Sangguniang Kabataan ng Brgy. Encanto

Directions

Sangguniang Kabataan ng Brgy. Encanto This is the official page of Sangguniang Kabataan of Barangay Encanto, Angat, Bulacan for the year 2023 - 2026

𝐆𝐮𝐥𝐚𝐲𝐀𝐧𝐠𝐚𝐭 𝐅𝐞𝐬𝐭𝐢𝐯𝐚𝐥 𝟐𝟎𝟐𝟔: 𝐇𝐚𝐥𝐢𝐧𝐚’𝐭 𝐌𝐚𝐤𝐢𝐢𝐬𝐚!Bilang bahagi ng pagdiriwang ng GulayAngat Festival 2026, inaanyayahan ang mg...
10/09/2026

𝐆𝐮𝐥𝐚𝐲𝐀𝐧𝐠𝐚𝐭 𝐅𝐞𝐬𝐭𝐢𝐯𝐚𝐥 𝟐𝟎𝟐𝟔: 𝐇𝐚𝐥𝐢𝐧𝐚’𝐭 𝐌𝐚𝐤𝐢𝐢𝐬𝐚!

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng GulayAngat Festival 2026, inaanyayahan ang mga kabataan ng Barangay Encanto na maging bahagi ng mga inihandang aktibidad na naglalayong ipakita ang talento, pagkamalikhain, at pagpapahalaga sa kultura at yamang gulay ng ating pamayanan.

Laro ng Laking GulayAngat
Para sa edad 18–30 at bukas para sa 20–30 kalahok.

Hapag ng Pamana
Kinakailangan ng 2 kalahok na magiging bahagi ng natatanging pagtatampok ng ating pamana at kultura.

Para sa mga nais lumahok at makakuha ng karagdagang detalye, makipag-ugnayan kay SK Milka Janella Fajardo.

Maging bahagi ng GulayAngat Festival. Sama-sama nating buhayin ang gunita ng lahi at ipagmalaki ang yamang Angat.

📚✨ BALIK eSKWELA: TULONG PINANSYAL ✨📚Sa pangunguna ni SK Chairperson Milka Janella Fajardo, kasama at katuwang ang buong...
06/09/2026

📚✨ BALIK eSKWELA: TULONG PINANSYAL ✨📚

Sa pangunguna ni SK Chairperson Milka Janella Fajardo, kasama at katuwang ang buong Sangguniang Kabataan, matagumpay na naisagawa ang “Balik eSKwela: Tulong Pinansyal” para sa mga kabataang mag-aaral ng Brgy. Encanto.

Layunin ng programang ito na makatulong sa ating mga kabataan sa kanilang mga pangangailangan sa pag-aaral at maiparamdam na hindi sila nag-iisa sa kanilang paglalakbay tungo sa pangarap.

Patuloy nating susuportahan ang edukasyon at kapakanan ng bawat kabataang Encanto. Dahil para sa kabataan, serbisyo, suporta, at malasakit ang laging maaasahan!

Maligayang Kaarawan, SK Kagawad Russel Mark A. Plaida!Mula sa buong Sangguniang Kabataan ng Brgy. Encanto, kami ay lubos...
06/09/2026

Maligayang Kaarawan, SK Kagawad Russel Mark A. Plaida!

Mula sa buong Sangguniang Kabataan ng Brgy. Encanto, kami ay lubos na nagpapasalamat sa iyong walang sawang paglilingkod at dedikasyon para sa ating mga kabataan. Nawa’y maging makabuluhan at masaya ang iyong espesyal na araw. Ipagpatuloy mo ang iyong malasakit at inspirasyon para sa ating barangay.

PAUNAWA: BAKA NA NAPADPAD SA VERONICA VILLAGEMagandang araw po sa lahat.May tatlong (3) baka po na pumasok sa loob ng GK...
01/09/2026

PAUNAWA: BAKA NA NAPADPAD SA VERONICA VILLAGE

Magandang araw po sa lahat.

May tatlong (3) baka po na pumasok sa loob ng GK at hanggang sa kasalukuyan ay nakarating na sa Veronica Village.

Baka patuloy pang makalayo ang mga ito at mahirapan nang mahanap ng kanilang may-ari. Kung sino man po ang may-ari ng mga bakang nasa larawan, mangyari lamang po na puntahan at kunin ang mga ito.

Hinihiling din po namin ang tulong ng lahat na maibahagi ang post na ito upang agad na mahanap ang kanilang may-ari.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pagtulong.

