Joelle Mathea Panganiban

Joelle Mathea Panganiban

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Joelle Mathea Panganiban, Government Official, Angadanan.

Photos from Joelle Mathea Panganiban's post 02/06/2026

Heads up po para sa ating mga COLLEGE STUDENTS (A.Y. 2025-2026)! πŸ‘πŸΌ

Simula bukas (03 June 2026) ay bukas na po ang APPLICATIONS para sa CHED Tulong Dunong Program (TDP)!

πŸ”˜ 50 SLOTS ONLY!
At lahat po ng applications ay ipo-process ng ating opisina on FIRST-COME, FIRST-SERVED BASIS!

Naka-lista po dito sa ating pubmat ang lahat ng QUALIFICATIONS at DOCUMENTARY REQUIREMENTS.

Para po sa APPLICATION FORM, dito po sa OFFICE OF THE MUNICPAL MAYOR po magfi-fill up. Ipapakita po natin ang inyong mga dalang na requirements sa ating mga kasamahan, tska po tayo bibigyan ng application form.

⏳ DEADLINE: 04 June 2026 (Huwebes)

(Note: Please submit COMPLETE requirements on or before the deadline. Incomplete applications shall not be processed!)

Local Government Unit of Angadanan
Local Youth Development Office - Angadanan, Isabela


30/05/2026

HAPPY BIRTHDAY, PAPA! πŸŽ‚

Dahil officially 60 ka na, hinanda na namin ang katibayan na parte ka na ng sector ng mga Senior Citizen, walang iba kundi ang Senior Citizen ID mo!!

At para sure na di mo mawawala, ayan. Pinaprint na namin na malaki! Gamitin mo yan ah! Wag mong iwawala! 🀣

Dad, we wish you nothing else but good health and more happy years!

Enjoyin mo na ang 20% discount mo sa lahat ng bagay-bagay!! HAHA!

Love you, Papa Bear! πŸ’•

Photos from Joelle Mathea Panganiban's post 30/05/2026

Kahapon (29 May 2026) ay natuloy na din po ang FUEL SUBSIDY DISTRIBUTION at ang DISTRIBUTION OF ADDITIONAL ASSISTANCE (FROM GAKIT 2026 GRAND RAFFLE) para sa ating mga Angadanan Tricycle Franchisees.

Lahat po ng 386 na ANGADANAN TRICYCLE FRANCHISEES ay nakatanggap po ng β‚±650 worth o dalawang (2) piraso na tig-β‚±325 na Fuel Subsidy Voucher para sa buwan ng JUNE. Mayroon pa pong nakalaan na para sa buwan ng JULY at AUGUST.

Maliban po dito, maaalala din po natin na ginawa nating mas makabuluhan ang ating 2026 GRAND GAKIT RAFFLE dahil 25% ng NET PROCEEDS nito ay inilaan ng Local Government Unit of Angadanan para sa ating mga manong at Kuya na tricycle driver.

Dahil po dito, lahat po ng 386 Franchisees natin na taga-Angadanan at ibang Bayan ay nakatanggap ng tig-β‚±1,000 cash po nila mula sa net proceeds ng raffle.

Masaya po tayo na kahit papano ay nararamdaman po ng mga kasamahan nating tricycle driver na kasama nila ang LGU ngayong tuluy-tuloy pa rin po silang naaapektuhan ng krisis.

Syempre, hindi din po tayo tumigil na magpaalala na may kaakibat na responsibilidad ang pagkuha ng TAMANG PRANGKISA at ng assistance. Hindi po dapat ipagpatuloy ang overcharging at ang panlamang sa kapwa nating mga kababayan, lalo na’t may mga natanggap po tayong reklamo tungkol sa mataas o maling paniningil ng pamasahe.

Ayon naman po sa mga manong natin, wag sanang lahatin dahil mas madami pa din sa kanila ang sumusunod sa taripa sa ilalim ng FARE MATRIX ORDINANCE ng ating bayan.

