Sangguniang Kabataan Barangay Ariston West

Directions

Sangguniang Kabataan Barangay Ariston West Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sangguniang Kabataan Barangay Ariston West, Social service, Ariston West, Asingan.

Ariston West Men's Volleyball team started their campaign on a high note, securing a convincing 2-0 win against Cabaliti...
16/11/2025

Ariston West Men's Volleyball team started their campaign on a high note, securing a convincing 2-0 win against Cabalitian.

The team's strong performance was evident from the get-go, with their spikers dominating the net and their blockers holding firm against Cabalitian's attacks.

As the match came to a close, Ariston West had secured a comfortable 2-0 lead,25-22 and 25-20,setting them up for a promising run in the tournament.



27/10/2025

Hard work meets good vibes! It's all about finding that balance. Getting stronger and still making time to enjoy the journey. Our secret weapon? A mid-practice dance party to boost the energy! 💪🕺

23/10/2025

ARISTON WEST VS CARUSUCAN SUR
WOMEN’S DIVISION

23/10/2025

ARISTON WEST VS PALARIS

‎𝐁𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐈𝐬𝐩𝐨𝐫𝐭𝐬 | 𝐏𝐚𝐠𝐛𝐮𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐀𝐬𝐢𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫-𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐋𝐞𝐚𝐠𝐮𝐞 𝟐𝟎𝟐𝟓‎‎Ngayong araw, Oktubre 18, 2025, matagumpay na binu...
18/10/2025

‎𝐁𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐈𝐬𝐩𝐨𝐫𝐭𝐬 | 𝐏𝐚𝐠𝐛𝐮𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐀𝐬𝐢𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫-𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐋𝐞𝐚𝐠𝐮𝐞 𝟐𝟎𝟐𝟓
‎
‎Ngayong araw, Oktubre 18, 2025, matagumpay na binuksan ang 𝐀𝐬𝐢𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫-𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐋𝐞𝐚𝐠𝐮𝐞 𝟐𝟎𝟐𝟓
‎ sa pamumuno ni 𝘔𝘢𝘺𝘰𝘳 𝘌𝘯𝘨𝘳. 𝘊𝘢𝘳𝘭𝘰𝘴 𝘍. 𝘓𝘰𝘱𝘦𝘻, 𝘑𝘳 at 𝘓𝘦𝘢𝘨𝘶𝘦 𝘊𝘰𝘮𝘮𝘪𝘴𝘴𝘪𝘰𝘯𝘦𝘳 𝘚𝘉𝘔 𝘑𝘰𝘩𝘯𝘺 𝘔𝘢𝘳 𝘊𝘢𝘳𝘪𝘨. Ang nasabing pagdiriwang ay naglalayong palakasin ang samahan at sportsmanship sa bawat barangay ng Asingan.
‎
‎Lahat ng mga barangay sa Asingan ang nakilahok sa liga, kabilang ang 𝘽𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜𝙖𝙮 𝘼𝙧𝙞𝙨𝙩𝙤𝙣 𝙒𝙚𝙨𝙩 na may mga koponan sa 𝘔𝘦𝘯'𝘴 𝘝𝘰𝘭𝘭𝘦𝘺𝘣𝘢𝘭𝘭 (𝘊𝘰𝘢𝘤𝘩 𝘠𝘥𝘢 𝘛𝘢𝘨𝘢𝘯𝘢𝘴), 𝘞𝘰𝘮𝘦𝘯'𝘴 𝘝𝘰𝘭𝘭𝘦𝘺𝘣𝘢𝘭𝘭 (𝘊𝘰𝘢𝘤𝘩 𝘊𝘳𝘪𝘴𝘴𝘢𝘯𝘵𝘰 𝘛𝘢𝘣𝘪𝘯), 𝘢𝘵 𝘑𝘶𝘯𝘪𝘰𝘳 𝘢𝘵 𝘚𝘦𝘯𝘪𝘰𝘳 𝘉𝘢𝘴𝘬𝘦𝘵𝘣𝘢𝘭𝘭 (𝘊𝘰𝘢𝘤𝘩 𝘙𝘰𝘺 𝘊𝘢𝘴𝘵𝘯𝘦𝘳 𝘊𝘩𝘢𝘯). Ang mga kalahok ay nagpapakita ng kanilang galing at determinasyon upang makamit ang tagumpay sa liga.
‎
‎Ang Inter-Barangay League ay isang mahalagang inisyatiba ng pamahalaang bayan ng Asingan upang bigyan ng oportunidad ang mga mamamayan na makipagkumpetensya at magpakita ng kanilang husay sa larangan ng palakasan. Ang liga ay inaasahang magiging daan upang mapalakas ang pagkakaisa at pagtutulungan sa bawat barangay.
‎
‎Ang pagbubukas ng liga ay isang patunay ng patuloy na suporta ng pamahalaang bayan ng Asingan sa mga gawaing pampalakasan at sa paghubog ng mga kabataan sa larangan ng sports. Ang mga taga-Asingan ay inaasahang magpakita ng kanilang suporta at pagmamahal sa mga koponan na kalahok sa liga.
‎
‎
‎ #𝐀𝐬𝐢𝐧𝐠𝐚𝐧𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫-𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲𝐋𝐞𝐚𝐠𝐮𝐞𝟐𝟎𝟐𝟓

