10/10/2026
ππ¨π«π₯π πππ§πππ₯ ππππ₯ππ‘ πππ² | ππππ¨πππ« ππ, ππππ
Hi bes,
Musta? Naks! Last year lang, nadaanan mo yung post ko sa World Mental Health Day. Akalain mong nandito na naman tayo ulit?
Ngayong taon, ang tema naman ay patungkol sa pakikinig ng mga totoong karanasan ng mga taong may pinagdadaanan. In short, kwento natin. Haha. Akalain mong may tema na tungkol sa atin? Main character 'yan? At least, kahit man lang sa isang araw ay may nakalaan pala sa ating mga may struggle.
Anyway, sa sobrang busy at nagmamahalan na bilihin, sana nagkakaroon ka pa rin ng pagkakataon na maramdaman ang sarili mong tao ka. Lagi ka na lang umiintindi ng iba. Sarili mo naman kaya? Bilang kaibigan mo, nag-aalala lang ako sa'yo ha. Hinahanap mo lagi na magkaroon ng tahanan sa iba. Naghahanap ka pa sa malayo, nandito lang kaming mga kaibigan mo. Saka sana mahanap mo rin ang tahanan na gusto mo sa'yong sarili.
Sana sa kabila ng pagod at ingay ng mundo, nakakahanap ka ng panahong mapakinggan ang sarili. Sana manatili kang mabuti at mapagpasensiya sa tulad ng isang kaibigang laging nandiyan para sa'yo. Parang ako? Hehe.
Hinihiling ko na sana makita mo ang sarili na proud sa lahat ng mga maliliit at malalaking bagay na nakamit mo kasi ako...proud ako sa'yo. Nakakaproud ka. Every year, may growth ka. Sana nakikita mo rin. Sana na-appreciate mo rin.
Sana ha? Sana lahat ng sanang ito gagawin mong totoo, kahit paunti-unti, kahit may iniindang sakit. Kasi para saan pa ang bukas kung hindi kita ulit makakausap tulad nito? Di ba? Oh siya. Hanggang sa susunod ulit na October 10, ha? Magpapahinga lang tayo pero patuloy na uusad. Tandaan mo, hindi mo kailangang bitbitin lagi 'yan ng mag-isa.
Nandito ako.
Ang iyong millennial psychologist.
;
P.S. Totoo nga, proud ako sa'yo. Lagi't-lagi kang mahalaga. π€