Kap. Ulyssis Lumanlan - Barangay Cuayan

Kap. Ulyssis Lumanlan - Barangay Cuayan

Share

"𝑴𝑨𝑺 𝑳𝑨𝑳𝑼 𝑻𝑨𝒀𝑨 𝑷𝑨 𝑷𝑼𝑵𝑮 𝑷𝑨𝑳𝑨𝑩𝑼𝑵𝑮𝑨𝑵 𝑰𝑵𝑮 𝑪𝑼𝑨𝒀𝑨𝑵"

02/06/2026

📢 PAANYAYA SA MGA NAGNANAIS MAGPATULOY NG PAG-AARAL! 📚🎓

Sa pangunguna ni Kap. Ulyssis Lumanlan, inaanyayahan ang lahat ng interesadong kabarangay na mag-enrol sa Alternative Learning System Senior High School (ALS SHS) ngayong Hunyo 1–5, 2026.

📝 Para sa mga nais magpatala, maaari lamang magtungo sa Barangay Hall ng Cuayan upang makapag-fill out ng Enrollment Form at mabigyan ng kaukulang gabay sa proseso ng enrolment.

🤝 Kasabay nito ang Brigada Eskwela, kung saan bukas ang ALS SHS sa mga nais magbahagi ng donasyon tulad ng school supplies, cleaning materials, hygiene supplies, at mga halaman para sa paghahanda ng paaralan.

🎓 Huwag hayaang hadlangan ng anumang pagsubok ang pag-abot sa iyong mga pangarap. Sama-sama nating itaguyod ang edukasyon para sa mas maliwanag na kinabukasan.





📚✨

Photos from Kap. Ulyssis Lumanlan - Barangay Cuayan's post 01/06/2026

📢 PAALALA SA MGA KABARANGAY! 🐶

May isang naligaw na a*o na kasalukuyang nasa pangangalaga ni Ginang Rochelle Nemenio Sigua. Kung kayo po ang may-ari o may nakakakilala sa may-ari ng nasabing a*o, mangyaring makipag-ugnayan kay Ginang Sigua upang maibalik ito sa tunay nitong tahanan.

Maraming salamat sa ating mga kabarangay na patuloy na nagpapakita ng malasakit at responsableng pag-aalaga sa ating mga alagang hayop.

Photos from Kap. Ulyssis Lumanlan - Barangay Cuayan's post 01/06/2026

📍 ROAD REPAIR SA SUMULONG DRIVE 🚧

Bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan sa Cuayan Elementary School- Angeles City, isinagawa ang pangalawang araw ng pagkukumpuni at pagsasaayos ng kalsada sa Sumulong Drive upang matiyak ang mas ligtas at maayos na pagdaan ng mga mag-aaral, magulang, at mga motorista.

Sa pamumuno ni Kap. Ulyssis Lumanlan, at sa pangunguna ni
Brgy. Admin Benedicto Hizole Serdeña, katuwang ang mga masisipag na miyembro ng Bravo 1 (BPATS), matagumpay na naisagawa ang road repair bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Barangay Cuayan para sa kaligtasan at kapakanan ng ating komunidad.

Maraming salamat sa inyong dedikasyon at serbisyo para sa ating barangay. Sama-sama nating itaguyod ang isang ligtas, maayos, at maunlad na Cuayan!





🚸🛣️

01/06/2026

🌱 PAANYAYA SA LAHAT NG MGA RESIDENTE NG BARANGAY CUAYAN! 🌱

Sa pangunguna ni Kap. Ulyssis Lumanlan, inaanyayahan ang lahat ng mga interesadong residente na makilahok sa Urban Agriculture: Vegetable Gardening Training na pangungunahan ng City Agriculture Office.

📅 Hunyo 3, 2026
🕘 9:00 AM
📍 Cuayan Covered Court

Matuto ng mga praktikal na kaalaman sa pagtatanim ng gulay, paghahanda ng lupa, composting, at iba pang makabagong pamamaraan ng urban gardening.

