Angat Local Youth Development Council

Angat Local Youth Development Council

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Angat Local Youth Development Council, Government Organization, Angat.

Photos from Angat Local Youth Development Council's post 25/04/2026

Isang makulay at makabuluhang umaga ang nasaksihan sa New Angat Municipal Hall, kung saan ginanap ang Angat EcoMiles Learners’ Smiles Fun Runβ€”isang fundraising activity na pinagsama ang adbokasiya para sa kalikasan at ang layuning makapagbigay ng suporta sa ating mga kabataan.

Dinaluhan ito ng maraming runners mula sa iba’t ibang lugar, na sama-samang tumakbo hindi lamang para sa kalusugan, kundi para sa isang mas mataas na layunin. Bawat hakbang ay naging simbolo ng pagkakaisa, malasakit, at pag-asaβ€”para sa kapaligiran at para sa kinabukasan ng ating learners. 🌍✨

Naging matagumpay ang buong aktibidad dahil sa pagtutulungan ng mga organizers, volunteers, sponsors, at ng buong komunidad na buong pusong sumuporta sa programa.

Higit pa sa isang fun run, ang EcoMiles ay isang paalala na ang maliliit na hakbang, kapag pinagsama-sama, ay kayang magdulot ng malaking pagbabago. πŸ’š

πŸ“Έ

Bike Photo 101
Lakwachiera Diaries
Fran Shots
Pitik ni Oliver
Mdrrmo Angat

25/04/2026

Maraming salamat po, Pitik ni Oliver! ✨

25/04/2026

πŸŒ±πŸ’š Maraming Salamat, EcoMiles Runners! πŸƒβ€β™€οΈπŸƒβ€β™‚οΈ

Isang malaking pasasalamat sa lahat ng tumakbo, nakiisa, at naglaan ng oras para sa ating Angat EcoMiles: Learners’ Smiles Fun Run ngayong April 25, 2026, na nagsimula sa New Angat Municipal Hall!

Higit pa sa isang simpleng takbuhan, ang event na ito ay naging makabuluhan, masaya, at punong-puno ng good vibesβ€”pinagsama-sama ang mga runners mula sa iba’t ibang lugar.

At hindi dito nagtatapos ang takbuhan…
Patuloy kaming kikilos at β€œtatakbo” tungo sa mas makabuluhan at mas pinabuting mga programa para sa inyo! πŸ˜„

πŸ“Œ Tulungan ninyo kaming mas pagandahin pa ang susunod na EcoMilesβ€”ibahagi ang inyong feedback at karanasan:

https://surl.li/nwqfsh
https://surl.li/nwqfsh
https://surl.li/nwqfsh

πŸ’¬ Dahil sa EcoMiles, bawat hakbang may saysayβ€”at bawat boses, mahalaga.

24/04/2026

🚧 ROAD TRAFFIC ADVISORY 🚧

Ipinababatid sa lahat na BUKAS, Abril 25, 2026, inaasahan ang mabigat na daloy ng trapiko sa mga rutang dadaanan ng Ecomiles Learners Smile Fun Run 2026 mula 4:00 AM hanggang 9:00 AM.

πŸ“ MGA APEKTADONG RUTA:

β€’ Gen. Alejo Santos Highway
(mula Angat Police Station hanggang Himlayan)

β€’ M. Valte Road
(San Roque – Sta. Lucia – Baybay – Banaban)

Inaabisuhan ang lahat na magplano nang mas maaga ng inyong biyahe at, kung maaari, ay iwasan muna ang mga apektadong ruta upang makaiwas sa abala at pagkaantala.

Humihingi po kami ng inyong suporta, pang-unawa, at pakikipagtulungan upang matiyak ang maayos at ligtas na daloy ng aktibidad.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa!

Photos from Angat Runners's post 23/04/2026

πŸ”₯ READY NA BA KAYO, RUNNERS?! πŸƒβ€β™‚οΈπŸƒβ€β™€οΈπŸŒ±

Malapit na ang Eco Miles – Learners Smile Fun Run 2026 at sobrang excited na kaming makita kayong lahat sa takbuhan! πŸ’™βœ¨

πŸ“Έ Check the photos for full reminders para smooth at hassle-free ang race day natin!

Game na game na ba kayo? πŸ‘€

Photos from Angat Local Youth Development Council's post 23/04/2026

Handa na ba kayo, runners? πŸƒβ€β™‚οΈβœ¨

Oras na para tumakboβ€”hindi lang para sa sarili, kundi para sa mas makabuluhang layunin!

Narito ang opisyal na Route Map at mahahalagang detalye para sa inyong ligtas at maayos na takbuhan. Basahin at tandaan ang inyong ruta! πŸ‘‡

πŸ“ ECOMILES LEARNERS SMILE FUN RUN ROUTE MAP

βœ… 5KM Route

β€’ Magsisimula sa New Municipal Hall of Angat
β€’ Dadaan sa Sta. Lucia area
β€’ U-turn point: Angat New Cockpit Arena
β€’ Babalik sa New Municipal Hall

βœ… 10KM Route

β€’ Magsisimula sa parehong starting point
β€’ Dadaan sa 5KM route
β€’ Magpapatuloy papasok sa Brgy. Baybay at Brgy. Banaban
β€’ U-turn point: Brgy. Hall of Banaban
β€’ Babalik sa New Municipal Hall

πŸ•“ Assembly Time: 4:30 AM
🏁 Gun Start:
β€’ 10KM – 5:00 AM
β€’ 5KM – 5:30 AM
πŸ“ Meeting Place: Harap ng New Municipal Hall of Angat

πŸ’§ Hydration Stations – matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng ruta

πŸš‘ Medical & Ambulance Support – handa para sa inyong kaligtasan

Sa bawat hakbang ninyo, may buhay na napapasaya at nabibigyan ng pag-asa. 🩡

Magkita-kita tayo sa starting line!

