DepEd Tayo SRNHS - Edukasyon sa Pagpapakatao

DepEd Tayo SRNHS - Edukasyon sa Pagpapakatao

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DepEd Tayo SRNHS - Edukasyon sa Pagpapakatao, Public School, Marigman, Antipolo.

29/11/2024

𝙁𝙄𝙇𝙄𝙋𝙄𝙉𝙊 𝙑𝘼𝙇𝙐𝙀𝙎 𝙈𝙊𝙉𝙏𝙃: 𝙋𝘼𝙂𝘽𝘼𝘽𝘼𝙂𝙊 𝘼𝙏 𝙋𝘼𝙂𝙏𝙐𝙆𝙇𝘼𝙎, 𝙋𝘼𝙋𝙐𝙉𝙏𝘼 𝙎𝘼 𝙃𝘼𝙉𝙂𝘼𝙍𝙄𝙉 𝙉𝘼 𝘽𝙐𝙆𝘼𝙎.

Ngayong pagtatapos ng buwan ay pagtatapos din ng 𝑭𝒊𝒍𝒊𝒑𝒊𝒏𝒐 𝑽𝒂𝒍𝒖𝒆𝒔 𝑴𝒐𝒏𝒕𝒉. Ngunit, hindi ibig sabihin nito ay matatapos din ang mga ginagawa natin para magpakita ng pag galang, at pag respeto sa ating kapwa, sa ating sarili, sa iba pang nabubuhay sa mundo, at sa poong may kapal. Ang mga gawain na ito ang naghahasa rin sa ating mga kabataan, upang maging handa tayo sa pagdating ng mga bukas at maging mga bagong mukha para sa mas maunlad na mundo na ating ginagalawan.

Sa isinagawang mga aktibidad ng mga istudyante mula 𝐁𝐚𝐢𝐭𝐚𝐧𝐠-𝟕 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐢𝐭𝐚𝐧𝐠-𝟏𝟐, ay talaga namang naipamalas at patuloy pa nilang tinutuklas ang kanilang mga talento. Mula sa larangan ng pag-edit, pagdula, pagbigkas, pagkanta, pagsayaw, pagsusulat, sining, paggawa ng maikling film, at iba pang makasining na talento. Ito’y kanilang ipinamalas para maipakita rin ang pagiging malikhain ng kanilang mga isip. Sa ganitong paraan ay nasubok din ang kanilang mga sarili, bunga upang mas makilala pa nila ang kanilang mga sarili at kung ano ang mayroon sila.

Ang mga gawain na ating isinagawa ay nawa'y magsilbing paalala sa atin na maging marespeto at magalang sa bawat isa. Ang mga ito rin ang magsisillbing paraan sa pagpapalaganap ng kabutihan, kaayusan, at pagmamahal na mayroon tayo sa ating mga sarili, sa diyos, sa iba pang may buhay, at sa ating mga kapwa. Ang lahat ng ito ay isang hakbang din sa pag-usbong ng maayos na hangarin na mayroon tayo sa ating bansa, at sa mundo na ating ginagalawan. 🇵🇭🌐

Photos from DepEd Tayo SRNHS - Edukasyon sa Pagpapakatao's post 20/11/2024

𝗗𝗣 𝗕𝗟𝗔𝗦𝗧 𝗔𝗟𝗘𝗥𝗧!!! 🗣️🗣️🗣️

Isang makabuluhang 𝗡𝗘𝗪𝗯𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲, 𝐒𝐚𝐧 𝐑𝐨𝐪𝐮𝐞𝐧𝐢𝐚𝐧𝐬! Ano nga bang bago? Wala naman. Ito pa rin tayo, patuloy na kinikilala ang isa sa simbolismo ng pagiging isang Pilipino. 🇵🇭

