Sangguniang Barangay ng Niugan

Directions

Sangguniang Barangay ng Niugan Official page of Barangay Niugan, Angat, Bulacan

Clean up drive of Sangguniang Barangay ng Niugan  October 3,2026
03/10/2026

Clean up drive of Sangguniang Barangay ng Niugan
October 3,2026

Clean Up drive of Barangay NiuganSeptember 26,2026
26/09/2026

Clean Up drive of Barangay Niugan
September 26,2026

BAGONG PILIPINAS PRESIDENTIAL SCHOLARS Isang malaking tulong para sa kinabukasan ng ating kabataan! ❤️Matagumpay na naip...
21/09/2026

BAGONG PILIPINAS PRESIDENTIAL SCHOLARS

Isang malaking tulong para sa kinabukasan ng ating kabataan! ❤️

Matagumpay na naipamahagi ang ₱20,000 scholarship assistance sa limang (5) college students mula sa Barangay Niugan sa ilalim ng Bagong Pilipinas Presidential Scholars Program – Bawat Barangay Makikinabang.

Bawat scholar ay tumanggap ng ₱20,000 bilang suporta sa kanilang pag-aaral at karagdagang tulong upang maipagpatuloy ang kanilang mga pangarap. 📚🎓

Ang Sangguniang Barangay ng Niugan ay patuloy na sumusuporta sa ating mga kabataan at sa mga programang nagbibigay ng oportunidad para sa edukasyon at magandang kinabukasan.

Para sa kabataan, para sa edukasyon, para sa mas magandang kinabukasan! 🇵🇭❤️

Congratulations, scholars! Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang lalo ninyong pagbutihin ang inyong pag-aaral at abutin ang inyong mga pangarap. 🎓✨








Clean up Drive of barangay NiuganSeptember 19,2026
19/09/2026

Clean up Drive of barangay Niugan
September 19,2026

𝐌𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐚𝐫𝐚𝐰𝐚𝐧, 𝐁𝐫𝐠𝐲 𝐀𝐝𝐦𝐢𝐧 𝐍𝐨𝐞𝐥 𝐌𝐚𝐱𝐢𝐦𝐨! 🎂🎉Maraming salamat sa iyong walang sawang paglilingkod, dedikasyon, at tapa...
18/09/2026

𝐌𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐚𝐫𝐚𝐰𝐚𝐧, 𝐁𝐫𝐠𝐲 𝐀𝐝𝐦𝐢𝐧 𝐍𝐨𝐞𝐥 𝐌𝐚𝐱𝐢𝐦𝐨! 🎂🎉

Maraming salamat sa iyong walang sawang paglilingkod, dedikasyon, at tapat na serbisyo sa ating barangay. Nawa'y pagpalain ka pa ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, habang buhay, at higit pang tagumpay sa iyong buhay at pampublikong paglilingkod.

Isang pagbati mula sa Pamahalaang Barangay at sa buong komunidad! ❤️✨

🏆✨ BEST BARANGAY AWARDEE — BARANGAY NIUGAN! ✨🏆Isang karangalan at tagumpay para sa buong Barangay Niugan! 💙🤍Buong pagmam...
18/09/2026

🏆✨ BEST BARANGAY AWARDEE — BARANGAY NIUGAN! ✨🏆

Isang karangalan at tagumpay para sa buong Barangay Niugan! 💙🤍

Buong pagmamalaking ipinagdiriwang ng Sangguniang Barangay ng Niugan ang pagkilala sa ating barangay bilang isa sa mga Best Barangay Awardees. 🏆👏

Ang parangal na ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap, pagkakaisa, dedikasyon at patuloy na paglilingkod ng ating mga barangay officials, kawani, volunteers at higit sa lahat, ng bawat mamamayan ng Barangay Niugan.

