Reynante "Jowar" S. Bautista

Reynante "Jowar" S. Bautista

Share

Opisyal na daluyan ng komunikasyon at impormasyon para sa mga AngateΓ±o, hatid ni Mayor Jowar Bautista

24/04/2026

🚧 ROAD TRAFFIC ADVISORY 🚧

Ipinababatid sa lahat na BUKAS, Abril 25, 2026, inaasahan ang mabigat na daloy ng trapiko sa mga rutang dadaanan ng Ecomiles Learners Smile Fun Run 2026 mula 4:00 AM hanggang 9:00 AM.

πŸ“ MGA APEKTADONG RUTA:

β€’ Gen. Alejo Santos Highway
(mula Angat Police Station hanggang Himlayan)

β€’ M. Valte Road
(San Roque – Sta. Lucia – Baybay – Banaban)

Inaabisuhan ang lahat na magplano nang mas maaga ng inyong biyahe at, kung maaari, ay iwasan muna ang mga apektadong ruta upang makaiwas sa abala at pagkaantala.

Humihingi po kami ng inyong suporta, pang-unawa, at pakikipagtulungan upang matiyak ang maayos at ligtas na daloy ng aktibidad.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa!

21/04/2026

I-transform natin ang iyong "Peso to Millions" sa πŒπŽππ„π˜π†π”π‘π€πƒπŽ 𝐏𝐀𝐑𝐀 π€π’π„ππ’πˆπ†π”π‘π€πƒπŽ! πŸ“ˆ
Pumili ka ng trip mo:
πŸŒ… Morning Session (7:30 AM - 1:00 PM) | 𝐁𝐘 𝐏𝐑𝐄-π‘π„π†πˆπ’π“π‘π€π“πˆπŽπ πŽππ‹π˜
Para sa mga interesado, wait, huwag kang papasok kung walang reg! Eksklusibo ang ating apat na deep-dive learning sessions tungkol sa financial literacy at retirement planning para sa mga pre-registered participants. πŸ’‘
πŸŒ‡ Afternoon On-Site Processing and Consultation (2:00 PM - 5:00 PM) | πŽππ„π 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐇𝐀𝐓!
Walk-ins, welcome! Tapos ang pagod sa zero-hassle na on-the-spot processing ng SSS, Pag-IBIG, PhilHealth, at bank account opening services! 🏧
πŸ“… Kailan: Abril 25, 2026 (Sabado)
πŸ“ Saan: New Angat Municipal Conference Hall
πŸͺͺ Paalala: Dalhin ang mga Valid IDs!
πŸ“² Gusto mong sumali sa Morning Session?
Huwag nang magpahuli! I-click lang ang link sa post o i-scan ang QR code para ma-reserve ang slot mo.
https://forms.gle/w3pZ1MejcnBG3jC97
https://forms.gle/w3pZ1MejcnBG3jC97
https://forms.gle/w3pZ1MejcnBG3jC97
Kapag secured na ang bulsa, secured na ang bukas! Kita kits! πŸ’š

I-transform natin ang iyong "Peso to Millions" sa πŒπŽππ„π˜π†π”π‘π€πƒπŽ 𝐏𝐀𝐑𝐀 π€π’π„ππ’πˆπ†π”π‘π€πƒπŽ! πŸ“ˆ

Pumili ka ng trip mo:

πŸŒ… Morning Session (7:30 AM - 1:00 PM) | 𝐁𝐘 𝐏𝐑𝐄-π‘π„π†πˆπ’π“π‘π€π“πˆπŽπ πŽππ‹π˜
Para sa mga interesado, wait, huwag kang papasok kung walang reg! Eksklusibo ang ating apat na deep-dive learning sessions tungkol sa financial literacy at retirement planning para sa mga pre-registered participants. πŸ’‘

πŸŒ‡ Afternoon On-Site Processing and Consultation (2:00 PM - 5:00 PM) | πŽππ„π 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐇𝐀𝐓!
Walk-ins, welcome! Tapos ang pagod sa zero-hassle na on-the-spot processing ng SSS, Pag-IBIG, PhilHealth, at bank account opening services! 🏧

πŸ“… Kailan: Abril 25, 2026 (Sabado)
πŸ“ Saan: New Angat Municipal Conference Hall
πŸͺͺ Paalala: Dalhin ang mga Valid IDs!