Makakaasa po ang mga Tricycle Franchisees natin na tuloy-tuloy ang suporta ng LGU sa kanila. Makakaasa din po ang mga commuters natin na mas sistriktuhan ng LGU ang pagbabantay sa mga pasaway na Tricycle franchisees. πŸ‘πŸΌ

Angadanan Traffic Management and Transportation Unit - ATMTU


29/05/2026

Dahil huling araw na po ngayon (29 May 2026) ng ARCHERY SUMMER SPORTS CAMP dito sa ating Bayan,

Nag-offer po ang ating Coach na si Coach Paul Dela Cruz na i-OPEN po sa LAHAT NG TAGA-ANGADANAN na GUSTONG SUMUBOK NG ARCHERY.

Sa mga interesado po at gustong sumubok, pumunta lamang po tayo sa ating Angadanan Athletic Grounds & Recreational Center ng 2:00pm.

Muli, open po para sa lahat NGAYONG ARAW! Kaya wag po natin sayangin ang oportunidad na maturuan ng isa sa pinaka-mahusay na coach ng Archery. πŸ‘πŸΌ

Magkita-kita po tayo mamaya!



Photos from Joelle Mathea Panganiban's post 29/05/2026

Para po sa kaalaman ng ating mga kababayan,

Sa ilalim po ng MUNICIPAL ORDINANCE NO. 2026-R15-01, narito po ang UPDATED PRICELIST para sa ating ULTRASOUND, THYROID FUNCTION TEST, CANCER MARKERS, at iba pa.

Kung maaalala po natin, BUMILI AT NAGUPGRADE po, sa ilalim ng 20% Development Fund noong 2025, ang Local Government Unit of Angadanan ng mga kagamitan at Diagnostic machines sa ating Rural Health Unit Angadanan para po mas mapaganda natin ang ating mga Healthcare Services.

Napag-usapan po at sinigurado ng ating Lokal na Pamahalaan na dapat mas mababa ang presyo ng mga healthcare services sa ating Bayan. At sisiguraduhin din po natin na mas lalo pa po nating pagagandahin ang kagamitan at syempre, ang serbisyong pangkalusugan dito sa atin.

Tulad po ng lagi nating sinasabi, importante po sa atin na makumpleto lahat ng gamit natin para po hindi na tayo lumalabas para lang po makapagpa-check up at makakuha ng serbisyo.

Sisikapin po ng LGU na makapagdagdag pa ng ibang serbisyong pangkalusugan sa mga susunod na buwan o taon!

Maraming salamat po!

β€” β€” β€”

PS. Natutuwa po ako dahil tayo sa ANGADANAN UNANG UNANG nagkaroon ng DIAGNOSTICS MACHINE na makakapag-test ng Thyroid Function at tayo din ang may PINAKA-MURA na presyo. HEHEHE.

Mayroon na din tayong NECK & BREAST ULTRASOUND sa ating RHU. Tayo din po ang unang unang nagkaroon nito. πŸ‘πŸΌ

Ang galing talaga ng HEPU Angadanan & RHU ANGADANAN!


Photos from Joelle Mathea Panganiban's post 27/05/2026

Para po sa kaalaman ng ating mga Angadanan Tricycle Franchisees,

Gaganapin po sa Biyernes (29 May 2026) ang Distribution of Fuel Subsidy Vouchers na subsidy ng Local Government Unit of Angadanan para po sa ating 367 na Tricycle Franchisees.

Tulad po ng napag-usapan sa lahat po ng ating meetings kasama ang Angadanan Traffic Management and Transportation Unit - ATMTU, ang bawat Tricycle Franchisee ay makakatanggap ng β‚±650 / month na equivalent sa ISANG FULL TANK (7 liters).

Dahil hindi naman po lahat ng tricycle ay may capacity na 7 liters, napagusapan po ng committee na dalawang (2) voucher ang bawat Tricycle Franchisee na tig-β‚±325 para sa buwan ng June.