Maraming salamat sa lahat ng patuloy na sumusuporta at nakikiisa sa ating mga programa at proyekto. Ang tagumpay na ito ay tagumpay nating lahat! ❤️

Mabuhay ang Barangay Niugan!
Patuloy sa tapat at mahusay na serbisyo para sa ating mga kabarangay! 🇵🇭

🏆 BEST BARANGAY AWARDEE
BARANGAY NIUGAN
Serbisyong Tapat, Nagkakaisa, Para sa Kaunlaran! 💙🤍

18th session Of Barangay NiuganSeptember 17, 2026
17/09/2026

18th session Of Barangay Niugan
September 17, 2026

Clean up drive of Barangay NiuganSeptember 12,2026
12/09/2026

Clean up drive of Barangay Niugan
September 12,2026

𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧: 𝐏𝐚𝐤𝐢𝐤𝐢𝐧𝐢𝐠, 𝐏𝐚𝐠-𝐮𝐧𝐚𝐰𝐚, 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐠𝐤𝐢𝐥𝐨𝐬.Ang tunay na pakikilahok ng kabataan ay hindi lamang tungkol sa pag...
10/09/2026

𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧: 𝐏𝐚𝐤𝐢𝐤𝐢𝐧𝐢𝐠, 𝐏𝐚𝐠-𝐮𝐧𝐚𝐰𝐚, 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐠𝐤𝐢𝐥𝐨𝐬.

Ang tunay na pakikilahok ng kabataan ay hindi lamang tungkol sa pagsasalita—ito rin ay tungkol sa paglalaan ng oras upang makinig at maunawaan ang kuwento ng sariling komunidad.

Sa Kabataan at Bayan: Pakikinig, Pag-unawa, at Pagkilos, nagkaroon ng pagkakataon ang mga kabataang kalahok mula sa iba’t ibang paaralan na makipag-usap at makinig sa mga kinatawan ng iba’t ibang sektor sa ating bayan.

Mula sa Maayos na Barangay, Kabuhayan at Oportunidad, hanggang sa Kalusugan at Kapakanan, kanilang hinarap at pinag-usapan ang mga tunay na karanasan, pang-araw-araw na hamon, at mga usaping mahalaga sa mga sektor na kanilang nakapanayam.

Sa bawat tanong at bawat kuwentong kanilang narinig, mas naging malinaw na ang mga suliranin ng komunidad ay hindi lamang basta mga isyung nakikita o nababasa. May mga taong direktang naaapektuhan, may mga hamong kailangang harapin, at may mga kuwento na kailangang mapakinggan.

Dito nagsisimula ang makabuluhang pakikilahok ng kabataan—sa pagiging bukas na makinig, matutong magtanong, at higit sa lahat, magkaroon ng malasakit sa mga usaping nakaaapekto sa kanilang kapwa.

𝐃𝐚𝐡𝐢𝐥 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐤𝐚𝐛𝐮𝐥𝐮𝐡𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐨𝐬𝐞𝐬 𝐚𝐲 𝐧𝐚𝐠𝐦𝐮𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐥𝐨𝐨𝐛 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐠𝐭𝐚𝐧𝐨𝐧𝐠, 𝐦𝐚𝐠𝐬𝐮𝐫𝐢, 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐤𝐢𝐥𝐚𝐡𝐨𝐤.



“Isang Araw ng Serbisyo, Saya, Pagmamahal at Pagpapahalaga sa mga Senior Citizen ng Niugan.”Sa ngalan ng mga Senior Citi...
10/09/2026

“Isang Araw ng Serbisyo, Saya, Pagmamahal at Pagpapahalaga sa mga Senior Citizen ng Niugan.”

Sa ngalan ng mga Senior Citizen ng Barangay Niugan at ng Sangguniang Barangay ng Niugan, taos-puso po kaming nagpapasalamat kay Ms. Annabelle Del Rosario sa kanyang kabutihan, pagmamahal, at bukas-palad na pagbabahagi ng kanyang biyaya sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan kasama ang aming mga senior citizen.

Maraming salamat po sa napakagandang activity, masarap na breakfast, at munting gift packs na inyong handog sa aming mga senior citizen na ginanap sa Tagabukid Leisure Farm Resort.

Tunay na ito ay naging isang araw ng serbisyo, saya, pagmamahal, at pagpapahalaga sa mga Senior Citizen ng Niugan.

Nawa’y pagpalain pa po kayo ng Panginoon ng mabuting kalusugan, kaligayahan, at masaganang biyaya.

Maligayang Kaarawan, Ms. Annabelle! Maraming salamat po sa pagbabahagi ng inyong espesyal na araw sa amin!

Lubos na nagpapasalamat,
Mga Senior Citizen ng Barangay Niugan
Sangguniang Barangay ng Niugan

Address

Niugan
Angat
3012

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Barangay ng Niugan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share