06/06/2026
ANAWAGAN SA PUBLIKO / LOST PERSON
Isang concerned citizen po ang nagdala kay Nanay sa Barangay Sta. Cruz, Antipolo City. Ayon po kay Nanay, siya daw po ay taga-San Isidro kaya minabuti po nilang dalhin siya sa ating barangay.
Sa paunang pakikipag-usap at imbestigasyon ng ating mga kawani, wala po siyang maalalang impormasyon tungkol sa kanyang pagkakakilanlan o tahanan maliban sa pangalan edad daw po niyang ibinigay sa mga kawani ng Brangay Sta. Cruz (MA. LUISA VERGAR / 72 Years old).
Kaugnay nito, nananawagan po kami sa sinumang nakakakilala sa taong nasa larawan na makipag-ugnayan sa ating tanggapan sa Barangay Hall Annex, Sitio Maligaya, Lower Barangay San Isidro, Antipolo City.
Maaari rin po kayong tumawag o mag-text sa numerong:
📱 0968-131-2883
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at kooperasyon.
Pakiusap po ng ating Kapitana Baby Garcia Salen na pakibahagi na rin po ang post na ito upang matulungan nating mahanap ang kanyang mga kaanak