Pambayang Liga ng Mga Barangay Atimonan

Directions Website

Pambayang Liga ng Mga Barangay Atimonan Pambayang Pederasyon Liga ng mga Barangay - Atimonan Chapter

🎉 Maligayang Kaarawan, Punong Barangay Marion V. Santander!🎂Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng **mabuting kalusugan, l...
03/10/2026

🎉 Maligayang Kaarawan, Punong Barangay Marion V. Santander!🎂

Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng **mabuting kalusugan, lakas, karunungan, at tagumpay** sa inyong paglilingkod sa ating mga kabarangay. Maraming salamat sa inyong dedikasyon at malasakit sa komunidad.

Mabuhay po kayo at pagpalain pa ng Poong Maykapal!🙏🎉

Pagbati po mula sa bumubuo ng Pambayang Pederasyon Liga ng mga Barangay Atimonan Chapter sa pangunguna ni PPLB Lorenzo Cesar F. Veranga.

01/10/2026

🎂 MALIGAYANG KAARAWAN, Gov.Doktora Helen Tan! 🎉
Taos-puso po naming binabati kayo sa inyong kaarawan!
Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng mabuting kalusugan, mahabang buhay, kaligayahan, at tagumpay.

Maraming salamat po sa inyong dedikasyon, malasakit, at tapat na paglilingkod sa ating Lalawigan. Nawa’y patuloy kayong maging inspirasyon at biyaya sa ating pamayanan.

Mabuhay po kayo at isang masaya at pinagpalang kaarawan! 💐🎈

— Mula po sa bumubuo ng Pambayang Pederasyon Liga ng mga Barangay Atimonan Chapter headed by PPLB Lorenzo Cesar F. Veranga

Nilagdaan na ngayong araw ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. bilang batas ang 𝗥𝗲𝗽𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗔𝗰𝘁 𝗡𝗼. 𝟭𝟮𝟯𝟮𝟲 na nagtatakda sa lima...
25/09/2026

Nilagdaan na ngayong araw ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. bilang batas ang 𝗥𝗲𝗽𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗔𝗰𝘁 𝗡𝗼. 𝟭𝟮𝟯𝟮𝟲 na nagtatakda sa limang (5) taon ang termino ng panunungkulan ng mga Barangay Officials at mga miyembro ng Sangguniang Kabataan.
Sa ilalim ng bagong batas, hanggang dalawang (2) magkakasunod na termino ang maaaring pagsilbihan ng mga Barangay Officials sa parehong posisyon, habang isang (1) termino naman para sa mga Sangguniang Kabataan Officials.
Ang mga kasalukuyang opisyal na saklaw ng dalawang taong extension ay ituturing nang nakapagsilbi ng isang buong limang-taong termino, habang ang mga nasa kanilang huling termino ay hindi na maaaring tumakbo muli sa parehong posisyon.
Dahil dito, ang nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Nobyembre 2 ay hindi na itutuloy, at ang susunod na halalan ay sa ikalawang Lunes ng Nobyembre 2028. Ang bagong election cycle ay bahagi ng transition tungo sa limang-taong termino ng mga Barangay at SK Officials.
Nagpapasalamat ang Liga sa Pangulo sa tiwalang ipinagkaloob sa mga barangay sa pamamagitan ng mas mahabang panahon para makapaglingkod sa ating mga komunidad. Kasabay ng panibagong pagkakataong ito, hinihikayat ng Liga ang lahat ng Barangay Officials na pagbutihin pa ang serbisyo, palakasin ang mga programa, at gawing mas makabuluhan ang bawat araw ng panunungkulan para sa ating mga kabarangay.
Ang dagdad panahon sa paglilingkod ay pagkakataon para makagawa ng higit pa at mas malaking pananagutan para sa bawat barangay.
🫰🏻💙

Nilagdaan na ngayong araw ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. bilang batas ang 𝗥𝗲𝗽𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗔𝗰𝘁 𝗡𝗼. 𝟭𝟮𝟯𝟮𝟲 na nagtatakda sa limang (5) taon ang termino ng panunungkulan ng mga Barangay Officials at mga miyembro ng Sangguniang Kabataan.

Sa ilalim ng bagong batas, hanggang dalawang (2) magkakasunod na termino ang maaaring pagsilbihan ng mga Barangay Officials sa parehong posisyon, habang isang (1) termino naman para sa mga Sangguniang Kabataan Officials.

