ACSci Supreme Student Government

Directions Contact the organization

ACSci Supreme Student Government π“πšπšπ¬ 𝐧𝐨𝐨, π€π€π¬πšπ² 𝐚𝐀𝐨! ❀️‍πŸ”₯
The Official page of ACSci SSLG (formerly ACSci SSG)

Angeles City Science High School Supreme Secondary Learner Government (ACSci SSLG) is the highest student governing body in the school. The Student Government Program is one of the major programs of the Department of Education under the Center for Students and Co-curricular Affairs. Every public and private elementary and secondary schools under the Department of Education (DepED) has its own student governments. They are usually called the Supreme Pupil Government or the SPG (for elementary) and Supreme Student Government or the SSG (for secondary). For the secondary school SSGs, the Constitution and By-Laws are adopted by all of the DepEd public and private high schools.

21/09/2026
21/09/2026

π—₯π—˜π—–π—”π—£ | Wolves, Bumira sa E-sports

Umarangkada ang Baitang 11 Devouring Wolves matapos angkinin ang kampeonato sa E-Sports, habang pumangalawa ang Baitang 9 Soaring Phoenix sa ginanap na paligsahan sa Angeles City Science High School.

Tinalo ng Wolves ang Baitang 10 Vicious Dragons, 2-0, sa elimination round upang makausad sa susunod na yugto ng kompetisyon.

Nilampaso naman ng Wolves ang Baitang 12 Indomitable Stallions sa semifinals matapos magwagi, 2-0, at tuluyang makapasok sa championship round.

Winalis ng Wolves ang Phoenix sa kampeonato, 3-0, upang tuluyang masungkit ang unang puwesto at koronahan bilang kampeon ng torneo.

Ipinamalas ni Carl Justine E. Ramos, alyas Shimzz, ang kaniyang husay matapos hiranging Most Valuable Player ng kompetisyon.

Sinungkit ng Phoenix ang ikalawang puwesto, sinundan ng Stallions sa ikatlo, habang nagtapos sa ikaapat hanggang ikaanim ang Baitang 7 Venomous Scorpions, Baitang 8 Ferocious Tigers, at Baitang 10 Vicious Dragons.

Isinulat ni: Sam Cruz
Inihando ng: Birtud x Mapeh Club

21/09/2026

π—₯π—˜π—–π—”π—£ | Women’s Double ng Stallions pumalo patungo sa tropeo

Nagsibak sina Shane Margarette Atienza at Katrina Yusi ng Indomitable Stallions sa Women’s Doubles matapos daigin ang Soaring Phoenix sa finals ng table tennis noong Setyembre 17 2026 sa Dr. Clemente N. Dayrit Elementary School Covered Court bilang bahagi ng Angeles City Science High School Intramurals.

Nangibabaw ang Devouring Wolves laban sa Vicious Dragons sa unang laro matapos awtomatikong igawad sa kanila ang panalo dahil walang kinatawan ang Dragons.

Umabante ang Stallions sa ikalawang laro matapos awtomatikong makuha ang panalo laban sa Ferocious Tigers na walang kinatawan sa laban.

Pinataob ng Phoenix ang Venomous Scorpions sa dalawang set, 11-9 at 11-5, upang makapasok sa finals.

Nagsiklab ang Stallions sa semifinals matapos lampasan ang Wolves sa tatlong dikit na set, 12-10, 9-11, at 11-9, upang makapasok sa finals.

Sinungkit ng Stallions ang kampeonato matapos pabagsakin ang Phoenix sa apat na set, 11-6, 12-14, 11-8, at 11-5, upang tuluyang angkinin ang titulo sa Women’s Doubles.

Isinulat ni: Sam Cruz
Inihandog ng: Birtud x Mapeh Club

21/09/2026

π—₯π—˜π—–π—”π—£ | Dalawang Sunod: Ronabio, Muling Naghari sa Chess

Pinabagsak ni Martine Ronabio ng Baitang 9 ng Soaring Phoenix ang kinatawan ng Baitang 11 ng Devouring Wolves upang angkinin ang kampeonato sa Women’s Chess sa Angeles City Science High School Intramurals noong Setyembre 17–18.