Kabataan, tayo na! Ipakita ang iyong lakas, talino at paninindigan para sa bayan 🇵🇭Magpa-rehistro mula October 20, 2025 ...
16/10/2025

Kabataan, tayo na! Ipakita ang iyong lakas, talino at paninindigan para sa bayan 🇵🇭

Magpa-rehistro mula October 20, 2025 hanggang May 18, 2026, 8:00AM-5:00PM, Lunes hanggang Sabado, kasama ang Holidays.

Para naman sa mga probinsya sa BARMM, ang voter registration ay mula May 1-18, 2026.

PAALALA: Magdala ng isang valid government-issued ID. Hindi tatanggapin ang cedula, Barangay-issued Certificate at Barangay ID.

PS. Tatanggapin ang lahat ng uri ng aplikasyon, kasama na ang TRANSFER.



𝐏𝐀𝐑𝐓 𝐈𝐈𝐈| 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐃𝐈𝐍𝐆 𝐂𝐄𝐑𝐄𝐌𝐎𝐍𝐘‎‎𝙊𝙠𝙩𝙪𝙗𝙧𝙚 12, 2025 - Sa isang simpleng seremonya na pinangunahan ng mga Sangguniang Kabataan ...
16/10/2025

𝐏𝐀𝐑𝐓 𝐈𝐈𝐈| 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐃𝐈𝐍𝐆 𝐂𝐄𝐑𝐄𝐌𝐎𝐍𝐘
‎
‎𝙊𝙠𝙩𝙪𝙗𝙧𝙚 12, 2025 - Sa isang simpleng seremonya na pinangunahan ng mga Sangguniang Kabataan (SK) Council ng Ariston West, Ariston East, at Bantog, matagumpay na naisagawa ang "Awarding Ceremony" para sa mga nagsipagwagi sa naganap na"𝙏𝙍𝙄-𝘽𝘼𝙍𝘼𝙉𝙂𝘼𝙔 𝙇𝙄𝙉𝙂𝙂𝙊 𝙉𝙂 𝙆𝘼𝘽𝘼𝙏𝘼𝘼𝙉 2025".
‎
‎Mga nagsipagwaging grupo sa larangan ng iba't ibang laro:
‎
‎𝐕𝐎𝐋𝐋𝐄𝐘𝐁𝐀𝐋𝐋 𝐆𝐈𝐑𝐋𝐒
‎Champion: Team 3
‎Karen Miole Paculan
‎Mary Grace Alvaro
‎Darylle Bucaneg
‎Marivic Briones
‎Princess humble santiago
‎Joerisse Asuncion
‎
‎1st Runner-Up Team 4
‎Mikaela Valdez
‎Carmella Caparas
‎Abegail Conejer
‎Grethel Gomez
‎Princess Maja
‎Rhyxiel Espero
‎Mary Grace Abobo
‎
‎2nd Runner-Up: Team 2
‎Rizza Rose Mortel
Juna Niedo
Aleah Bautista
Alleyah Lagula
Rochelle Claire Fajardo
Djhay Pascua
‎
‎Team 1
‎Rosemarie Tugna
‎Jackielyn Palermo
‎Ate Sofia Pajimna
‎Ashiena Lagula
‎Crisha Solana
‎Angel Ancheya
‎
‎𝐕𝐎𝐋𝐄𝐘𝐁𝐀𝐋𝐋 𝐁𝐎𝐘𝐒
‎Champion: Team 2
‎Alfonso Pablo
‎Joshua Lalugan
‎Clyde Faith Tabin
‎Kienjie Padilla
‎Seian Israel
‎EJ Paasa
‎
‎1st Runner-Up: Team 3
‎2nd Runner-Up: Team 1
‎3rd Runner-Up: Team 4
‎
‎𝐁𝐀𝐒𝐊𝐄𝐓𝐁𝐀𝐋𝐋
‎Champion: Team Violet
‎1st Runner-Up: Team White
2nd Runner-Up: Team Red
‎3rd Runner-Up: Team Green
‎Consolation: Team Yellow, Team Blue, Team Green
‎
‎𝐋𝐀𝐑𝐎 𝐍𝐆 𝐋𝐀𝐇𝐈
‎•Human Centipede Race
‎•Tallest Stick and Thread
‎•Ice Melting Challenge
‎
‎Ayon sa mga residente ng mga nasabing barangay, ang awarding ceremony ay isang makasaysayang okasyon na hindi lamang nagpapakita ng kahalagahan ng pagkilala sa mga natatanging indibidwal at grupo, ngunit pati na rin ang pagkakaisa ng mga mamamayan sa kanilang mga komunidad.
‎
‎Ang SK Council ng Ariston West, Ariston East, at Bantog ay nagpahayag ng kanilang pasasalamat sa mga sumuporta at nakiisa sa tagumpay ng nasabing okasyon. "Kami ay lubos na nagagalak sa matagumpay na pagdaraos ng awarding ceremony. Ang aming layunin ay bigyang-pugay ang mga natatanging indibidwal at grupo na nagpakita ng kahusayang at dedikasyon sa kanilang mga gawain," ani SK Chairman Emman at SK Chairman Charlie.
‎
‎Sa pagtatapos ng seremonya, nag-iwan ng ngiti at saya ang mga opisyal ng SK Council sa mga awardee at mga bisita bilang alaala ng makasaysayang okasyon na ito. Sa kabuuan, ang awarding ceremony ay isang matagumpay na okasyon na nagbigay-pugay sa mga natatatanging manlalaro sa mga barangay ng Ariston West, Ariston East, at Bantog.

