07/03/2025
📢 Tungkol sa People’s Law Enforcement Board - Antipolo: City-Wide Information and Dissemination Campaign📢
Noong nakaraang araw, matagumpay na isinagawa ang People’s Law Enforcement Board - Antipolo: City Wide Information and Dissemination Campaign na ginanap sa Session Hall ng Brgy. Inarawan, Antipolo City.
Dinaluhan ng mga Sitio Chairmans/Coordinators, Lupong Tagapamayapa, Brgy. Tanod at mga lokal na opisyal, ang makulay at makabuluhang aktibidad na layuning magbigay kaalaman at impormasyon tungkol sa mga karapatan at obligasyon ng bawat isa sa ilalim ng batas. Naging pagkakataon ito upang mapalakas ang ugnayan ng mga mamamayan at mga ahensya ng gobyerno sa pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa mga isyu ng kapayapaan at kaayusan sa ating lungsod.
Mahalaga ang bawat hakbang na ito upang mapalaganap ang tamang impormasyon at masiguro ang maayos at makatarungang pamumuhay para sa lahat.
Maraming salamat sa lahat ng dumalo at sumuporta! 👏👥