πŸ“² Gusto mong sumali sa Morning Session?
Huwag nang magpahuli! I-click lang ang link sa post o i-scan ang QR code para ma-reserve ang slot mo.

https://forms.gle/w3pZ1MejcnBG3jC97
https://forms.gle/w3pZ1MejcnBG3jC97
https://forms.gle/w3pZ1MejcnBG3jC97

Kapag secured na ang bulsa, secured na ang bukas! Kita kits! πŸ’š







17/04/2026

Happy birthday, PAO Gigi!

Maligayang kaarawan kay Ms. Ma. Gloria SF. Carrillo, Department Head ng Provincial Agriculture Office (PAO)! πŸŽ‰

Sa inyong patuloy na dedikasyon at malasakit sa pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura sa ating lalawigan, kayo ay nagsisilbing inspirasyon sa maramiβ€”isang huwaran ng tapat at mahusay na paglilingkod publiko.

Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng mabuting kalusugan, lakas, at tagumpay sa inyong mga adhikain para sa kapakanan ng ating mga magsasaka at mamamayan.

Muli, maligayang kaarawan po!

09/04/2026

Sa Araw ng Kagitingan, hindi lang natin ginugunita ang kabayanihan ng nakaraanβ€”inaalala rin natin ang ating tungkulin sa kasalukuyan.

Hindi kailangang nasa kasaysayan para matawag na bayani. Araw-araw, may mga taong lumalabanβ€” mga tsuper na bumibiyahe kahit mahal ang gasolina, mga manggagawa na patuloy na kumakayod para may maihain sa hapag ng pamilya, mga magulang na nagsisikap itaguyod ang pamilya sa kabila ng kasalatan, mga kabataang patuloy na nangangarap kahit kulang sa oportunidad.

Ang tunay na laban ay hindi sa digmaan lang nagaganap, kundi ang paglaban sa kahirapan, kawalang oportunidad, at sistemang dapat ay nagsisilbi sa tao.

Kaya naman ang kagitingan ay nasusukat sa pamumunoβ€”
sa paninindigan sa tama kahit mahirap,
sa paglilingkod nang tapat kahit walang kapalit,
at sa paglalagay ng kapakanan ng mamamayan higit sa pansariling interes.

Hindi sapat ang pag-alaala ng kabayanihanβ€”dapat itong isabuhay.
Sa bawat desisyon, sa bawat pagkilos, at sa bawat araw na tayo ay may pagkakataong maglingkodβ€”nawa’y piliin natin ang maging matapang para sa ating bayan.

Maligayang Araw ng Kagitingan!

07/04/2026

Isang taos-pusong pagbati sa ating mga bagong graduates ng Batch 2026!

Ang inyong pagtatapos ay higit pa sa isang personal na tagumpayβ€”ito ay patunay ng inyong katatagan sa gitna ng isang mundong hinaharap ang iba’t ibang krisis. Sa kasalukuyan, nararanasan natin ang epekto ng pandaigdigang pagtaas ng presyo ng langis, inflation, kaguluhan sa ekonomiya, at mga suliraning dulot ng pagbabago ng klima. Ang mga hamong ito ay hindi lamang usapin ng ibang bansaβ€”ramdam ito sa bawat pamilyang Pilipino, sa bawat komunidad, at dito mismo sa ating bayan ng Angat.

Sa kabila ng mga pagsubok na ito, pinili ninyong magpatuloy. Pinili ninyong mangarap. At pinili ninyong magtagumpay. Kayo ang henerasyong huhubog sa kinabukasan sa panahon ng pagbabago.

Ang inyong edukasyon ay hindi lamang sandata para sa personal na pag-unlad, kundi isang mahalagang ambag sa pagbangon ng ating bayan sa gitna ng mga pandaigdigang hamon. Sa mundo ngayon, mas kailangan ang mga kabataang may malasakit, kritikal mag-isip, at handang kumilos para sa kapwa.

Habang tinatahak ninyo ang susunod na yugto ng inyong buhayβ€”sa panibagong antas ng edukasyon man, maging sa kolehiyo, trabaho, o iba pang landasβ€”dala ninyo ang responsibilidad na maging bahagi ng solusyon. Huwag matakot harapin ang realidad, bagkus ay gamitin ito bilang inspirasyon upang maglingkod at magbigay-liwanag sa iba.

Tandaan ninyo: sa bawat krisis, may pagkakataon. At sa bawat pagkakataon, may pag-asang naghihintay sa mga handang kumilos. Ang Municipal Government of Angat ay laging handang umagapay sa inyo.

Muli, mabuhay ang Batch 2026!
Kayo ang pag-asa ng Angatβ€”kayo ang pa-asa ng ating bansa!

