31/05/2026
๐ FIESTANG DALAN 2026 ๐
Bilang bahagi ng tradisyon tuwing buwan ng Mayo, matagumpay na isinagawa ang mga palaro sa bawat purok para sa mga bata at matatanda.
Ang mga gawaing ito ay hindi lamang nagbibigay saya sa ating mga kabarangay kundi nagsisilbi ring pagkakataon upang lalong tumibay ang pagkakaisa, samahan, at diwa ng bayanihan sa ating komunidad.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa mga aktibidad ng kani-kanilang purok. Patuloy nating buhayin at ipagmalaki ang mga tradisyong nagbubuklod sa bawat Pampanggueรฑo.
29/05/2026
๐๐๐ก๐๐ก๐๐๐๐ ๐๐ฆ๐ฆ๐๐ฆ๐ง๐๐ก๐๐ ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ ๐ฃ๐๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐๐จ๐๐ก๐๐๐ก๐ฆ
Ngayong araw ay atin pong inilabas ang:
โข ๐๐ธ๐ฎ-๐ญ ๐๐ฎ๐๐ฐ๐ต ng financial assistance para sa 16 nating kabataang may Autism, NDD at GDD
โข ๐๐ธ๐ฎ-๐ฏ ๐๐ฎ๐๐ฐ๐ต ng financial assistance para sa 5 nating kabarangay na sumasailalim sa dialysis at may cancer
Patuloy po nating pinaparamdam na hindi kayo nag-iisa sa laban na inyong kinakaharap. Maliit man o malaking tulong, hangad ng Pampang Barangay Council na makapagbigay ng kaagapay at pag-asa sa bawat pamilyang nangangailangan.
Isang proyekto ng Pampang Barangay Council sa pangunguna ni Kapitan Carlos Dela Cruz para sa mas maalaga, makatao, at serbisyong tunay na ramdam ng bawat Pampanggueneans.
29/05/2026
Monthly summing-up ng revitalized Pulis sa Barangay ay ginanap ngayong araw sa Pampang Barangay Hall.
Pinangunahan ito nina PMaj. Maverick Dave Beltran, PMaj. Frederick J. Ferrer, PCPT Edilberto Geminiano, kasama ang Angeles PNP Angeles City Police Office katuwang ang Pampang Barangay Council sa pangunguna ni Kap. Carlos Dela Cruz.
Dumalo rin sina Kagawad Noel Samia, Kagawad Myrna De Luna, Kagawad Edmond Gaddi, Kagawad Jemer Ruiz Nacu, Kagawad Dan Sun, at ang Pampang Bantay Bayan na binubuo ng mga Ex-O, deputies, team leaders, at purok leaders.
Layunin ng pagpupulong na mas mapalakas pa ang koordinasyon ng kapulisan at barangay para sa mas ligtas at maayos na komunidad.
28/05/2026
๐ ๐
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐
๐
๐๐๐ฒ ๐๐, ๐๐๐๐
Isang makulay at masayang taunang selebrasyon ang hatid ng Pampang Barangay Council sa pangunguna ni Kapitan Carlos Dela Cruzโจ
May Palaro sa Bawat Purok kung saan ang ating mga Kagawad at Purok Leaders ang mangunguna sa ibaโt ibang palaro para sa ating mga kabataan at kabarangay Asahan ang kasiyahan, tawanan, at pagkakaisa sa bawat sulok ng barangay! ๐โโ๏ธ๐ฏ๐ค
Halinaโt makiisa sa isang araw ng saya, sigla, at samahan na para sa buong komunidad!
25/05/2026
Ngayong araw ay nagsagawa ng information dissemination at paalala ang Angeles City Police Station 2 sa pangunguna ni PMAJ Frederick J. Ferrer, kasama si Kap. Carlos P. Dela Cruz, Peace and Order Committee Chairman Kagawad Edmond Gaddi, at ang ating mga BPATS.
Layunin nito na paalalahanan ang ating mga kabarangay na mahigpit na ipinagbabawal ang pagparada ng mga sasakyan sa kalsada at ang paglalagay ng anumang sagabal sa daloy ng trapiko bilang bahagi ng patuloy na road clearing operations.
Isinagawa ang aktibidad sa ibaโt ibang bahagi ng barangay upang masigurong naipapaabot sa lahat ang tamang kaalaman at disiplina sa kalsada.
25/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
๐
May 25, 2026 (Monday)
๐ Enclientero Street, Barangay Pampang, Angeles City
Sa inisyatiba at direktiba ni Kap. Carlos Dela Cruz, nagsagawa ng tree pruning and hazard mitigation operations ang ating Barangay Disaster Risk Reduction and Management (BDRRM) sa pangunguna ni Mr. Wilson Ocampo Lee katuwang ang ating mga BPATS personnel sa kahabaan ng Arayat Boulevard.