Photos from Angat Local Youth Development Council's post 22/04/2026

πŸ“’ RACE KIT CLAIMING SCHEDULE πŸƒβ€β™‚οΈπŸƒβ€β™€οΈπŸŽ½

Here are the official claiming dates for your Eco Miles – Learners Smile 2026 Fun Run race kits:

πŸ“… April 23, 2026

πŸ“ New Angat Municipal Hall
πŸ•  5:30 AM – 8:00 AM

πŸ“Bangkaan (Riprap), Angat
πŸ•“ 4:00 PM – 7:00 PM

πŸ“… April 24, 2026

πŸ“ Bangkaan (Riprap), Angat
πŸ•  5:30 AM – 8:00 AM

πŸ“New Angat Municipal Hall
πŸ•“ 4:00 PM – 7:00 PM

⚠️ Reminder:

Pwede pa rin mag-claim ng race kits on race day (April 25) before assembly time, just make sure to arrive early para iwas abala at ready ka sa takbuhan!

Kita-kits sa Eco Miles! Let’s run with purpose. πŸ’™πŸŒ±

22/04/2026

πŸ“ FIRST TIME SA ANGAT? WE GOT YOU! πŸƒβ€β™‚οΈπŸƒβ€β™€οΈ

Kung anggagaling ka sa Maynila at nakarating kana sa Norzagaray, this video is your step-by-step guide papunta sa Eco Miles – Learners Smile 2026 Fun Run venue! πŸ’™πŸŒ±

From main road directions, hanggang sa parking area at comfort rooms, naka-ready na lahat para hindi ka maligaw at less hassle sa race day πŸ˜‰

Para chill ka na pagdating at focus na lang sa takbo at good vibes! πŸ”₯

⏰ Reminder: Arrive early para smooth ang parking, claiming, at warm-up before the run!

See you in Angat this April 25! Tara, takbo na with purpose! ✨

Photos from Angat Local Youth Development Council's post 21/04/2026

πŸŒ±πŸ’– Bawat Hakbang, May Kabuluhan!

Matagumpay na naisagawa ang Special Meeting ng Organizing Committee para sa Eco Miles: Learners Smile Fun Run 2026, kung saan masusing pinagplanuhan ang bawat detalye upang masiguro ang isang ligtas, maayos, at makabuluhang aktibidad para sa ating mga kabataan. πŸƒβ€β™‚οΈ

Pinagtibay ng pagpupulong ang koordinasyon at pagtutulungan ng bawat kasapi ng komite. Isang patunay ng sama-samang layunin na makapaghatid ng dekalidad na programa na may kalakip na adhikain.

Sa bawat hakbang ng paghahanda, dala natin ang iisang adhikain: ang masuportahan ang edukasyon, kalusugan, at kinabukasan ng kabataang AngateΓ±o.

Sama-sama tayong tumakbo, hindi lamang para sa kalikasan, kung hindi para rin sa kabataan ng bayan ng Angat!

16/04/2026

⏳ LESS THAN 24 HOURS LEFT! πŸƒβ€β™‚οΈπŸƒβ€β™€οΈ

Final countdown na!

Hanggang midnight na lang ang registration for Eco Miles – Learners Smile Fun Run 2026 at hindi na ito mae-extend. ❌⏰

⚠️ Limited slots na lang din ang natitira! Kaya kung sasama ka, ngayon na ang time πŸ‘€

Huwag palampasin ang takbong may puso para sa kalikasan at sa kinabukasan ng kabataang AngateΓ±o. πŸŒ±πŸ“š

Ito na β€˜yung last chance mo… sasama ka ba? πŸ’–

πŸ‘‰ REGISTER HERE: https://forms.gle/ZXhwptSDQoYDJewKA

πŸ“ April 25, 2026 | Angat, Bulacan

13/04/2026

Silipin na ang official route ng Eco Miles – Learners Smile Fun Run 2026 this April 25! πŸ”₯

Ready na ba ang tuhod, baga, at puso mo? Dahil bawat liko at bawat hakbang sa ruta na β€˜to ay may dalang pag-asa para sa kabataang AngateΓ±o. πŸŒ±πŸ’–

Planuhin na ang pacing, ayusin ang game plan, at ihanda ang sarili sa takbong hindi lang para sa’yo, kundi para sa iba. πŸ₯ΉπŸ“š

πŸ“ April 25, 2026 | Angat, Bulacan

Hindi pa registered? Habol ka na!
πŸ‘‰ https://forms.gle/ZXhwptSDQoYDJewKA

Want your business to be the top-listed Government Service in Angat?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address


Angat
3012

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm