22/10/2026
๐๐๐๐๐๐๐ข ๐๐ ๐ฃ๐ข๐ช๐๐ฅ ๐ฅ๐๐ง๐ | ๐ข๐๐ง๐ข๐๐๐ฅ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Nagkaroon ng bahagyang pagtaas sa singil sa kuryente ngayong Oktubre 2026 na โฑ0.3254 kada kWh, kaya ang CAGELCO II Power Rate para sa Residential Consumers ay naitala sa โฑ11.8759 kada kWh, mula sa โฑ11.5505 kada kWh noong Setyembre.
Ang pagtaas na ito ay dulot ng pagtaas ng Generation Cost at Universal Charges, kabilang ang Missionary Electrification charges. Bagamaโt ipinatupad ngayong buwan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang pagtanggal ng VAT sa Government-Mandated Charges sa singil sa kuryente, hindi ito naging sapat upang mapababa ang kabuuang rate.
Sa kabila nito, ang CAGELCO II ay nananatiling isa sa mga Electric Cooperative na may pinakamababang power rates sa Rehiyon ngayong Oktubre 2026.
Nais din naming ipaalam na ang tanging napupunta sa CAGELCO II ay ang Distribution, Supply, and Metering (DSM) Charges, na nananatiling โฑ2.4034 kada kWh at walang naging pagtaas mula pa noong 2011.
Paalala sa ating mga Member-Consumer-Owners (MCOs): Maging responsable sa paggamit ng mga de-koryenteng kagamitan upang makatipid sa konsumo ng kuryente at makatulong na mapababa ang buwanang bayarin.