05/10/2026
🎉 ISANG TAOS-PUSONG PAGPUPUGAY AT MALIGAYANG ARAW NG MGA G**O! 🎉
Ang Pamahalaang Barangay ng Daraitan, sa pangunguna ng ating Punong Barangay Kap Adrian Pranada, buong Sangguniang Barangay at ng buong komunidad, ay taos-pusong nagpapasalamat at nagpupugay sa lahat ng ating mga dakilang g**o na patuloy na naglilingkod, nagmamahal, at naghuhubog sa kaisipan at kinabukasan ng ating mga kabataan.
Mula sa unang hakbang ng ating mga minamahal na bata hanggang sa paghahanda ng ating mga kabataan para sa kanilang kinabukasan, ang inyong sipag, tiyaga, at sakripisyo ang nagsisilbing liwanag at pundasyon ng Barangay Daraitan.
Kayo po ang tunay na mga bayani ng ating barangay. Maraming salamat sa inyong walang sawang paggabay at malasakit para sa pangarap ng bawat batang Daraiteño!
💬 Mag-iwan ng inyong mensahe at pagbati para sa inyong mga paboritong g**o sa comment section sa ibaba! 👇