🌿 Paalala: Ang mga nais sumali ay hinihikayat na magdala ng pa*o o anumang improvised container na maaaring pagtaniman tulad ng lumang timba, galon, plastik na lalagyan, sako, o iba pang maaaring i-recycle bilang taniman.

🌱 Sama-sama nating palaguin ang ating sariling gulayan para sa mas masustansyang pagkain at mas maunlad na komunidad.

"Magtanim ngayon, umani bukas!"






🌿🌾

29/05/2026

📚✨ Hindi hadlang ang edad o nakaraan para maabot ang pangarap na makapagtapos.

Bukas na ang enrollment para sa Alternative Learning System (ALS) S.Y. 2026–2027 sa Brgy. Cuayan Community Learning Center.

Para sa mga nais makabalik sa pag-aaral at mabigyan ng panibagong pagkakataon, narito ang ALS para sa inyo. Sama-sama nating itaguyod ang edukasyon tungo sa mas magandang kinabukasan. 💙

Enrollment Date
June 1 - 5, 2026

-asa

28/05/2026

Maligayang Kaarawan, Aimee Layan - Purok Leader!

Bilang bahagi ng patuloy na serbisyong may puso at malasakit, personal na nagkaloob ang ating butihing Punong Barangay na si Kap. Ulyssis “Popoy” Lumanlan ng ₱1,000 cash gift bilang munting handog at pagbati sa kaarawan ni Aimee.

Nawa’y magsilbi itong paalala na ang Barangay ay laging handang umalalay at makiisa sa bawat mamamayan.

Maligayang kaarawan at nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Poong Maykapal.




Photos from Kap. Ulyssis Lumanlan - Barangay Cuayan's post 28/05/2026

📢 PABATID 📢

Pansamantala pong isinara ang kanto ng Sumulong Drive upang maisagawa ang pagkukumpuni ng kalsada bilang paghahanda sa darating na pasukan sa Cuayan Elementary School- Angeles City at para narin sa kaligtasan ng ating mga estudyante, motorista, at mga kabarangay.

Sa pangunguna ni Kap. Ulyssis Lumanlan, taos-pusong pasasalamat sa ating Brgy. Admin Benedicto Hizole Serdeña at mga Bantay Bayan on duty sa kanilang pagtutulungan at agarang aksyon. 🚧🙏




28/05/2026

Maligayang Kaarawan, Mike Lacaba - Bantay Bayan!

Bilang bahagi ng patuloy na serbisyong may puso at malasakit, personal na nagkaloob ang ating butihing Punong Barangay na si Kap. Ulyssis “Popoy” Lumanlan ng ₱1,000 cash gift bilang munting handog at pagbati sa kaarawan ni Mike.

Nawa’y magsilbi itong paalala na ang Barangay ay laging handang umalalay at makiisa sa bawat mamamayan.

Maligayang kaarawan at nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Poong Maykapal.




27/05/2026

📢 PAALALA MGA KABARANGAY NG CUAYAN!

Inaanyayahan po ang lahat ng residente ng Barangay Cuayan sa gaganaping National ID Registration, Correction at Updating na pangungunahan ng PSA.

🗓️ Mayo 29, 2026 (Biyernes)
🕘 9:00 AM
📍 Barangay Hall

✅ Para sa mga bagong magpaparehistro
✅ Para sa correction at updating ng impormasyon sa National ID

📌 Magdala ng valid ID at iba pang supporting documents kung mayroon.

❗PAALALA: Ang gaganaping aktibidad ng PSA ay para LAMANG SA MGA RESIDENTE NG BARANGAY CUAYAN.

Maraming salamat po at makiisa para sa mas maayos at mabilis na serbisyo! 🇵🇭

Photos from Kap. Ulyssis Lumanlan - Barangay Cuayan's post 27/05/2026

🌱 Ikalawang araw ng pagtatanim para sa ating Gulayan sa Barangay!

Sa bawat punlang itinatanim, sama-sama nating pinalalago ang pagkakaisa at pag-asenso ng Barangay Cuayan. 💚




Want your business to be the top-listed Government Service in Angeles City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address


Brgy. Cuayan
Angeles City
2009

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 12pm