17/10/2025
Magandang araw po!!
Sa mga nais pong magkaroon ng kopya ng kanilang PSA documents (Birth/Marriage/Death/CENOMAR), maaari po kayong pumunta sa aming tanggapan sa loob ng Pamahalaang Bayan ng Angat mula 8:00 N.U-5:00 N.H.
Bukas po ang ating PSA BREQS Outlet upang mas mapadali ang pagrerequest ng mga nasabing dokumento. Ang pagkuha po ng documents sa ating PSA BREQS ay may 2 weeks processing at cut off every Thursdays.
Request date: October 16-23, 2025
Cut off date & time: October 23, 2025 3:00 PM
Release date: November 3, 2025
15/10/2025
ππππππππππ ππππππ°π!
Magandang araw po!
Para po sa mga aplikante ng National ID na nagpunta noong nakaraang September 25, 2025 ngunit hindi nakapag-apply at nabigyan na lamang ng stub para bumalik sa darating na ππππ¨πππ« ππ, ππππ, ang PhilSys staff po ay nasa ππππππππ°ππ ππππππ po bukas, Huwebes mula 9:00 AM- 4:00 PM para sa gaganaping Registration ng National ID.
Maraming Salamat po!
13/10/2025
Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ay nakikiisa sa Bayan ng Angat sa kanilang pagdiriwang ng Gunita ng Lahi at Yamang Angat o ππππππππππ π
πππππππ!
Bilang bahagi ng ika-342 taong pagkakatatag ng Bayan ng Angat, nawaβy magsilbing inspirasyon ang makulay na pagdiriwang na ito upang higit pang mapahalagahan ang kasaysayan, kultura, at yamang agrikultural ng bayan.
Taos-pusong pagbati sa lahat ng mamamayan ng Angat sa patuloy ninyong pagkakaisa, kasipagan, at pagmamahal sa sariling bayanβmga katangiang tunay na nagpapayabong sa Lalawigan ng Bulacan.
03/10/2025
Magandang araw po!!
Sa mga nais pong magkaroon ng kopya ng kanilang PSA documents (Birth/Marriage/Death/CENOMAR), maaari po kayong pumunta sa aming tanggapan sa loob ng Pamahalaang Bayan ng Angat mula 8:00 N.U-5:00 N.H.
Bukas po ang ating PSA BREQS Outlet upang mas mapadali ang pagrerequest ng mga nasabing dokumento. Ang pagkuha po ng documents sa ating PSA BREQS ay may 2 weeks processing at cut off every Thursdays.
Request date: October 2- 9, 2025
Cut off date & time: October 9, 2025 3:00 PM
Release date: October 20, 2025
02/10/2025
π©΅ ATM: Pre-Marriage Orientation and Counseling of May Forever sa Gulay Angat Kasalang Bayan 2025 Couples at Conference Hall.
01/10/2025
Isa sa mga pinakapaborito kong gampanin bilang Punong Bayan ay ang pag-officiate ng kasal. Marahil ay dahil muling sumisariwa sa aking alaala ang panahon kung kailan itinaya ko ang aking sarili upang maging kabiyak ng aking minamahal na asawa.
Dahil dito, buong puso ko pong inaanyayahan ang lahat ng mga Angatenyong handa nang magpanumpa ng wagas na pagmamahalan at panghabambuhay na pagsasama na makiisa sa Kasalang Bayan sa darating na Oktubre 21, 2025, bilang tampok na bahagi ng ating GulayAngat Festival 2025.
π Mga Dapat Tandaan:
β’ Extended Registration Deadline: October 3, 2025
β’ Lugar ng Pagpaparehistro: Municipal Civil Registry Office
β’ Mga Kinakailangang Dokumento:
1. PSA Birth Certificate ng bawat isa sa magpapakasal (free of charge);
2. Certificate of No Marriage (CENOMAR) ng bawat isa sa magpapakasal (free of charge);
3. Certificate of Attendance sa Pre-Marriage Orientation at/o Counseling Seminar;
4. Isang valid ID ng magpapakasal;
5. Duly accomplished application for Marriage License form;
6. Pinakabagong Community Tax Certificate o CEDULA;
7. Isang 1x1 ID picture (may puting background) ng bawat isa sa magpapakasal;
8. Pahintulot sa Kasal Ng magulang o guardian ng isang indibidwal na nasa edad na (kung ang aplikante ay nasa pagitan ng 18-21 taong gulang);
9. Death Certificate ng yumaong asawa (kung ang aplikante ay balo);
10. Certificate of Finality ng Annulment mula sa Korte (kung ang aplikante ay annulled).
π Libre ang seremonya at may inihandang simpleng handaan at mga sorpresa mula sa Pamahalaang Bayan bilang selebrasyon ng inyong espesyal na araw.
Isang selebrasyon hindi lamang ng pag-ibig ng bawat magkasintahan, kundi ng pagkakaisa at pag-unlad ng ating komunidad.
01/10/2025
Sumailalim ang opisina ng Angat Municipal Civil Registry sa Random Checking & Audit na isinagawa ng PSA Bulacan Field Office.
Layunin ng inspection and visitorial na ito ay mapabuti at matiyak na ang Angat MCRO ay mahigpit na sumusunod sa mga mandato at tagubilin ng Philippine Statistic Authority pagdating sa proseso ng Civil Registration. Layunin din ng gawain na ito ay magbigay ng rekomendasyon at payo sa pagsasaayos ng mga archives.
Ang opisina ng Angat MCR ay laging sumusunod sa civil registry laws na ipinatutupad at naghahatid ng matiwasay at maayos na serbisyo publiko sa suporta ng ating Punong bayan, Igg. Reynante βJowarβ S. Bautista.
Para sa mga katanungan o nais magsadya, bukas po ang aming opisina mula Lunes hanggang Biyernes, 8am-5pm Angat Municipal Hall Ground Floor.
29/09/2025
ANGATEΓOS, MALAPIT NA!
Ihanda na ang inyong mga kalendaryo para sa GULAYANGAT FESTIVAL 2025 π
π
October 13β24, 2025
π Tema: "Sulong para sa Eko-Kultural na Pag-Angat" β isang panawagan na pagsabayin ang pag-unlad ng kalikasan at kultura ng Angat, para sa isang masigla at makulay na kinabukasan.
Halinaβt makiisa sa 12 araw ng selebrasyon β Parada, Paligsahan, Tugtugan, Job Fair, at marami pang iba!
Samahan kami sa pag-angat ng ating bayan!
26/09/2025
Magandang araw po!!
Sa mga nais pong magkaroon ng kopya ng kanilang PSA documents (Birth/Marriage/Death/CENOMAR), maaari po kayong pumunta sa aming tanggapan sa loob ng Pamahalaang Bayan ng Angat mula 8:00 N.U-5:00 N.H.
Bukas po ang ating PSA BREQS Outlet upang mas mapadali ang pagrerequest ng mga nasabing dokumento. Ang pagkuha po ng documents sa ating PSA BREQS ay may 2 weeks processing at cut off every Thursdays.
Request date: September 26- October 2, 2025
Cut off date & time: October 2, 2025 3:00 PM
Release date: October 13, 2025
25/09/2025
Dahil sa inaasahang hindi magandang lagay ng panahon dulot ng bagyong Opong at Habagat, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas ng paaralang pampubliko at pribado mula bukas (Setyembre 26) hanggang Sabado (Setyembre 27). Hinihikayat ang mga paaralan na mag-shift muna sa Alternative Delivery Mode upang hindi gaanong maapektuhan ang pag-aaral ng mga bata.
Manatili pong ligtas ang lahat!