Tayo'y makiisa sa 𝑭𝒊𝒍𝒊𝒑𝒊𝒏𝒐 𝑽𝒂𝒍𝒖𝒆𝒔 𝑴𝒐𝒏𝒕𝒉 ! ✨ Ating bigyang halaga ang mga kinagawian nating taglay mula noon hanggang sa kasalukuyan, upang magpakita ng 𝐫𝐞𝐬𝐩𝐞𝐭𝐨 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐠𝐠𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠, hindi lang sa mas mga nakatatanda — pati na rin sa ating kapwa. Maituturing ito bilang isa sa mga susi upang makamit ang kapayapaan at kaayusan sa lipunan na ating ginagalawan; bilang isang paraan din para hubugin ang ating sarili patungo sa pagiging mabuting mamamayan sa hinaharap.🙆

(Gamitin ang kapsyon na ito kalakip ang litrato niyo gamit ang frame.)

𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐊𝐀𝐁𝐀𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐁𝐔𝐊𝐀𝐒!

Ako si (pangalan mo) mula sa (baitang at pangkat mo) ng 𝐒𝐀𝐍 𝐑𝐎𝐐𝐔𝐄 𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐇𝐈𝐆𝐇 𝐒𝐂𝐇𝐎𝐎𝐋 ay nakikiisa sa pagdiriwang ng 𝑭𝑰𝑳𝑰𝑷𝑰𝑵𝑶 𝑽𝑨𝑳𝑼𝑬𝑺 𝑴𝑶𝑵𝑻𝑯. Nawa'y maipagpatuloy ang magandang kulturang puno ng pagpapahalaga sa kapuwa at sa inang bayan.

Ngayong buwan ng 𝗡𝗘𝗪𝗯𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲 ay magbalik pa tayo sa ibang mga nakagawian. Bukod sa pagmamano, paggamit ng po at opo, maging ang pagyuko kapag dadaan sa gitna ng taong nag-uusap, ano pa ang alam mo? Drop mo naman iyern sa comment section! 🤩👏

🔗 Link: https://twibbo.nz/srnhsfilvaluesmonth2024





✍️ & 🖼️ 𝗔𝗻𝗱𝗿𝗲𝗹𝗹𝗮 𝗔𝗿𝗲𝘃𝗮𝗹𝗼 & 𝗛𝗮𝘇𝗲𝗹 𝗔𝗺𝗯𝗮𝗴𝗮𝗻 - 𝗘𝗦𝗣 𝗖𝗟𝗨𝗕 𝗣.𝗜.𝗢

19/11/2024

2024 Filipino Values Month Activities.

15/11/2024
15/11/2024

SRNHS 2024 NATIONAL OBSERVANCE OF FILIPINO VALUES MONTH

22/03/2023

"Strong people stand up for themselves, but the strongest people stand up for others"

Hand in hand, let's help each other and build a bully-free school community.

anti-bullying campaign by
Kizzy E. David
Grade 10-Magalang
ESP Club Secretary

Photos from DepEd Tayo SRNHS - Edukasyon sa Pagpapakatao's post 25/11/2022

Grade 9 FMV Celebration
Paggawa ng Komik Strip na Nagpapakita ng Mabubuting Asal ng Pilipino

24/11/2022

>>bukas na!!

bahagi pa din ng ating pagdiriwang ng Filipino Values Month 2022

makakasama natin ang piling magulang at mag-aaral ng San Roque NHS para sa isang makabuluhang talakayan kasama ang ating panauhin na sina G. Melvin Tamayo Olicia, Director ng Gintong Aral Community Development Center at G. Edward Vicencio< community Devt. Officer ng SAVE THE CHILDREN PHILS. at Bb. Shane Parreno, TESDA Trainer, Antipolo City Livelihood and Training Center

kitakits!! 🙂 🙂

Photos from DepEd Tayo SRNHS - Edukasyon sa Pagpapakatao's post 23/11/2022

Filipino-Values Month Activity Scrapbook making for Grade 8 Students (November 14-18, 2022)

Want your business to be the top-listed Government Service in Antipolo?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Culinary Team

Attire

Website

Address


Marigman
Antipolo