Ipinamalas ni Ronabio ang matalas na diskarte sa pisara upang muling maungusan ang mga kalaban at masungkit ang kaniyang ikalawang sunod na kampeonato.

Pinanatili ng kampeona ang kaniyang trono matapos manaig laban sa Wolves, na nagtapos bilang ikalawang puwesto sa kompetisyon.

Sinundan ng isa pang kinatawan ng Baitang 11 ang Wolves sa ikatlong puwesto, habang nagtapos sa ikaapat ang Baitang 12.

Pinatunayan ni Ronabio ang kaniyang husay sa larangan ng chess matapos muling maiuwi ang titulo sa loob ng dalawang magkasunod na taon.

Nagningning ang Phoenix sa pamamagitan ni Ronabio, na muling nag-iwan ng marka sa intramurals matapos matagumpay na maipagtanggol ang kaniyang kampeonato.

Isinulat ni: Sam Cruz
Inihandog ng: Birtud x Mapeh Club

21/09/2026

πŒπ‹πŸ“πŸ’ | 𝐍𝐄𝐕𝐄𝐑 π€π†π€πˆπ. 𝐍𝐄𝐕𝐄𝐑 π…πŽπ‘π†π„π“.

On September 21, 1972, Ferdinand Marcos signed Proclamation No. 1081 and puts the whole nation under Martial Law.

The Filipinos were stripped off from their freedom, dignity, rights, families, and lived in constant fear from their very own home. The land was oppressed, and under the dictatorship of a single man who abused his power.

𝐓𝐇𝐀𝐓 𝐖𝐀𝐒 π…πˆπ‘π“π˜-π…πŽπ”π‘ π˜π„π€π‘π’ π€π†πŽ.

The Equilibrium carries the voice of remembrance and resistance, honoring the sacrifices of Filipinos who stood with undying courage, strength, and love for the nation.

It is in our hands to honor our history that shaped our identities, the stories of Filipinos who fought for the justice and freedom of our country. Let us be the generation that 𝐍𝐄𝐕𝐄𝐑 π…πŽπ‘π†π„π“π’ what happened and 𝐍𝐄𝐕𝐄𝐑 π€π†π€πˆπ allows the lesson of our paths to be forgotten, ignored, or repeated.

21/09/2026

𝐏𝐚𝐠-𝐚π₯𝐚π₯𝐚 𝐬𝐚 πƒπžπ€π₯𝐚𝐫𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐫𝐭𝐒𝐚π₯ π‹πšπ°

Limampu't apat na taon na ang nakalipas nang ipinatupad ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang Batas Militar (Martial Law). Kasunod nito ang pagsilang ng karumal-dumal na rehimeng kumitil sa libo-libong buhay, kalayaan, at katarungan ng mga mamamayan ng Perlas ng Silanganan.

Sa tinagal ng panahong nagdaan, bakit tila hindi nagbago ang mga karapatang ipinaglalaban? Bakit tila nakapiring pa rin ang mga mata ng gobyerno sa pagdurusa ng kanyang mga nasasakupang inaalipusta pa rin ng sariling sistema? Nagmimistulang pinapaikot na lamang ng mga payaso ang Pilipinas sa sirkong patuloy na naglalabas ng mapamiling katarungan at katotohanan.

Kaya't mamulat, mangialam, at huwag makalimot sa ating kasaysayan. Manindigan para sa ating katarungan, katotohanan, at kinabukasan, maging ano man ang kapalit. Sapagkat ang mga boses na hindi tumatahimik para sa bayan ay ang mga boses na magpapalaya rito.

Address

DoΓ±a Aurora, Lourdes Sur East
Angeles City
2009

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ACSci Supreme Student Government posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to ACSci Supreme Student Government:

Shortcuts

Share