Sangguniang Kabataan - Brgy. Binagbag

Sangguniang Kabataan - Brgy. Binagbag

Share

Sa serbisyong Binagbagueño, hindi tayo mabibigo at tuluyan pang aasenso! ☝️

Photos from Sangguniang Kabataan - Brgy. Binagbag's post 03/06/2026

𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗣𝗔 𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗚𝗕𝗔𝗚𝗨𝗘𝗡̃𝗢𝗦, 𝗠𝗔𝗗𝗔𝗠𝗜 𝗣𝗔! 🙏🏼

Bukod sa pamamahagi ng Libreng iSKul Supplies bukas ay isasabay na din natin ang iba pang programang nakalaan para sa Kabataang Binagbagueños bago tuluyang magbalik-eskwela sa susunod na Linggo.

Bago tayo tuluyang magdaos ng pamimigay ng school supplies ay isasagawa muna natin ang Capacity Development, Early Teenage Pregnancy & HIV Awareness Talk bukas sa pangunguna ng ating Rural Health Unit at Municipal Social Welfare and Development Office ng Bayan ng Angat.

Gayundin, pagkatapos ay isasagawa natin ang ating Katipunan ng Kabataan Assembly kung saan tatalakayin natin ang lahat ng mga programa, proyekyo at aktibidad na nagawa, ginagawa at gagawin pa natin para sa taong kasalukuyan at ibabahagi din natin ang iba pang mga bagay na may kinalaman sa ating pamamahala. May tyansa ka ding manalo ng cash prizes dito bukas, ang tanging gagawin mo lamang ay makinig, makiisa at makialam sa mga pinag-uusapan ng kabataan at Sanggunian.

Magkakaroon din po tayo ng Libreng Gupit o Free Haircut para sa mga Kabataang Binagbagueños na magbabalik-eskwela ngayong nalalapit na pasukan sa pangunguna ng sariling-atin na manggugupit na si Mr. John Christian "Chiboy" Q. De Guzman. Mayroon po siyang isang kasama kung saan sila ay magsisimula ng alas 9:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon. Maximum of 50 heads lamang po tayo para sa programa nating ito.

Kaya tara Binagbagueños, sulitin at pakinabangan natin ang mga programang nakalaan talaga para sa atin tulong ng mga mamamayang nagbabayad ng tamang buwis para sa kaunlaran ng ating lipunan.

Kita-kits bukas sa isang siksik, liglig at umaapaw na programa para sa Kabataang Binagbagueños!






fans

Photos from Sangguniang Kabataan - Brgy. Binagbag's post 03/06/2026

𝘓𝘐𝘉𝘙𝘌𝘕𝘎 𝘐𝙎𝙆𝘜𝘓 𝘚𝘜𝘗𝘗𝘓𝘐𝘌𝘚 𝘠𝘌𝘈𝘙 3 - 𝗛𝗮𝗻𝗱𝗼𝗴 𝗚𝗮𝗺𝗶𝘁 𝗣𝗮𝗻𝗴-𝗔𝗿𝗮𝗹 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗶𝗻𝗮𝗴𝗯𝗮𝗴𝘂𝗲𝗻̃𝗼𝘀📗🖋️

Mamamayan ng Barangay Binagbag, tara at makiisa sa muling pamamahagi ng Sangguniang Kabataan - Brgy. Binagbag ng mga gamit pang-aral para sa mga Kabataang Binagbagueños magbabalik-eskwela ngayong nalalapit na pasukan para sa Taong Pampaaralan 2026-2027.

Sa ngayon ay mayroon tayong 375 packs of School Supplies na available para sa lahat ng mag-aaral na Binagbagueños mula 15-30 years old para sa ating mga Junior High School, Senior High School at College Students.

Para po sa ating proseso, maaari po kayong magpunta sa ating Binagbag Covered Court bukas (June 04) sa oras na ika-1:00 ng hapon. First Come First Serve po ang ating basis, bibigyan po ng stub ang unang pupunta atsaka magpoproceed sa Sanggunian upang mabigyan ng nasabing school supplies.

Ang bawat school supplies per set ay naglalaman ng:
• 3-4 Spiral Notebooks
• 2 Ballpens (Black & Red)
• Intermediate Pad (For JHS Students)
• Yellow Pad (For SHS & College Students)
• Correction Tape
• Pencil
• Eraser
• Sharpener
• Plastic Envelope

Pinapaalala rin po na kung maaari ay huwag ipakuha ang school supplies sa ibang tao. Kung pwede ay ang mismong estudyante ang kumuha ng school supplies para po mas maging pormal ang pagkuha. Pakidala din po ang previous School ID at kung posible ay pati na rin ang inyong Valid ID kung meron.

Para sa inyo ito Binagbagueños kaya tara, huwag sayangin ang biyayang pang-edukasyon para sa kinabukasan ninyo! 🫵🏽

fans

Photos from Sangguniang Kabataan - Brgy. Binagbag's post 02/06/2026

𝗕𝗘𝗦𝗧 𝗣𝗟𝗔𝗬𝗘𝗥𝗦 𝗢𝗙 𝗧𝗛𝗘 𝗚𝗔𝗠𝗘 - June 1🍀🌟

Pagbati sa mga koponang nagsipagwagi. Bawe sa mga koponang hindi pinalad. Pagkilala sa mga manlalarong nanguna sa kani-kanilang koponan! Salamat sa mga players na lumahok sa ating .

01/06/2026

QUARTERFINALS KNOCKOUT GAME (Senior Division): Frostbite Knights vs. Rookie

01/06/2026

QUARTERFINALS KNOCKOUT GAME (Senior Division): Saints vs. Papa Jules Looban

Photos from Sangguniang Kabataan - Brgy. Binagbag's post 01/06/2026

𝗕𝗘𝗦𝗧 𝗣𝗟𝗔𝗬𝗘𝗥𝗦 𝗢𝗙 𝗧𝗛𝗘 𝗚𝗔𝗠𝗘 - May 31🍀🌟

Pagbati sa mga koponang nagsipagwagi. Bawe sa mga koponang hindi pinalad. Pagkilala sa mga manlalarong nanguna sa kani-kanilang koponan! Salamat sa mga players na lumahok sa ating .

01/06/2026

SEMIFINALS GAME 1 (Super Senior Division): Looban vs. S.B.T.

Want your business to be the top-listed Government Service in Angat?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Binagbag
Angat
3012