Municipality of Angono, Rizal

Directions Website

Municipality of Angono, Rizal The Official page of the Municipality of Angono, Rizal The topography of Angono does not have a prominently rugged terrain.
(317)

Angono lies 29.38 kilometers east of Manila and some 15.7 kilometers away from Pasig, the former capital of Rizal. It is situated on the southwestern portion of the Province of Rizal, located approximately between 14˚31’ and 14˚33’ north latitude and between 121˚ 08’ and 121˚12’ east longitude (Fig. 1-1). It is bounded by Taytay on the northwest; Antipolo on the north; Teresa on the northeast; Binangonan on the southeast; and Laguna de Bay on the southwest. Its local topographic relief ranges only from 100 to 200 meters (Fig. 1-2). The landscape is actually dominated by the alluvial river valley of the Angono River. The river originates from the northeastern portion of the municipality with a narrow yet steed-sided river channel and broadens out into the coast of Laguna Lake. Forming the only major river system, the Angono River, gently meanders through the landscape, making its way southwest into Laguna de Bay. Its tributary streams come from the southern hills of Antipolo, Teresa, and Binangonan.

02/10/2026
02/10/2026
Uyyy... Tara, tusok-tusok! Halika at mag STICK AND DIP.Akyat tayo sa bundok, dun sa may Art Ranch, at mamapak ng Pinoy F...
02/10/2026

Uyyy... Tara, tusok-tusok! Halika at mag STICK AND DIP.

Akyat tayo sa bundok, dun sa may Art Ranch, at mamapak ng Pinoy Foods na bangsarap.

Ang isa sa binabalik-balikan ay ang bangkasarap sarap na Pansit Cabagan, best paired with sukang nakakagigil sa asim na may konting anghang.

Ang inuming pinoy ay fresh fruit shakes, masustansya't resfreshing sa katawan.

Halika ngayong gabi dito sa Art Ranch, tambay tayo sa tanawing overlooking. Busog ka na sa pagkain, busog pa ang paningin.

Atin nang pasyalan at ang mga lokal na negosyo'y suportahan kasama si Mayor Gerry Calderon at ang lokal na pamahalaan

Annyeonghaseyo! Bibimbap, Tteokbokki, masisseoyo! Art Ranch gaja!Friday night ba na Korean feels? Taralets sa Art Ranch ...
02/10/2026

Annyeonghaseyo! Bibimbap, Tteokbokki, masisseoyo! Art Ranch gaja!

Friday night ba na Korean feels? Taralets sa Art Ranch at mag KOREAN EATS.

Bibimbap, tteokbokki, fishcake, samgyupbowl, kimbap at samyang. Dito natin yan i-ft. Sabayan pa ng refreshing Korean Drinks na banana or strawberry milk.

Kung malakasang kain na Korean taste pa rin, merong rice bowl at fried chicken na korean pa rin ang dating. May samyang omelette din o hot ramyun kung cold night ang feels

Lika, dito lang yan sa Art Ranch. Overlooking. Sa taas ng Barangay San Roque, Angono, Rizal bago umakyat ng Eastridge.

Kitakits, as support na rin sa local establishments. Kasama si Mayor Gerry Calderon ay sama sama nating palakasin ang mga pasyalan ng bayan.

Ang Bayan ng Angono ay nakikiisa sa pagdiriwang ngayong Oktubre ng Scouting Month.
02/10/2026

Ang Bayan ng Angono ay nakikiisa sa pagdiriwang ngayong Oktubre ng Scouting Month.

02/10/2026

HIGANTENG YELL 2026

Handa na ba kayo sa mas pinaingay, mas pinasigla at mas pinagrbong Higanteng Yell 2026!

MGA ALITUNTUNIN AT PAMANTAYAN

1. MGA KALAHOK
Bukas ang paligsahan sa lahat ng opisyal na delegasyon o kinatawan ng mga barangay, paaralan, organisasyon o grupo, at mga Tanggapan ng Pamahalaang Bayan ng Angono na kalahok sa Higantes and Arts Festival Grand Parade.

Ang bawat delegasyon ay maaaring magkaroon ng maraming kalahok. Hinihikayat ang aktibong pakikilahok ng mga opisyal, kawani, mag-aaral, miyembro, at iba pang kinatawan ng bawat delegasyon.

Walang itinakdang pinakamataas na bilang ng kalahok, basta't maayos na mapangangasiwaan ng grupo ang kanilang delegasyon at ligtas na maisasagawa ang pagtatanghal sa itinakdang lugar.

2. MGA ALITUNTUNIN SA PAGTATANGHAL

Ang bawat delegasyon ay magtatanghal ng isang orihinal na Higanteng Yell na nagpapakita ng pagkakakilanlan, pagmamalaki, pagkamalikhain, at pagkakaisa ng kanilang barangay, paaralan, organisasyon, o tanggapan.
Ang yell ay dapat na orihinal at hindi kinopya mula sa ibang grupo. Ang nilalaman nito ay dapat nakaugnay sa Higantes Festival, sining, kultura, tradisyon, at pagkakakilanlan ng Angono.