𝐏𝐀𝐑𝐓 𝐈𝐈| 𝐅𝐞𝐞𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 𝐚𝐭 𝐋𝐚𝐫𝐨 𝐧𝐠 𝐋𝐚𝐡𝐢‎‎Matagumpay na idinaos ang "𝙏𝙍𝙄-𝘽𝘼𝙍𝘼𝙉𝙂𝘼𝙔 𝙇𝙄𝙉𝙂𝙂𝙊 𝙉𝙂 𝙆𝘼𝘽𝘼𝙏𝘼𝘼𝙉 2025", na may teman...
12/10/2025

𝐏𝐀𝐑𝐓 𝐈𝐈| 𝐅𝐞𝐞𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 𝐚𝐭 𝐋𝐚𝐫𝐨 𝐧𝐠 𝐋𝐚𝐡𝐢
‎
‎Matagumpay na idinaos ang "𝙏𝙍𝙄-𝘽𝘼𝙍𝘼𝙉𝙂𝘼𝙔 𝙇𝙄𝙉𝙂𝙂𝙊 𝙉𝙂 𝙆𝘼𝘽𝘼𝙏𝘼𝘼𝙉 2025", na may temang "𝙇𝙤𝙘𝙖𝙡 𝙔𝙤𝙪𝙩𝙝 𝘼𝙘𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙛𝙤𝙧 𝙎𝘿𝙂𝙨 𝙖𝙣𝙙 𝘽𝙚𝙮𝙤𝙣𝙙",
‎ sa mga barangay ng Ariston East, Ariston West, at Bantog. Naging sentro ng programa ang Feeding Program na nagpakain sa mahigit 50 kabataan mula sa tatlong barangay.
‎
‎Sa nasabing aktibidad, dumalo at nagbigay mensahe si Municipal Mayor Hon. Engr. Carlos F. Lopez, Jr. Bilang suporta sa mga kabataan, nagbigay ng karagdagang papremyo si Mayor Lopez.
‎
‎Sa kaniyang mensahe, binigyang-diin ng alkalde ang kahalagahan ng mga kabataan sa kanilang nasasakupan. Aniya, ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan at mahalaga ang kanilang papel sa pagbuo ng isang maunlad na komunidad.
‎
‎Dagdag pa niya, patuloy ang lokal na pamahalaan sa pagsuporta sa mga programang pangkabataan, lalo na sa larangan ng sports. Ani Mayor Lopez, "Naniniwala ako na ang sports ay isang mahalagang bahagi ng pagpapalakas ng katawan at isipan ng ating mga kabataan."
‎
‎Lubos naman ang pasasalamat ng mga kabataan at mga opisyal ng Sangguniang Kabataan sa natanggap na tulong at mensahe mula kay Mayor Lopez. Umaasa ang mga ito na magpapatuloy ang mga programa at aktibidad na magbibigay suporta sa kanilang kinabukasan.
‎
‎Ang nasabing aktibidad ay pinasinayaan din ng kinatawan ng 6th District of Pangasinan Hon. Atty. Marlyn Primicias-Agabas, na siyang nirepresenta ni Councilor Sam Manzano ng Tayug, Pangasinan. Sa pamamagitan ng kanilang suporta, patuloy na lumalakas ang ugnayan ng mga opisyal at ng komunidad sa layuning mapaunlad ang kabataan at ang bayan. Nagbigay din ng dagdag na papremyo ang butihing Congresswoman at nagpalaro ng "Bring Me" na ang paprempyo ay Payong na Tatak Agabas.

