19/11/2023
Bago po tuluyang manumpa ang halos karamihan sa nabuong partido na ito ay nais po muna namin kunin ang pagkakataong ito upang magpasalamat sa inyong lahat na sumuporta at tumangkilik sa amin mula umpisa hanggang matapos ang naganap na eleksyon. Bagamat may naiwang isa na aming kasamahan ay sinisiguro namin na hindi dito natatapos ang samahang binuo ng saya, pagsubok, at pagkakaisa. 💙
Walang hanggang pasasalamat sa lahat ng taong nasa likod ng isang makasaysayan at makabuluhang partido na ito. Sa mga taong kahit hindi ganoong kaganda ang panahon ay walang-atubiling sumasama sa mga aktibidades ng aming grupo, maraming salamat po sa inyo.
Sa mga magulang, kapatid, kamag-anak, kaibigan, kakilala na todo-suporta sa bawat isa sa amin at sa lahat ng taong naniwala sa aming prinsipyo at paninindigan para sa ikabubuti at ikauunlad ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Binagbag, maraming salamat po sa inyong lahat! Ganoon na rin kay Kapitan Christopher Villarama at Mayor Jowar Bautista, maraming salamat po sa inyong tiwala at pagtanggap sa aming grupo!
Hindi po ito ang pagtatapos, ngunit ito po ang simula ng isang makabago at makabuluhang sistema para sa mga kabataang Binagbagueño katulad mo at katulad ko. Muli po ay maraming salamat sa inyong lahat, isang kagalakan po para sa amin ang kayo'y mapagsilbihan. ✨
28/10/2023
Sa huling araw po ng pangangampanya, hayaan niyo po na muli naming ipakilala sa inyo mga kapwa namin Binagbagueño ang mga kabataan na buong pusong nag-aalay ng kanilang sarili na paglingkuran ang mga kapwa nila kabataan dito sa mahal nating Barangay Binagbag!
SA SERBISYONG TIBAY TATAG, KABATAAN NG BARANGAY BINAGBAG AY MAMAMAYAGPAG AT LAGING PAPALAG! 💙🙏
Samahan niyo po kami sa papalapit na mga kapwa namin kabarangay! Bilang pagtatapos sa pangangampanya ay asahan niyo po na habang-buhay naming dadalhin ang pagkakataong ipinagkaloob niyo po sa amin, maraming salamat po sa lahat ng suporta!
*SK Chairperson - Ronnie Jay Turingan Santos
*SK Councilors:
Xavier Villadarez Capulong
John Cedrick Floralde De Guzman
Michael Anol Delgaco
Melissa Mahilum Ebio
Lance Andrei Ayson Flores
Jan Wilfred Valencia Lagman
John Lester Gamis San Gabriel
28/10/2023
Nakaraang Huwebes, Oktubre 26 taong kasalukuyan. Isinagawa po ng inyong lingkod, ang Team Tibay Tatag: SK Aspirants 2023 at Team Kap Topher 2023 ang aming GRAND CAUCUS sa Barangay Binagbag Basketball Court. 💙
Muli po ay nagpapasalamat po kami sa lahat ng naki-iisa, sumuporta, nanood at tumunghay sa aming paglalatag ng aming buong pusong hangarin at plataporma para sa mga katulad naming nasasakupan nitong ating mahal na Barangay Binagbag.
Asahan po ninyo na hindi po ito mananatiling hanggang salita lamang. Kung sakali po na palarin ay asahan po ninyong gagawin po namin ang aming buong makakaya upang maisakatuparan ang lahat ng ito. Nawa po ay tulungan niyo kami sa nalalapit na sa October 30, 2023.
Inabot man po ng anong oras ang aming caucus ay nanatili pa rin po kayo kaya po muli ay maraming maraming salamat po sa inyong lahat! 🙏
28/10/2023
ISANG LUBOS NA PASASALAMAT PO SA LAHAT NG NAKIBAHAGI AT NAKIISA SA GRAND PARADE NG AMING Team Tibay Tatag: SK Aspirants 2023 at Team Kap Topher 2023! 💙
Bagamat sinimulan natin ito ng maaga ay nagpapasalamat po kami dahil naglaan po kayo ng oras upang suportahan at makiisa sa aming makatarungan na paglalakad mula Sitio Maiboy hanggang Sitio Hulo. Malaking parte po kayo sa naging laban namin na ito. Suportahan niyo po kami hanggang dulo, Binagbagueño!