NON-TRANSFERABLE po ang mga voucher na ito. Nakalagay sa mismong voucher ang PANGALAN, PLATE NUMBER, at TRICYCLE FRANCHISE NUMBER ng bawat Tricycle Franchisee. Kung kanino po nakapangalan, siya lang po ang pwedeng mag-claim.

Sa DISADECO Angadanan lamang po pwedeng magpa-gasolina gamit ang Fuel Subsidy Vouchers mula po sa Lokal na Pamahalaan ng Angadanan.

Ang subsidiyang ito ay tulong para po sa mga driver na naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng gasolina.

Alam po natin na hindi man ito ganun kalaki, pero sana po’y makatulong ito sa ating mga tricycle drivers kahit papano.

Pinapaalala din po natin sa mga kasamahan nating drivers, alam po natin na apektado pa din po tayo ng krisis. Pero kung maaari ay wag po sana nating abusuhin ang krisis na ito, lalo na po pagdating sa paniningil ng mas mataas sa kung ano po ang nasa fare matrix natin.

Narito din po sa baba ang listahan ng lahat ng ating Tricycle Franchisees mula po sa Legislative Office at BPLO na makakatanggap po ng Fuel Subsidy Vouchers.

Salamat po! Muli, magkita-kita po tayo sa Biyernes.


27/05/2026

Syempre feeling Hawkeye o Katniss Everdeen tayo kanina. 🏹

Di po nating napigilang sumali at makinig sa unang araw ng ARCHERY sa ating Summer Sports Camp!

Kunwari na lang po pasok kami ni Local Youth Development Office - Angadanan, Isabela-OIC Joselito Lappay para naman marinig at makitang magturo ang isa sa pinaka magaling na Coach Paul Dela Cruz! πŸ‘πŸΌ

Fun Fact: si Coach Paul ay Asian Games medalist at SEA Games medalist!

Kaya sa mga participants natin for Archery, wag nating sayangin ang opportunity na maturuan ng talagang magaling na coach natin!

Local Government Unit of Angadanan



Photos from Local Youth Development Office - Angadanan, Isabela's post 27/05/2026
Photos from Joelle Mathea Panganiban's post 26/05/2026

Narito po ang listahan ng mga nakapag-register para sa ARCHERY na magsisimula bukas (27 MAY 2026).

Ang mga nakalagay pong pangalan dito ay mga nag-register po sa ating link at pasok sa qualifications na naipost natin (i.e. residence, age limit, etc).

Ang schedule po para sa ARCHERY:
πŸ”˜ 27 May (Wednesday) - 1:00pm to 5:00pm
πŸ”˜ 28 May (Thursday) - 8:00am to 12:00nn
πŸ”˜ 29 May (Friday) - 2:00pm to 6:00pm

Para po sa mga kailangang dalhin, sa mga may sariling gamit po tulad ng bow at arrow, ay pakidala po ito. Magsuot din po tayo ng jogging pants/athletic shorts, kumportableng t-shirt, at rubber shoes.

Maraming salamat po!

Magkita-kita po tayo dito! πŸ‘πŸΌ

Local Government Unit of Angadanan
Local Youth Development Office - Angadanan, Isabela



26/05/2026

Nabasa ko po noon, napaka-importante na mabigyan ng oportunidad ang mga bata na maglaro ng sports dahil dito sila natututo ng skills, attitudes, at principles na magagamit sa tunay na buhay.

Natutuwa po akong makita ang mga batang ito na naglalaro sa labas ng bahay, nakakalanghap ng malinis na hangin, nakakahanap ng mga bagong kaibigan na may kaparehong hilig, at higit sa lahat, nag-eenjoy sa sport na gusto nila! πŸ‘πŸΌ

Ayos talaga itong Angadanan Summer Sports Camp natin! Baka sakaling mas maging masisigla ang mga bata natin na hindi laging nakatutok sa gadgets! πŸ˜…

PS. Sa mga magulang po ng mga bata, wag kalimutan ang sunblock nila! Sobrang init na po ngayon kahit gaanong kaaga tayo magsimula ng laro. β˜€οΈ

Want your business to be the top-listed Government Service in Angadanan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address


Angadanan
3307