Ang mga kasalukuyang opisyal na saklaw ng dalawang taong extension ay ituturing nang nakapagsilbi ng isang buong limang-taong termino, habang ang mga nasa kanilang huling termino ay hindi na maaaring tumakbo muli sa parehong posisyon.

Dahil dito, ang nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Nobyembre 2 ay hindi na itutuloy, at ang susunod na halalan ay sa ikalawang Lunes ng Nobyembre 2028. Ang bagong election cycle ay bahagi ng transition tungo sa limang-taong termino ng mga Barangay at SK Officials.

Nagpapasalamat ang Liga sa Pangulo sa tiwalang ipinagkaloob sa mga barangay sa pamamagitan ng mas mahabang panahon para makapaglingkod sa ating mga komunidad. Kasabay ng panibagong pagkakataong ito, hinihikayat ng Liga ang lahat ng Barangay Officials na pagbutihin pa ang serbisyo, palakasin ang mga programa, at gawing mas makabuluhan ang bawat araw ng panunungkulan para sa ating mga kabarangay.

Ang dagdad panahon sa paglilingkod ay pagkakataon para makagawa ng higit pa at mas malaking pananagutan para sa bawat barangay.

🫰🏻💙

Bumabati po ang Bumubuo ng Pambayang Pederasyon Liga ng mga Barangay Atimonan Chapter, sa pangunguna ni PPLB Lorenzo Ces...
12/09/2026

Bumabati po ang Bumubuo ng Pambayang Pederasyon Liga ng mga Barangay Atimonan Chapter, sa pangunguna ni PPLB Lorenzo Cesar F. Veranga ng isang Maligayang Kaarawan sa ating Pangalawang Punong Bayan ng Atimonan,
Vice Mayor Amado "Jun" A. Vidal🎉🎂

"Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng mabuting kalusugan, karunungan, at lakas sa inyong paglilingkod sa ating mga kababayan. Mabuhay po kayo! 🎊

📸Credits from Municipality of Atimonan, Quezon FB Page.

Part III : Awarding of Certificates and Plaques
07/09/2026

Part III : Awarding of Certificates and Plaques

Part II: Awarding of Certificates and Plaques with Mayor Atty. Elvis S. Uy and Vice Mayor Amado Jun Vidal & SB Members.-...
07/09/2026

Part II: Awarding of Certificates and Plaques with Mayor Atty. Elvis S. Uy and Vice Mayor Amado Jun Vidal & SB Members.

- Binigyan Ng pagkilala Ang mga Punong Barangay na nakatapos Ng kanilang (3) ikatlo at huling Termino gayundin sa mga Barangay Kagawad.

Binigyan din Ng pagkilala Ang mga Barangay Secretaries and Treasurer's na may (6) Anim na Taon pataas nang Nanunungkulan sa Barangay.

Isinagawa ang Seminar "Training on Strengthening Barangay Institutional Preparedness & Ensuring Continuity of Disaster a...
07/09/2026

Isinagawa ang Seminar "Training on Strengthening Barangay Institutional Preparedness & Ensuring Continuity of Disaster and Gender - Responsive Programs." noong nakaraang August 27- 29 2026 sa Hotel Veniz, Session Rd, Baguio City Benguet. Mula sa pagtutulungan ng DILG Atimonan at Pambayang Pederasyon Liga ng mga Barangay Atimonan Chapter sa pamamagitan nina PPLB Lorenzo Cesar F. Veranga at MLGOO Maam Christen Joy L. Ingles, sa patnubay ng ating Punumbayan Mayor Elvis S. Uy, at pangalawang Punumbayan Vice Mayor Amado "Jun" Vidal.
Ito ay dinaluhan ng 323 participants mula sa ibat ibang Barangay sa Atimonan.

- Dito ay naging mga Resource speaker si Maam Shannen A. Tierra, Social Worker GAD-Focal mula sa MSWDO Atimonan, na nagbahagi ng kaalaman patungkol sa Gender Sensitivity na ang ibig sabihin ay pagkilala sa pantay na karapatan at magkakaibang pangangailangan ng bawat kasarian upang maiwasan ang diskriminasyon, Habang ang Gender-Responsive Governance naman ay pagsasama ng gender perspective sa pagpaplano, programa, serbisyo, at pagbabadyet upang matiyak ang patas at inklusibong pamamahala. Layunin nito ang pantay na oportunidad, makatarungang serbisyo, at pamamahalang walang naiiwan.

