Makabuluhang araw ng paglilingkod sa ating mga kababayan ang naganap ngayong Miyerkules, Hunyo 3, sa isinagawang Free Medical Consultation na personal na pinangunahan ni Sangguniang Bayan Member Ferdinand “Doc K” Kabigting.
Sa pamamagitan ng programang ito, maraming mamamayan ang nabigyan ng pagkakataong makatanggap ng libreng konsultasyong medikal at payong pangkalusugan. Patuloy nating isinusulong ang mga programang naglalayong mapangalagaan ang kalusugan at kapakanan ng bawat mamamayan.
SB Ferdinand “Doc K” Kabigting
Tambalang Serbisyo - Bayan ng Arayat ang Panalo
28/05/2026
Isang makabuluhang araw ng Huwebes, Mayo 28, ang matagumpay na pagsasagawa ng Free Medical Consultation sa inisyatibo ni Sangguniang Bayan Member Ferdinand “Doc K” Kabigting.
Layunin ng programang ito na makapaghatid ng serbisyong medikal at makatulong sa kalusugan ng ating mga kababayan. Patuloy po nating isinusulong ang mga programang nagbibigay malasakit at tunay na serbisyo para sa mamamayan.
26/05/2026
Makabuluhan at produktibong araw ng Martes, Mayo 26, sa ginanap na 44th Regular Session of the 12th Sangguniang Bayan kung saan personal na dinaluhan at ginampanan nina Sangguniang Bayan Member Ferdinand “Doc K” Kabigting at Sangguniang Bayan Member Edith Kabigting ang kanilang tungkulin para sa patuloy na pagsusulong ng mga programang makapagbibigay ng kaunlaran at mas maayos na serbisyo para sa mamamayan. Patuloy ang kanilang dedikasyon at taos-pusong paglilingkod para sa ikabubuti ng bawat mamamayan.
21/05/2026
Taos-pusong pagbati mula kina Sangguniang Bayan Member Ferdinand “Doc K” Kabigting at Sangguniang Bayan Member Edith Kabigting kay Alvin C. Mallari sa matagumpay na pagpasa sa March 2026 Licensure Examination for Teachers bilang nagtapos ng Bachelor of Science in Information Technology with Teaching Units.
Ang iyong tagumpay ay patunay ng iyong sipag, tiyaga, at determinasyon upang maabot ang iyong mga pangarap. Nawa’y maging inspirasyon ka sa marami at maging daan ang iyong propesyon upang makapagbahagi ng kaalaman at magandang kinabukasan sa susunod na henerasyon.
21/05/2026
Malugod na pagbati mula kina Sangguniang Bayan Member Ferdinand “Doc K” Kabigting at Sangguniang Bayan Member Edith Kabigting kay Ariel Y. Palabasan sa matagumpay na pagpasa sa Licensure Examination for Teachers bilang nagtapos ng Bachelor in Science in Home Technology Major in Home Economics Education.
Ang iyong tagumpay ay bunga ng sipag, tiyaga, at dedikasyon sa pagtupad ng iyong pangarap. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa marami at maging daan upang mas lalo pang makapagbahagi ng kaalaman at magandang kinabukasan sa kabataan.
Makabuluhang araw ng Huwebes, Mayo 21, personal na bumisita at nagsagawa ng pag-iinspeksyon si Honorable Vice Governor Dennis Delta Pineda sa ginagawang tulay sa Camba, concrete barrier sa Candating, at sa tulay na nasira sa Cupang upang personal na makita ang kalagayan at agarang mabigyang pansin ang mga proyektong makakatulong sa kaligtasan at kapakanan ng mamamayan.
Kasama sa nasabing pagbisita sina Vice mayor Monching Changcoco, Sangguniang Bayan Member Ferdinand “Doc K” Kabigting, Sangguniang Bayan Member Edith Kabigting at Abc President Ronald "Bato" Sunga na patuloy na nakikiisa sa pagsusulong ng mga proyektong pang-imprastraktura at serbisyong tunay na makikinabang ang ating mga kababayan.
Patunay lamang na sa pamamagitan ng pagkakaisa at maagap na pagkilos ng ating mga pinuno, mas mapapabilis ang pag-unlad at masisiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan.
21/05/2026
Isang matagumpay at makabuluhang araw ang naganap ngayong Huwebes, Mayo 21, sa isinagawang Awarding of Educational Financial Assistance at Medical Mission para sa ating mga kababayan.
Taos-pusong pasasalamat kina Hon. Governor Lilia “Nanay” Pineda at Vice Governor Dennis “Delta” Pineda sa kanilang walang sawang suporta at malasakit sa edukasyon at kalusugan ng bawat mamamayan. Kasama rin sa nasabing programa sina Vice Mayor Monching Changcoco, Sangguniang Bayan Member Ferdinand “Doc K” Kabigting, at Sangguniang Bayan Member Edith Kabigting na personal na dumalo at nagpaabot ng tulong at serbisyo sa ating mga kababayan.
Patuloy nating pagtutulungan ang mga programang nagbibigay pag-asa, tulong, at magandang kinabukasan para sa bawat pamilya.
Matagumpay na naisagawa ngayong araw ng Martes, May 19, ang 43rd Regular Session of the 12th Sangguniang Bayan na personal na dinaluhan at aktibong pinagpartisipahan nina Sangguniang Bayan Member Ferdinand “Doc” K. Kabigting at Sangguniang Bayan Member Edith Kabigting.
Patuloy ang kanilang dedikasyon sa pagbibigay ng maayos at tapat na serbisyo publiko upang maisulong ang mga programang makakatulong sa bawat mamamayan ng ating bayan. Sama-sama para sa mas maunlad at mas progresibong komunidad!
19/05/2026
📍 Nakiisa at aktibong nakibahagi si Sangguniang Bayan Member Ferdinand “Doc K” Kabigting sa kauna-unahang Local Health Board na ginanap ngayong araw ng Martes, Mayo 19.
Patuloy ang kanyang suporta at pakikiisa sa mga programang pangkalusugan para sa kapakanan ng bawat mamamayan. Isang patunay ito ng kanyang dedikasyon sa mas maayos, mas ligtas, at mas malusog na komunidad para sa lahat.
16/05/2026
Malugod pong binabati nina Sangguniang Bayan Member Ferdinand “Doc K” Kabigting at Sangguniang Bayan Member Edith Kabigting ang buong mamamayan ng Barangay Candating sa inyong nalalapit na kapistahan.
Nawa’y maging makulay, masaya, at mapayapa ang pagdiriwang na ito para sa bawat pamilya. Patuloy sana nating mapanatili ang pagkakaisa, pananampalataya, at pagtutulungan bilang isang matatag na komunidad.
Maligayang Kapistahan po sa inyong lahat! Mabuhay ang Barangay Candating!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Arayat
2012