BALIK ESKWELA: TULONG PINANSYAL 2026 | PAYOUT UPDATEMagandang araw, mga Kabataang Encanto. Narito na ang Payout Update p...
29/08/2026

BALIK ESKWELA: TULONG PINANSYAL 2026 | PAYOUT UPDATE

Magandang araw, mga Kabataang Encanto. Narito na ang Payout Update para sa Balik Eskwela: Tulong Pinansyal 2026.

📅 Petsa: Agosto 30, 2026 (Linggo)
⏰ Oras: 9:00 AM
📍 Lugar: Brgy. Hall – Conference Room

Para sa mga benepisyaryo, mangyaring dumalo sa itinakdang oras at lugar para sa maayos at mabilis na proseso ng payout.

BALIK ESKWELA: TULONG PINANSYAL 2026 | PAYOUT UPDATENarito ang official payout update para sa Balik Eskwela: Tulong Pina...
22/08/2026

BALIK ESKWELA: TULONG PINANSYAL 2026 | PAYOUT UPDATE

Narito ang official payout update para sa Balik Eskwela: Tulong Pinansyal 2026.

Ang payout ay gaganapin sa Agosto 30, 2026 sa Conference Hall ng Barangay Hall ng Brgy. Encanto.

Para sa mga kwalipikadong benepisyaryo, mangyaring abangan ang susunod na abiso para sa kumpletong detalye at mga kinakailangang dalhin sa araw ng payout.

Maraming salamat sa inyong pakikiisa at patuloy na pagtitiwala. Patuloy nating isusulong ang mga programang nagbibigay suporta at oportunidad para sa kabataan ng Brgy. Encanto.

𝐁𝐀𝐋𝐈𝐊 𝐄𝐒𝐊𝐖𝐄𝐋𝐀: 𝐓𝐔𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐍𝐒𝐘𝐀𝐋 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄Narito na ang official list ng mga benepisyaryo ng BALIK ESKWELA: TULONG PI...
21/08/2026

𝐁𝐀𝐋𝐈𝐊 𝐄𝐒𝐊𝐖𝐄𝐋𝐀: 𝐓𝐔𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐍𝐒𝐘𝐀𝐋 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄

Narito na ang official list ng mga benepisyaryo ng BALIK ESKWELA: TULONG PINANSYAL 2026.

Ang payout ay gaganapin sa Agosto 23, 2026 (Linggo), ganap na 3:30 ng hapon sa Conference Hall ng ating Barangay Hall.

Mahalagang Paglilinaw:
Ang lahat ng nasa listahan ay dumaan sa masusing pagsusuri at beripikasyon ng mga isinumiteng requirements. Tiniyak na ang bawat aplikante ay nakasunod at pumasa sa itinakdang pamantayan, kabilang ang kinakailangang grades.

Maraming salamat sa inyong pakikiisa at pag-unawa. Para sa mas maraming kabataan, para sa mas maayos na pagsisimula ng panibagong school year.

BALIK eSKWELA: Tulong Pinansyal 2026 | SUBMISSION CLOSEDThe submission of complete requirements for the Balik eSKwela: T...
16/08/2026

BALIK eSKWELA: Tulong Pinansyal 2026 | SUBMISSION CLOSED

The submission of complete requirements for the Balik eSKwela: Tulong Pinansyal 2026 is officially CLOSED.

We sincerely thank all students and applicants who submitted their complete requirements within the designated submission period. Your cooperation and patience are truly appreciated.

Please stay tuned to the SK Encanto official page for further announcements, updates, and information regarding the program.

Maraming salamat, Kabataan ng Encanto!

Sangguniang Kabataan ng Brgy. Encanto
Para sa Kabataan, Para sa Kinabukasan. 🇵🇭

📢 ANUNSYOMagandang araw, Kabataan!Ang pasahan ng requirements para sa Balik Eskwela: Tulong Pinansyal ay ililipat sa Ago...
07/08/2026

📢 ANUNSYO

Magandang araw, Kabataan!

Ang pasahan ng requirements para sa Balik Eskwela: Tulong Pinansyal ay ililipat sa Agosto 16 (Linggo).

Ito ay upang mabigyan ng sapat na oras ang mga mag-aaral na hindi pa nakakakuha ng kanilang report card dahil sa patuloy na pag-ulan at suspensyon ng klase.

Maraming salamat sa inyong pag-unawa at inaasahan namin ang inyong kooperasyon. Mangyaring ipagbigay-alam din ito sa inyong mga kakilala na nais magpasa ng kanilang requirements.

Address

#257
Angat
3012

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan ng Brgy. Encanto posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share