Ang bawat pagtatanghal ay dapat tumagal nang hindi bababa sa isang (1) minuto at tatlumpung (30) segundo at hindi lalampas sa dalawang (2) minuto.

Ang yell ay dapat bigkasin nang malinaw, malakas, sabay-sabay, at puno ng sigla at enerhiya. Maaaring samahan ito ng malikhaing galaw, pormasyon, at koreograpiya upang higit na maging masigla at kaakit-akit ang pagtatanghal.

Maaaring gumamit ng mga simpleng props gaya ng placards, banderitas, banners, at iba pang magagaan na dekorasyon, basta't hindi ito makahahadlang sa pagtatanghal, makapagdudulot ng pagkaantala, o magiging panganib sa kaligtasan ng mga kalahok.

Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng mga salita, kilos, kasuotan, o materyales na malaswa, mapanlait, diskriminatoryo, partidistang pampulitika, o hindi naaangkop sa diwa ng pagdiriwang.

3. PAMANTAYAN SA PAGHUHUSGA

A. Laki ng Delegasyon at Pakikilahok — 40%
Ibabatay sa dami ng aktuwal na kalahok sa delegasyon, kabilang ang mga opisyal, kawani, mag-aaral, miyembro, at iba pang awtorisadong kinatawan. Isasaalang-alang din ang aktibo at sama-samang pakikilahok ng buong delegasyon sa pagtatanghal.

B. Pagkamalikhain, Orihinalidad at Nilalaman ng Yell — 30%
Ibabatay sa pagiging orihinal at natatangi ng yell, malikhaing konsepto at presentasyon, at kaugnayan ng nilalaman nito sa Higantes Festival, sining at kultura ng Angono, at pagkakakilanlan ng delegasyon.

C. Koreograpiya at Koordinasyon — 20%
Ibabatay sa pagkakaisa, sabayang pagkilos, tamang tiyempo, pormasyon, koordinasyon ng mga galaw, at kabuuang organisasyon ng pagtatanghal.

D. Dating sa Manonood — 10%
Ibabatay sa sigla at enerhiya ng delegasyon, kakayahang makahikayat ng tugon mula sa mga manonood, presensya sa pagtatanghal, at kabuuang epekto ng presentasyon.
KABUUAN — 100%

4. PANGKALAHATANG ALITUNTUNIN

Inaasahan sa lahat ng delegasyon ang disiplina, paggalang, sportsmanship, at pagsunod sa mga alituntunin sa kaligtasan bago, habang, at pagkatapos ng paligsahan.
Ang anumang paglabag sa mga itinakdang alituntunin ay maaaring maging batayan ng kaukulang deduction o diskwalipikasyon, alinsunod sa pasya ng mga tagapangasiwa ng paligsahan.

Ang pasya ng Lupon ng mga Hurado ay pinal at hindi na mababago.

02/10/2026
Nai-stress ka na ba at gustong magrelax? Pamper yourself. Recharge. Rejuvinate. Treat your body with wellness massage. V...
02/10/2026

Nai-stress ka na ba at gustong magrelax? Pamper yourself. Recharge. Rejuvinate. Treat your body with wellness massage. Visit LUXE AT HOME SPA!

Open daily from 2pm till 12mn, located ang Luxe at Home Spa sa 2nd floor ng Guido Commercial Plaza along Don Justo Guido St., Brgy. San Pedro, Angono, Rizal. Sa likod lamang ito ng Jollibee Angono Bayan, malapit sa tapat ng gate ng Bloomingdale Subdivision.

Lahat ng services ay very reasonable ang price. Yung Luxe Swedish Relaxation, P400 lang ang 1 hour.

Ang isang oras na Head and Scalp Revival, P300 lang. Pati Hand and Arm Theraphy, P300 lang din. Yung Back, Neck and Shoulder, P400 naman. Very reasonable din ang iba't-iba pa nilang mga therapy.

Bago at malinis ang kanilang mga rooms, mabango ang towel, pillows at bed sheets.

Enjoy nyo na rin. Dahil bagong open pa lang ang Luxe at Home, may treat silang less 10% sa first 100 clients.

Pwede ring magpa Home Service. Tawag lang 0991-0073122 or bisitahin ang kanilang fb page: LUXE at Home Spa

https://www.facebook.com/share/1Bvy4Q5gSk/?mibextid=wwXIfr

Ang Bayan ng Angono ay nakikiisa sa pagdiriwang ngayong Oktubre ng Buwan ng Kooperatiba na may temang: Matibay na Kooper...
01/10/2026

Ang Bayan ng Angono ay nakikiisa sa pagdiriwang ngayong Oktubre ng Buwan ng Kooperatiba na may temang: Matibay na Kooperatiba: Nagkakaisang Pamayanan para sa Kapayapaan at Kaunlaran.

Angono celebrates Museums and Galleries Month 2026 with the theme: "Bridging Divides, Preserving the Present for the Tom...
01/10/2026

Angono celebrates Museums and Galleries Month 2026 with the theme: "Bridging Divides, Preserving the Present for the Tomorrow"

Address

M. L. Quezon Avenue
Angono
1930

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipality of Angono, Rizal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share