Jay-ar "Jay" Bunyi

Jay-ar "Jay" Bunyi

Share

Barangay Kagawad Jay-ar "Jay" Bunyi

Prinsipyo. Talino. Aksyon. Ipag-BUNYI ang kaunlaran! ✊🇵🇭

Photos from Bayung Barangay Sapalibutad's post 01/01/2026
Photos from Jay-ar "Jay" Bunyi's post 26/07/2025

𝐒𝐔𝐌𝐀𝐁𝐈𝐓 𝐍𝐀 𝐊𝐀𝐁𝐋𝐄 𝐍𝐆 𝐊𝐔𝐑𝐘𝐄𝐍𝐓𝐄 𝐒𝐀 𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐇𝐀𝐘 𝐒𝐀 𝐒𝐈𝐓𝐈𝐎 𝐂𝐀𝐁𝐈𝐎 𝐁𝐀𝐊𝐀𝐋, 𝐀𝐆𝐀𝐃 𝐍𝐀 𝐍𝐀𝐑𝐄𝐒𝐏𝐎𝐍𝐃𝐄𝐇𝐀𝐍

Noong gabi ng Sabado, Hulyo 26, 2025, nakatanggap tayo ng tawag mula sa isang ka-barangay sa Sitio Cabio Bakal na humihingi ng tulong matapos sumabit ang isang kable ng kuryente sa kanilang bahay. Ayon sa ulat, isang dumaraang truck ang aksidenteng nakatama sa kable, dahilan upang mawalan ng kuryente ang dalawang kabahayan.

Agad po tayong nakipag-ugnayan sa Angeles Electric Corporation (AEC) upang matugunan ang insidente at maiwasan ang posibleng panganib sa ating mga residente. Sa kabutihang palad, agad rumesponde ang AEC at matagumpay na naayos ang kable. Muling naibalik ang suplay ng kuryente sa mga apektadong bahay matapos lamang ang ilang minuto.

Ang inyong kaligtasan ay laging nasa puso ng aming serbisyo. Kung kayo ay makakaranas ng ganitong klaseng sitwasyon o anumang uri ng emergency, huwag po kayong mag-atubiling lumapit sa inyong lingkod o sa mga opisyal ng ating barangay.

Narito kami upang tumulong at maghatid ng agarang aksyon.

Prinsipyo. Talino. Aksyon. 👍👍👍

Sipag na hindi nauubusan. Ipag-BUNYI ang kaunlaran! ❤️✊🇵🇭






Want your business to be the top-listed Government Service in Angeles City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Barangay Sapalibutad
Angeles City
2009