31/12/2025
MANIGONG BAGONG TAON, BARANGAY SAN JUAN! β¨π
Malugod pong bumabati ang Barangay San Juan ng isang mapayapa, masagana, at makabuluhang Bagong Taon sa ating buong komunidad!
Sa pangunguna ng ating Punong Barangay, Kap. JR Dek Lopez Bolanos at ng Konseho, nawaβy magsilbing bagong simula ang 2026 para sa mas matatag na pagkakaisa, patuloy na pag-unlad, at serbisyong may malasakit para sa bawat pamilya ng San Juan.
Salubungin natin ang bagong taon nang may pag-asa, kaligtasan, at pagbabahaginan ng kabutihan.
Maligayang Bagong Taon sa lahat! ππ
!
26/12/2025
ππππππ ππππππππ | πππππππ
Ipinababatid sa publiko ang opisyal na iskedyul ng holidays, special non-working holidays, at government work suspension alinsunod sa inilabas na memorandum at deklarasyon ng pambansang pamahalaan.
Mananatiling bukas ang mga opisinang nagbibigay ng basic, vital, at health services upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyong pangkomunidad.
Maraming salamat, at nawaβy maging mapayapa, ligtas, at maayos ang inyong pagdiriwang ng Bagong Taon!
!
24/12/2025
ππππππππππ πππππ, ππππππππ πππ ππππ!β¨π
Mula sa Pamahalaang Barangay ng San Juan, patungo sa inyong lahat, isang manigong, mapayapa, at tunay na pinagpalang Pasko ang nais naming iparating sa buong komunidad ng Barangay San Juan!
Sa pangunguna ng ating Punong Barangay, Kap. JR Dek Lopez Bolanos at ng Konseho, nawaβy maging panahon ito ng pag-ibig, pagkakaisa, at pasasalamat para sa bawat tahanan.
Sanaβy magsilbing liwanag ang diwa ng Pasko upang lalo nating mapagtibay ang ating samahan at pag-asa para sa darating na taon.
Maligayang Pasko po sa lahat! ππβ¨
!
23/12/2025
ππππππππππ πππππππππ πππππ 2025!β¨
Isang mahiwaga at makulay na gabi ang naganap sa Christmas Party ng mga empleyado ng Barangay San Juan, kung saan nagtagpo ang saya, pagkakaisa, at diwa ng Pasko sa temang Encantadia! π§ββοΈππ§ββοΈ
Sa pangunguna ng ating Punong Barangay, Kap. JR Dek Lopez Bolanos at ng Konseho, matagumpay nating naisakatuparan ang isang gabing puno ng halakhak, pasasalamat, at samahanβpatunay na sa Barangay San Juan, tunay na nagliliwanag ang diwa ng Pasko kapag sama-sama ang pamilya ng barangay. ππ
Mula sa mga kulay, kasuotan, hanggang sa masayang palaro at espesyal na pagpapakita ng talento, talagang buhay na buhay ang spirit of Encantadia sa bawat larawan!
Salamat sa lahat ng empleyadong nakisaya at naging bahagi ng napakagandang pagdiriwang.
Hanggang sa susunod na enchanted celebration! β¨π
!
22/12/2025
Ang Barangay San Juan ay lubos na nagdadalamhati sa pagpanaw ng ating Congressman Romeo M. Acop. Isa siyang lingkod-bayan na matapat, tapat sa tungkulin, at tunay na nagmahal sa kanyang nasasakupan.
Sa pangunguna ng ating Punong Barangay, Kap. JR Dek Lopez Bolanos at ng konseho, ipinapaabot namin ang aming malalim na pakikiramay sa kanyang pamilya, mahal sa buhay, at buong komunidad na kanyang pinagsilbihan.
Maraming salamat, Cong. Acop, sa mga taon ng malasakit at serbisyo sa ating distrito. Mananatili ang inyong legasiya sa puso ng mamamayan.
Nawaβy magbigay ng kapanatagan at lakas ang Panginoon sa lahat ng naulila.
Paalam po, Cong. Romeo Acop. Maraming salamat sa inyong tapat na paglilingkod. ποΈπ€
20/12/2025
Maligayang Pasko sa ating mga 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program)! β¨π
Isang masayang pagbati sa ating mga 4Ps beneficiaries! Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong aktibong pakikilahok at sa'ting mga parent leaders para sa matagumpay na Year-End Party na puno ng saya, tawanan, at pagkakaisa!
Nawaβy patuloy kayong pagpalain ng mabuting kalusugan, mahabang buhay, at walang patid na kasiyahan ngayong Pasko at sa darating na Bagong Taon!
Mula kina Punong Barangay, Kap. JR Dek Lopez Bolanos at konseho, Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon po sainyo!
!
18/12/2025
NCSC | National Commission Of Senior Citizens
Office of the President National Commission of Senior Citizens
18/12/2025
PWD GIFT GIVING!π
Isang makabuluhan at masayang PWD Gift Giving ang ating matagumpay na naisagawa bilang pasasalamat at pagkilala sa ating mga Persons with Disabilities (PWDs)!
Sa pangunguna ng ating Punong Barangay, Kap. JR Dek Lopez Bolanos at ng Konseho, patuloy ang adhikain ng barangay na maghatid ng kalinga, saya, at suporta sa bawat sektor ng ating komunidad.
Ang simpleng handog ay simbolo ng malasakit at pagkakaisaβpatunay na sa Barangay San Juan, walang naiiwan at lahat ay mahalaga.
Maraming salamat po sa lahat ng nakibahagi at tumulong upang maging matagumpay ang aktibidad na ito. Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagmamalasakit para sa isang mas inklusibo at mapagkalingang barangay!
!
17/12/2025
Maligayang Pasko sa ating mga mahal na Senior Citizens! β¨π
Isang masayang pagbati sa ating mga lolos at lolas na patuloy na nagbibigay inspirasyon sa ating komunidad. Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong aktibong pakikilahok at sa'ting mga opisyales sa pangunguna ni President Fely Llanera para sa matagumpay na Year-End Party na puno ng saya, tawanan, at pagkakaisa!
Nawaβy patuloy kayong pagpalain ng mabuting kalusugan, mahabang buhay, at walang patid na kasiyahan ngayong Pasko at sa darating na Bagong Taon. Kayo po ang aming yaman at inspirasyon.
Mula kina Punong Barangay, Kap. JR Dek Lopez Bolanos at konseho, Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon po sainyo!
!
15/12/2025
Kaninang hapon, matagumpay na isinagawa ang Validation ng DILG dito sa ating Barangay!
Layunin nito na masuri ang ating pagsunod sa mga direktiba ng DILG at maipakita ang dedikasyon at pagtutulungan ng ating buong komunidad.
Kabilang sa mga isinuri ang mga programa tulad ng BaRCO (Barangay Road Clearing Operations), KALINISAN, at HAPAG.
Ang lahat ng ito ay naisakatuparan sa pangunguna ng ating Punong Barangay, Kap. JR Dek Lopez Bolanos at ng buong konseho!
Taos-pusong pasasalamat kay Mr. Richard Bandong at sa buong Validation Team ng DILG at City Govenment of Antipolo sa kanilang oras at paggabay.
!