Layunin ng operasyon na maiwasan ang posibleng aksidente at panganib dulot ng mga overgrown at mapanganib na sanga ng puno lalo na ngayong panahon ng pabago-bagong lagay ng panahon, malalakas na hangin, at pag-ulan. Sa pamamagitan ng maagap na aksyon ng barangay, masisiguro ang kaligtasan ng mga motorista, residente, at pedestrians na dumaraan sa nasabing lugar.
Patuloy ang Barangay Pampang sa pagpapatupad ng mga hakbang para sa road safety, disaster preparedness, at environmental protection upang mapanatiling ligtas at maayos ang ating komunidad.
Maraming salamat sa ating BDRRM Team at BPATS sa kanilang mabilis at maagap na serbisyo para sa mamamayan.
25/05/2026
๐ณ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ โ ๏ธ๐
Sa utos at direktiba ni Kap. Carlos Dela Cruz, agad na rumesponde ang ating BDRRM Team sa pangunguna ni Wilson Ocampo Lee kasama ang ating mga BPATS matapos mabuwal ang isang puno at matumba rin ang poste ng kuryente sa bandang ONA kung saan dalawang pampasaherong jeep ang nadaganan.
Nakiisa rin sa pagresponde at pagmomonitor si Kagawad Noel Bravo Samia upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga kababayan.
Wala naman pong naitalang nasaktan o nasawi sa naturang insidente.
Maraming salamat sa mabilis at maagap na pagkilos ng ating mga responders at sa pakikiisa ng ibaโt ibang ahensya upang agad na maisaayos ang lugar at masiguro ang kaligtasan ng publiko. ๐
24/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
๐
May 24, 2026 (Sunday)
๐ Arayat Boulevard, Barangay Pampang, Angeles City
Sa inisyatiba at direktiba ni Kap. Carlos Dela Cruz, nagsagawa ng tree pruning and hazard mitigation operations ang ating Barangay Disaster Risk Reduction and Management (BDRRM) sa pangunguna ni Mr. Wilson Ocampo Lee katuwang ang ating mga BPATS personnel sa kahabaan ng Arayat Boulevard.
Layunin ng operasyon na maiwasan ang posibleng aksidente at panganib dulot ng mga overgrown at mapanganib na sanga ng puno lalo na ngayong panahon ng pabago-bagong lagay ng panahon, malalakas na hangin, at pag-ulan. Sa pamamagitan ng maagap na aksyon ng barangay, masisiguro ang kaligtasan ng mga motorista, residente, at pedestrians na dumaraan sa nasabing lugar.
Patuloy ang Barangay Pampang sa pagpapatupad ng mga hakbang para sa road safety, disaster preparedness, at environmental protection upang mapanatiling ligtas at maayos ang ating komunidad.
Maraming salamat sa ating BDRRM Team at BPATS sa kanilang mabilis at maagap na serbisyo para sa mamamayan.
23/05/2026
โจ Nakiisa ang Barangay Pampang sa ginanap na Grand Santa Cruzan ng Angeles City LGU sa pamumuno ni Jon Lazatin. Pinangunahan naman ng Angeles City Tourism Office ang makulay at matagumpay na pagdiriwang ng Santa Cruzan. ๐๐ธ
Dumalo si Kap. Carlos Dela Cruz bilang suporta sa nasabing okasyon habang buong pagmamalaking nirepresenta ni Laarni Grace Mendoza ang ating Barangay Pampang sa nasabing selebrasyon. ๐โจ
Taos-pusong pasasalamat din kina SK Treasurer Allen Hill Dalusung at SK Kagawad Adrian Yalung na tumayong konsorte at naging bahagi ng matagumpay at makulay na pagdiriwang. ๐๐ธ
23/05/2026
๐ง๏ธโ ๏ธ Sa tindi ng ulan at malalakas na hangin, may mga punong nabuwal at mga kable ng kuryente na naputol sa ilang bahagi ng ating barangay.
Agad pong rumesponde ang ating BDRRM sa pangunguna ni Wilson Ocampo Lee kasama ang ating mga BPATS upang masiguro ang kaligtasan ng ating mga kabarangay at agarang maalis ang mga panganib sa daan.
Nakiisa rin sa operasyon ang ating mga masisipag na kagawad na sina Kagawad Jemer Ruiz Nacu, Kagawad Edmond Narciso Gaddi, at Kagawad Noel Bravo Samia kasama ang mga volunteer at mga kabarangay na tumulong sa clearing operations.
Nakatuwang din natin ang Angeles City Disaster Risk Reduction and Management Office (ACDRRMO), ACPO, at Angeles Electric sa mabilis na pag-aksyon at pagsasaayos ng mga naputol na linya ng kuryente.
Sa ilalim ng direktiba ni Kap. Carlos Dela Cruz, 90% cleared na po ang mga pangunahing daanan at naisayos na rin ang karamihan sa mga kable ng kuryente upang maibalik agad ang normal na daloy at kaligtasan sa ating barangay.
Patuloy po tayong mag-ingat at manatiling alerto lalo na sa masamang panahon. Maraming salamat po sa bayanihan ng bawat isa. ๐๐จ