22/10/2026
🎉 MALAPIT NANG MATAPOS!
Malapit nang matapos ang pagpapagawa ng dalawang Welcome Arch sa Purok 1 at Purok 5 ng ating minamahal na Barangay Calepaan!
Taos-pusong pasasalamat kay Mayor Carlos Lopez Jr., Vice Mayor Heidee Chua, District Councilor Virgilio Amistad, at sa mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pag-apruba ng resolusyon para sa paghingi ng financial assistance na naging suporta sa pagsasakatuparan ng proyektong ito.
Ang proyektong ito ay dagdag-ganda at pagkakakilanlan ng ating barangay.
Sama-sama sa patuloy na pag-unlad ng Barangay Calepaan! ❤️💛