LTB 4 Sta. Lucia - Let's Think Big

LTB 4 Sta. Lucia - Let's Think Big

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from LTB 4 Sta. Lucia - Let's Think Big, Social service, Santa Lucia, Angat.

Photos from LTB 4 Sta. Lucia - Let's Think Big's post 28/10/2023

Mga kabarangay Sta Lucia malilipat na po ang venue ng aming Caucus sa harap ng simbahan. Sa kasamaang-palad po ay ikinandado ang gate ng Covered Court sa kabila ng maaga nating pagpapaabot na isasagawa natin ang caucus ngayon sa barangay. Sa katunayan ay pinirmahan pa po ng Kapitan ang ating pormal na liham. Sinubukan po nating makiusap na ito ay buksan upang makapaggayak subalit ang sabi po ng secretary ng barangay ay nasa hepe ang susi at nang puntahan ang hepe ay nasa bundok naman daw po ang hepe ng barangay na may hawak ng susi.

Kitang kita po ang kabaluktutan sa pamumuno ng kasalukuyang Sangguniang Barangay. Magkita kita na lamang po tayo mamaya sa harap ng simbahan. Wala pong makakapigil sa aming pakikipagdaupang-palad sa inyo mamayang gabi!

27/10/2023
27/10/2023

Oops! Naging kandidato lang, bumait na??🫢

Iboto ang marunong sumunod sa batas at may malasakit sa kapwa, hindi 'yung kailangan ka lang kapag eleksyon na.

Nasa kamay mo ang sagot.
Maging .🤓





27/10/2023

Narito po ang ilang mga paalala para sa pagboto sa October 30, 2023.


24/10/2023

Pag-isipan po nating mabuti mga kabarangay: Ang isang MATINONG KANDIDATO ay naghahain ng MALINAW at MAAYOS na PLATAPORMA, hindi naghahasik ng panlilinlang at kasamaan.

VOTE WISELY... Nasa kamay natin ang kinabukasan ng ating barangay.

Photos from LTB 4 Sta. Lucia - Let's Think Big's post 19/10/2023

LET’S THINK BIG, STA. LUCIA!

Ang laban ng grupong LTB ay laban ng mamamayan Sta. Lucia upang sugpuin ang takot, paninikil, panlilinlang na namamayani sa ating barangay. Panahon na upang makamit ng mga mamamayan ng Sta. Lucia ang maayos na serbisyong dapat ay inihahatid ng Sangguniang Barangay. Panahon na upang palawakin ng mga mamamayan ng Sta. Lucia ang kanilang isip at pandama. Mahirap ka man o mayaman, nasa iyo ang KARAPATAN na mag-isip at magpasya kung ano ang makakabuti para sa pangkalahatan Sukatin at timbangin ang PLATAPORMA at hindi ang mga propaganda na ang halalan ay labanan ng mahirap at mayaman. Sapagkat sa mata ng Dakilang Lumikha, ang lahat ng tao ay pantay pantay anuman ang iyong katayuan sa buhay.

ANG AMING PLATAPORMA:

* Pagyamanin ang angking potensyal ng bahagi ng Ilog Angat na bumabaybay sa barangay habang tinitiyak na napananatili ang kalinisan at kagandahan nito;

*Tiyakin ang kalusugan ng mga kabarangay sa pamamagitan ng pagpapaigting pa ng programang aming pinasimulan ni Mayor Jowar noon pa mang bago pumutok ang pandemyang COVID-19—ang Angat Kalusugan;

* Bigyang-prayoridad ang kapakanan at kalagayan ng sektor ng magsasaka at sumuporta sa mga programang makakatulong upang mapaunlad ang pagsasaka, sa gayon ay makapag-ambag ang Barangay Sta. Lucia sa pagtitiyak ng seguridad sa pagkain ng ating bayan at bansa;

* Lingapin ang sektor ng kabataan at maglunsad ng mga programa at proyektong maglilihis sa kanila sa mga ipinagbabawa na gamot at iba pang bisyo;

* Bigyang-prayoridad ang mga marginalized sectors (senior citizens, PWD, solo parents at iba pang bulnerableng sektor) sa paglalaan ng serbisyong panlipunan;

* Tiyakin na anumang pondo mula sa income-generating activities ng barangay ay pumapasok sa kaban ng Pamahalaang Barangay at napapakinabangan ng mamamayan. Isusulong ang TRANSPARENCY at ACCOUNTABILITY sa Pamahalaang Barangay;

* Tiyakin na ang Pamahalaang Barangay ay maging bukas para sa lahat ng mga mamamayan ng Sta. Lucia at burahin ang takot, pangamba at negatibong konsepto ng mamamayan ukol sa Pamahalaang Barangay.

Gising na, Sta. Lucia! Sama sama nating ibangon ang ating barangay!

19/10/2023

Sa paglipas ng panahon, may nagbago ba sa inyong barangay?
Pagbabago para sa kaginhawaan, pagbabago para sa kinabukasan.
Mananatili pa rin bang pareho ang sitwasyon sa loob ng halos sampung taon?

Nasa kamay mo ang sagot.
Maging .

Photos from LTB 4 Sta. Lucia - Let's Think Big's post 27/07/2023

Mainit na lugaw po para sa mga kababayan natin sa Sta. Lucia na naperwisyo ng Habagat na pinatindi ng Bagyong Egay.

Batid namin ang pangamba sa inyong kalooban dahil sa sinapit na negatibong epekto ng malakas na ulan kahapon. Gayunman, ipagpatuloy lang po natin ang buhay. Lagi pong handa ang Team LTB na umalalay sa inyo kahit sa munting paraan.

Want your business to be the top-listed Government Service in Angat?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Santa Lucia
Angat
3012