22/02/2026
Opisyal na Pahayag ng Rizal Provincial Government kaugnay ng trash slide sa Green Leap Sanitary Landfill...
Una po sa lahat, nais nating liwanagin na bagama’t taglay nito ang pangalan ng lalawigan, ang nasabing sanitary landfill ay hindi po pagmamay-ari at hindi pinangangasiwaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal. Ang operasyon at pamamahala nito ay nasa ilalim ng isang pribadong kumpanya.
Ikalawa, nakarating sa ating kaalaman ang mga ulat na may mga indibidwal diumano na natabunan at nasawi sa insidente. Mariin nating ipinahahayag na ang bawat buhay ay mahalaga... At hindi kailanman kinokonsinte ng Pamahalaang Panlalawigan ang anumang gawain nagpapawalang-halaga sa dignidad at karapatan ng bawat mamamayan.
Kaugnay nito, agad-agad nanawagan ang Pamahalaang Panlalawigan sa Department of Environment and Natural Resources o DENR na magsagawa ng masusi, agaran, at transparent na imbestigasyon upang matukoy ang buong katotohanan, mapanagot ang sinumang may pananagutan, at piliting hindi na mauulit ang ganitong pangyayari.
Ang kaligtasan ng mamamayan at pananagutan sa batas ay nananatiling pangunahing adhikain po ng Pamahalaang Panlalawigan.
09/11/2025
Buhat ng patuloy na paglakas ng ulan at hangin dala ng Super Typhoon Uwan sa CALABARZON kasama ang ating lalawigan, pinapayuhan ng LTFRB ang lahat ng biyahero at PUV operators na iwasan muna ang non-essential travel at unahin ang kaligtasan ng mga pasahero.
Patuloy tayong nakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan para sa updates sa lagay ng panahon at sitwasyon ng kalsada. Manatiling alerto, magplano nang maaga, at magdasal para sa kaligtasan ng lahat. 🙏
https://www.facebook.com/share/p/1J3jWcDc97/
09/11/2025
Gentle reminder sa ating mga furparents,
Sa oras ng paglikas, ‘wag kalimutan ang ating mga alagang furbabies. Isama sila sa emergency plan. Kung hindi na kayang ilikas, siguraduhing hindi sila nakatali o nakakulong para sila mismo ay makalikas.
Tulad natin, nangangailangan din sila ng proteksyon at kalinga lalo na sa panahon ng sakuna. 🫶🏻🐾
📞National Emergency Hotline: 911
🏢Rizal Provincial Government
• PDRRMO: 0961-869-5888 | (02) 8571-4375
• PNP: 0917-365-5979 | 0908-316-0164 | 0998-598-5716 | (02) 8280-8199
• BFP: 0948-614-3081 | 0917-127-4423 | (02) 7700-3233
• PCG: 0967-099-6322
Credits to the owners of the photos
09/11/2025
Ngayong panahon ng tag-ulan, narito ang ilang electrical safety tips na dapat nating tandaan at gawin. 🌧️⚡
Hindi biro ang panganib na dulot ng kuryente, lalo na kapag may baha, kaya maging maingat palagi. 🙏🏻
📞National Emergency Hotline: 911
🏢Rizal Provincial Government
• PDRRMO: 0961-869-5888 | (02) 8571-4375
• PNP: 0917-365-5979 | 0908-316-0164 | 0998-598-5716 | (02) 8280-8199
• BFP: 0948-614-3081 | 0917-127-4423 | (02) 7700-3233
• PCG: 0967-099-6322