22/03/2026

Maligayang Kaarawan po sa ama ng Ikaanim na distrito ng Bulacan, Cong. Ador Pleyto !

Sa araw na ito, nais naming ipaabot ang aming taos-pusong pasasalamat sa lahat ng inyong naitulong at patuloy na ibinibigay para sa bayan ng Angat. Ang inyong walang sawang paglilingkod, malasakit, at dedikasyon ay nagbigay ng napakaraming oportunidad, proyekto, at pag-unlad sa aming komunidad.

Dahil sa inyong pagsusumikap, mas nagkakahugis ang mga katuparan ng pangarap ng bawat mamamayan ng Angat. Kayo po ay tunay na inspirasyon at haligi ng maayos at makabuluhang pamumuno.

Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Panginoon ng mabuting kalusugan, lakas, at karunungan upang maipagpatuloy pa ang inyong adhikain para sa bayan.

Maraming salamat po, at muli, maligayang kaarawan!

13/03/2026

Congratulations, Trixia Faye Marri M. Garcia, RMT and to your proud parents!

Taos-pusong pagbati kay Trixia Faye Marri M. Garcia, RMT sa matagumpay na pagpasa sa Medical Technologists Licensure Examination na ginanap noong March 5–6, 2026.

Ang iyong tagumpay ay patunay ng iyong sipag, dedikasyon, at determinasyon sa larangan ng agham pangkalusugan. Gaya ng iyong pamilya, mga g**o, at ng Baliuag University, lalo na ng College of Nursing and Allied Health Sciences, ipinagmamalaki ka ng Bayan ng Angat sa tagumpay na ito.

Dalangin namin ang iyong patuloy na tagumpay at makabuluhang paglilingkod sa pamamagitan ng iyong propesyon para sa kapakanan ng ating komunidad.

Muli, Congratulations, Trixia!

08/03/2026

Ipinababatid sa publiko na ipatutupad sa Pamahalaang Bayan ng Angat ang Temporary Work Arrangement kung saan ang onsite work schedule ng mga tanggapan ng ay magiging apat (4) na araw kada linggo.

πŸ—“ Monday to Thursday
πŸ•– 7:00 AM – 6:00 PM

Ang hakbang na ito ay alinsunod sa inilabas na Memorandum Circular ng MalacaΓ±ang, na naglalayong makatulong sa pagtitipid sa gastos sa transportasyon at enerhiya ng mga empleyado ng pamahalaan, kasabay ng patuloy na pagtiyak na maipagkakaloob pa rin ang episyente at tuloy-tuloy na serbisyo publiko.

Inaanyayahan ang publiko na planuhin ang kanilang pagpunta sa mga tanggapan ng munisipyo batay sa nasabing iskedyul.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at patuloy na pakikipagtulungan.

25/02/2026

Sa paggunita ng EDSA People Power Revolution, pinapahalagahan natin ang kapangyarihan ng nagkakaisang mamamayan sa pagtataguyod ng demokrasya at pagbabago.

Ang diwa ng EDSA ay hindi lamang alaala ng kasaysayan, kundi paalala na ang tunay na pag-angat ng ating komunidad ay nakakamit sa sama-samang pagkilos, malasakit, at pananagutan.

Patuloy tayong magkaisa para sa isang mas maunlad, mas inklusibo, at mas matatag na pamayanan.

Photos from Municipal Tourism Office- Angat's post 18/02/2026

Congratulations!

12/02/2026

Maraming salamat sa napaka-sweet at nakakakilig na Valentine’s message ng mga mahal kong SOLO PARENTS!

Pero alam n’yo, malaki ang paghanga ko sa inyo β€” kayo ang tunay na may pusong matatag, mapagmahal, at handang magsakripisyo para sa inyong mga anak.

Sa bawat solo parent na araw-araw lumalaban para sa pamilya, saludo ako sa inyong lakas at dedikasyon. Hindi kayo nag-iisa. Kasama ninyo ang inyong pamahalaang bayan sa pag-abot ng mas maayos at mas maginhawang buhay para sa inyong mga anak.

Ngayong Araw ng mga Puso, ipagdiwang natin ang pagmamahal na walang kapantay β€” ang pagmamahal ng magulang sa anak.

Happy Valentine’s Day sa inyong lahat!

Photos from Municipal Tourism Office- Angat's post 10/02/2026
Want your business to be the top-listed Government Service in Angat?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address


Angat
3012