10/11/2026
𝐒𝐨𝐢𝐥 𝐓𝐞𝐬𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐊𝐢𝐭 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠, 𝐈𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐬𝐚 𝐀𝐧𝐠𝐞𝐥𝐞𝐬 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐬𝐚 𝐈𝐥𝐚𝐥𝐢𝐦 𝐧𝐠 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐒𝐨𝐢𝐥 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦
Pinalawak ang kaalaman ng mga Angeleño tungkol sa wastong pangangalaga at pagsusuri ng lupa sa pamamagitan ng Training on Soil Sampling and Soil Analysis via Soil Testing Kit (STK), na isinagawa sa Angeles City noong Nobyembre 10, 2026.
Isinagawa ang pagsasanay sa ilalim ng National Soil Health Program at Mobile Soil Laboratory ng Department of Agriculture – Bureau of Soils and Water Management (BSWM), sa pakikipagtulungan ng City Agriculture Office at sa suporta ni Mayor Carmelo “Jon” B. Lazatin II.
Tinalakay sa programa ang mga wastong pamamaraan ng pagkuha ng soil samples at paggamit ng Soil Testing Kit upang matukoy ang mahahalagang katangian at kondisyon ng lupa. Sa pamamagitan ng soil analysis, nagkakaroon ang mga magsasaka ng mas maaasahang batayan sa pagpili ng angkop na hakbang sa pangangalaga at pagpapabuti ng kanilang lupang sinasaka.
Mahalaga ang ganitong kaalaman upang maisulong ang mas wasto at episyenteng paggamit ng mga pataba at iba pang agricultural inputs, mapabuti ang kondisyon ng lupa, at masuportahan ang mas produktibong pagsasaka.
Sa pamamagitan ng mga pagsasanay na tulad nito, patuloy na pinalalakas ang kakayahan ng mga magsasaka at Angeleño na makibahagi sa pagsusulong ng makabago, responsable, at sustenableng agrikultura sa lungsod.