Muli po ay maraming salamat po sa inyong pakikiisa sa aming makabuluhang paglalakad, pagpalain po tayong lahat! 🙏
28/10/2023
October 23 & 25💙
Maraming salamat po sa inyong pagtanggap sa house-to-house campaign ng inyong lingkod Team Tibay Tatag: SK Aspirants 2023 at Team Kap Topher 2023 Sitio Libis, Kanto, Hulo, Japan Street, at Sitio Tumana.
26/10/2023
Ready ka na ba?
Kasi ready na SILA!
Saksihan ang GRAND CAUCUS ng Team Topher at Team Tibay Tatag sa Binagbag Court mamayang 7:00 PM.
Sama-sama po nating tunghayan at pakinggan ang mga platapormang inihanda at inaasam na makamit ng mga kandidato para sa minamahal nating Baranggay Binagbag.
Ano pang hinihintay mo? TARA NA 😉
21/10/2023
ISANG MAULAN AT MAPAGPALANG SABADO PO SA ATING LAHAT!
Ngayong ika-21 ng Oktubre ay isinagawa ng inyong lingkod, ang Team Tibay Tatag: SK Aspirants 2023 kasama po ang Sanggunian ng Team Kap Topher 2023 ang pagpapakilala at pagbisita (house-to-house campaign) sa Sitio Maiboy, Sitio Luwasan, Sitio Sibakong at ilang bahagi sa New Zealand Street dito sa ating mahal na Brgy. Binagbag💙
Bagamat maulan muli ang ating pagbisita ay walang tigil po ang ating pagdalaw dito upang makapagpakilala at makadalaw sa mga kabahayan ng ating mga kapwa ka-barangay. Sa mga susunod na araw po ay ipagpapatuloy namin ang pagbisita sa mga natitirang kabahayan na hindi pa natin napupuntahan.
Maraming salamat po sa inyong pagtanggap! Pagpalain po tayong lahat. 🙏
20/10/2023
MALIGAYA AT MASAGANANG PAGDATING PO SA PAROKYA NG STA. RITA DE CASCIA - Brgy. Binagbag, Angat, Bulacan, Nuestra Señora del Santisimo Rosario - Naval de Manila. 🙏
Nakiisa po sa pagsalubong sa Mahal na Birhen ang Team Tibay Tatag: SK Aspirants 2023 at Team Kap Topher 2023 sa ating mahal na Parokya ng Sta. Rita sa ating Brgy. Binagbag ngayong Biyernes, ika-20 ng Oktubre, taong kasalukuyan.
Pagpalain po tayong lahat, mga Binagbagueño!
20/10/2023
October 19, 2023 - Huwebes
Sa pagsisimula ng araw ng pangangampanya, ang inyo pong lingkod Team Tibay Tatag: SK Aspirants 2023 kasama po ang Team Kap Topher 2023 ay nagsagawa ng paunang pagpapakilala (1st House-to-House) sa mga kabahayan sa Sitio Tubigan at sa ilang bahagi sa Sitio Parang-Parangan. 💙
Bagamat naging maulan ang aming pag-iikot sa mga kabahayan ng kapwa natin ka-barangay ay hindi po kami nagpapapigil sapagkat naniniwala po kami na ang ulan na ito ay hindi simbolo ng kapinsalaan kundi ito’y simbolo ng malaking biyaya para sa nalalapit na laban.
Asahan po ninyo na matagumpay naming iikutin ang mga kabahayan sa ating barangay upang mabisita namin kayo sa inyong mga tinutuluyan.
Muli, maraming salamat po Sitio Tubigan at sa ilang bahagi ng Sitio Parang-Parangan sa inyong pagtanggap!
28/08/2023
Ngayong araw, ika-28 ng Agosto taong kasalukuyan ay pormal at opisyal nang nagpahayag ng Certificate of Candidacy (COC) ang buong Sanggunian ng Team Kap Topher 2023 kasama ang inyong lingkod, Team Tibay Tatag: SK Aspirants 2023 para sa nalalapit na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections 2023 (BSKE2023) na magaganap sa Oktubre 30, 2023.
Lubos po ang aming pasasalamat sa Poong Maykapal sa pagkakataong ibinigay sa amin upang maipahayag ang buong pusong kagustuhan namin na makapaglingkod para sa ating mahal na Barangay Binagbag. Gabayan Niyo po kami palagi sa aming magiging landas sa kaganapang ito at panatilihin Niyo po kaming nakasunod palagi sa Inyong mga yapak.
PAGLILINGKOD SA KABATAAN AY 'DI MATATAPOS. KASAMA ANG TIBAY AT TATAG, TAYO'Y MAKAKARAOS! 💙