‎Ang mga laro sa Laro ng Lahi ay ang mga sumusunod:
‎• Human Centipede Race
‎• Tallest Structure(Sinulid at Stick)
‎• Ice Melting Race
‎
‎
‎

𝐏𝐀𝐑𝐓𝟏| 𝐀𝐧𝐭𝐢-𝐃𝐫𝐮𝐠 𝐒𝐲𝐦𝐩𝐨𝐬𝐢𝐮𝐦‎‎Oktubre 11,2025, matagumpay na idinaos ang 𝐀𝐧𝐭𝐢-𝐃𝐫𝐮𝐠 𝐒𝐲𝐦𝐩𝐨𝐬𝐢𝐮𝐦 sa ABES na isa sa mga aktibid...
11/10/2025

𝐏𝐀𝐑𝐓𝟏| 𝐀𝐧𝐭𝐢-𝐃𝐫𝐮𝐠 𝐒𝐲𝐦𝐩𝐨𝐬𝐢𝐮𝐦
‎
‎Oktubre 11,2025, matagumpay na idinaos ang 𝐀𝐧𝐭𝐢-𝐃𝐫𝐮𝐠 𝐒𝐲𝐦𝐩𝐨𝐬𝐢𝐮𝐦 sa ABES na isa sa mga aktibidades ng "𝙏𝙍𝙄-𝘽𝘼𝙍𝘼𝙉𝙂𝘼𝙔 𝙇𝙄𝙉𝙂𝙂𝙊 𝙉𝙂 𝙆𝘼𝘽𝘼𝙏𝘼𝘼𝙉 2025", na may layuning palakasin ang kampanya laban sa ilegal na droga sa komunidad. Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan, kawani ng kapulisan, at mga kabataan ng barangay Ariston East, Ariston West, at Bantog.
‎
‎Naging pangunahing tagapagsalita sa nasabing symposium si 𝐏𝐒𝐒𝐠. 𝐀𝐭𝐡𝐨𝐧𝐲 𝐄𝐫𝐢𝐜 𝐕. 𝐌𝐨𝐬𝐭𝐨𝐥𝐞𝐬, 𝐏𝐨𝐥𝐢𝐜𝐞 𝐒𝐭𝐚𝐟𝐟 𝐒𝐞𝐫𝐠𝐞𝐚𝐧𝐭 𝐀𝐧𝐭𝐡𝐨𝐧𝐲 𝐄𝐫𝐢𝐜 𝐕 𝐌𝐨𝐬𝐭𝐨𝐥𝐞𝐬, 𝐂𝐡𝐢𝐞𝐟 𝐎𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬, 𝐏𝐥𝐚𝐧𝐧𝐢𝐧𝐠
‎ng PNP Asingan, na nagbahagi ng kanyang kaalaman at karanasan sa paglaban sa ilegal na droga. Sa kanyang mensahe, ipinaliwanag niya ang mga panganib ng paggamit ng ilegal na droga at ang mga paraan upang maiwasan ito.
‎
‎Ang Anti-Drug Symposium ay isang napakahalagang aktibidad na naglalayong palakasin ang kaalaman at kamalayan ng mga mamamayan tungkol sa mga panganib ng ilegal na droga. Ito ay isang patunay na ang mga lokal na pamahalaan at mga ahensiya ng kapulisan ay determinado na sugpuin ang problema ng ilegal na droga sa kanilang nasasakupan.
‎
‎
‎
‎

Address

Ariston West
Asingan
2439

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan Barangay Ariston West posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category