04/06/2026
Manila Water Advisory
Magkakaroon po ng maintenance activity ang Manila Water sa Pearl St., Medalva, Brgy. San Isidro mula 10:00 PM ng Hunyo 4 hanggang 4:00 AM ng Hunyo 5, 2026.
Maaaring makaranas po ng mahinang pressure o pansamantalang pagkawala ng suplay ng tubig habang isinasagawa ang maintenance.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa. 💧🙏
01/06/2026
Sa pangunguna ni Punong Barangay Joey Calderon, kasama sina Kag. Neil Piñon, Kag. Aaron Orca, Kag. Dexter Rosales, Barangay Secretary Allan Santos, at Barangay Treasurer Mercy Salutillo, ginawaran ng pagkilala si Maam Herminia Emelita S. Unidad bilang pagpupugay sa kanyang 30 taong tapat na paglilingkod bilang Child Development Worker.
Ang pagkilalang ito ay bahagi ng pagdiriwang ng Child Development Workers Week bilang pasasalamat sa kanyang dedikasyon at malasakit sa paghubog ng ating mga kabataan.
Maraming salamat po sa inyong serbisyo at pagmamahal sa mga batang taga-San Isidro. 💚👏
01/06/2026
Sa kahilingan ng Municipal Health Office (MHO) at Binangonan Lakeview Hospital (BLH), at sa pag-apruba ni Punong Barangay Joey V. Calderon, matagumpay na naisagawa noong Mayo 28, 2026 ang 12th Buntis Congress para sa mga buntis na residente ng ating barangay.
Pinangunahan nina Dr. Belarmino at Dr. Natividad ang talakayan tungkol sa kahalagahan ng pagpapasuso, wastong nutrisyon, at First 1000 Days para sa kalusugan ng mag-ina. Tinalakay rin ni Nurse Carlo Bartolome ang Responsible Parenthood and Family Planning.
Lubos na nagpapasalamat ang Barangay San Isidro sa Municipal Health Office, Binangonan Lakeview Hospital, at sa lahat ng nakiisa sa matagumpay na pagsasagawa ng programang ito para sa kapakanan ng mga ina at sanggol sa ating komunidad.
Wastong Kalusugan ni Mommy, Kaligtasan ni Baby!
01/06/2026
Barangay San isidro
Kababaihan weekly clean up.
May 30, 2026
Saint Anthony Ville.
Herald Ville
Alpha Omega
Kaluwalhatian
Visacol Block-29.
27/05/2026
BARANGAY SAN ISIDRO
KABABAIHAN WEEKLY CLEAN UP!
May 23 & 24, 2026
1.Medalva Phase-1
2.Visacol Block-26
3.Luxury Villa.
4.Creek side-1
5.Sitio Tinapahan.
6.Villa Angelina.
7. Hidden village
26/05/2026
SERVICE ADVISORY | Manila Water
Paalala sa mga residente ng Brgy. San Isidro: Magkakaroon po ng maintenance activity ang Manila Water sa may Botong Ave., malapit sa Reservoir, na maaaring magdulot ng mahinang pressure o pansamantalang pagkawala ng suplay ng tubig.
Schedule:
Mayo 26, 2026 (Martes) – 10:00 PM hanggang
Mayo 27, 2026 (Miyerkules) – 4:00 AM
Mga maaapektuhang lugar:
• Luxury Village
• Ascension Hills
• Constellation Homes
• Crekside Village
• Aveemar Homes
• St. Anthony Ville
• Medalva Subd
• Kaluwalhatian
• Lakeside Hills
• Alpha Omega Village East
• Heraldville
• Mednaville
• Domsa
• Twnhills
• Hillsdale
• Nieves Hills
• Villa Gloria
Maraming salamat sa inyong pang-unawa.
25/05/2026
Naganap ang courtesy call meeting ng Saranay Philippines sa tanggapan ni Punong Barangay Joey Calderon ngayon May 25, 2026.
25/05/2026
Naganap ang courtesy call meeting ng SAMAKAPA (Samahan ng Manggagawa’t Mangalakal Para sa Kaunlaran at Pagkakaisa) sa tanggapan ni Punong Barangay Joey Calderon ngayong May 25, 2026.
25/05/2026
Mayo 25, 2026 – Nagsagawa ng Coordination Meeting sa pangunguna ni Punong Barangay Joey Calderon kasama sina Ma’am Carmelita Bartolome (OSCA Head), Ma’am Luisita Vestra (MSWDO Head), Ma’am Jane Hilario (4Ps Head), at mga FOSCASI Officers upang talakayin at paghandaan ang mga usaping may kaugnayan sa Community-Based Monitoring System (CBMS).
Layunin ng pagpupulong na mapalakas ang koordinasyon at pagtutulungan ng iba’t ibang tanggapan at organisasyon para sa maayos at epektibong pagpapatupad ng CBMS sa komunidad.