ng mga nakatigil na motorcycle riders na walang helmet o registration o kaya ay mga sasakyan na kulang ang dokumento.

May naka-pwesto pong mga kasama nating ATMTU at PNP na parte ng ating ROAD SAFETY PROGRAM.

Oh diba?? Traffic sa Angadanan kase ang daming pasaway sa daan!

*Video: From Angadanan Traffic Management and Transportation Unit - ATMTU

14/09/2026

Kinagagalak ko pong ibahagi sa inyo ang isa sa mga obra na gawa ng mga Kabataan ng Angadanan! πŸ™πŸΌ

Ang β€œMANANG” po ang nanalong BEST SHORT FILM para sa SENIOR HIGH SCHOOL CATEGORY nitong katatapos lang nating Linggo ng Kabataan 2026! πŸ‘πŸΌ

At isa lang po ang masasabi ko, this short film truly hit close to home. Pagpupugay sa lahat ng mga ate, Manang, breadwinner, o ang mga taong nagsasakripisyo para sa mga pamilya nila! 🀍

Maghanda po kayo ng tissue dahil kung ako, napaiyak nito. Siguradong sigurado na mas iiyak po kayo!

Congratulations uli, Angadanan National High School! πŸ†

Address

Angadanan
3307

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Joelle Mathea Panganiban posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share