Dito ay naging Speakers din sina MLGOO Maam Christen Joy L. Ingles from DILG Atimonan at LGOO III, Sir John Paul Nieva from DILG Quezon,

Ang kahandaan ay nagsisimula sa matatag na institusyon at responsableng pamayanan. Isinagawa ang Training na ito upang higit na mapalakas ang kaalaman at kakayahan ng mga lider ng barangay sa kahandaan sa sakuna, pagpapatuloy ng pamamahala, disaster risk reduction, pagbabadyet, at gender-responsive na pagpapaunlad.

Sa pamamagitan ng mga talakayan tungkol sa institutional preparedness ng barangay, mga polisiya at alituntunin, DRRM at GAD mainstreaming, disaster risk reduction, at mga protocol sa pagtugon sa sakuna, mas napapalakas ang kakayahan ng bawat barangay na maipagpatuloy ang mahahalagang programa at serbisyo kahit sa panahon ng krisis.

Sama-sama nating itaguyod ang mga barangay na handa sa pagtugon, matatag sa panahon ng pagsubok, mabilis na makabangon, at may malasakit sa bawat miyembro ng komunidad. 🤝

--

KAHAPON - Miyerkules Sept. 02, 2026 Isinagawa ang ika-siyam na BUWANANG pagpupulong sa taong 2026 na pinangunahan ni PPL...
03/09/2026

KAHAPON - Miyerkules Sept. 02, 2026 Isinagawa ang ika-siyam na BUWANANG pagpupulong sa taong 2026 na pinangunahan ni PPLB Lorenzo Cesar F. Veranga na tagapangulo ng Pambayang Pederasyon Liga ng mga Barangay Atimonan Chapter.

Dito ay nagbigay ng paliwanag ng mga benepisyo na maaring matanggap mula sa Sun Life sina Maam Cherie Delacruz.

Dumalo rin sila Sir Noel Edan, at Maam Alyssa Leyda mula sa Philippine Coconut Authority na nagpahayg naman ng impormasyon na nagbukas na ang Mobile Services sa Bulwagang Balagtas pati na rin ang Medical Mission Caravan sa September 3 2026 para sa mga Coconut Farmers.

Nagpaabot din ng pagbati si Sir Airey Alano, Tourism Officer mula sa Atimonan Tourism Office na humihiling na sana ay mabigyan muli ng budget ang mga Celebration gaya ng Paskong Atimonanin at iba pa.

Dumalo rin si DILG MLGOO Maam Christen Joy Ingles na nagpaalala na kailangan nang makapag submit ng bawat barangay ng Inventory Transition, Inventory Team and Initial Inventory pati na rin sa Socio Economic Profile update ay dapat na rin ma-isubmit sa MPDC.

Ipinagbigay alam naman ng tagapangulo ng Liga ng mga Barangay, Lorenzo Cesar F. Veranga ang pagsuporta sa PHILBO kayat isinama sa seminar ang dalawang Liga Staff sa Tagaytay City na makakatulong sa mga future na gawain sa opisina ng Pambayang Liga ng mga Barangay Atimonan Chapter.

Gayundin ay nagkaroon ng Recap sa mga kaganapan ng isinagawang Seminar sa Baguio City noong August 27 - 29 2026 na may titulong "Training on Strengthening Barangay Institutional Preparedness and Ensuring Continuity of Disaster and Gender-Responsive Programs."

Maligayang Kaarawan po PMAJ. Marnie Abellanida, Former Chief of Police - Atimonan Municipal Police Station.Pagbati Po Mu...
05/08/2026

Maligayang Kaarawan po PMAJ. Marnie Abellanida, Former Chief of Police - Atimonan Municipal Police Station.

Pagbati Po Mula sa bumubuo Ng Pambayang Pederasyon Liga Ng mga Barangay Atimonan Chapter sa pangunguna ni PPLB Lorenzo Cesar F. Veranga.

Maligayang Kaarawan po PMAJ. Allan P. Hernandez OIC Ng Atimonan Municipal Police Station.Pagbati Po Mula sa bumubuo Ng P...
01/08/2026

Maligayang Kaarawan po PMAJ. Allan P. Hernandez OIC Ng Atimonan Municipal Police Station.

Pagbati Po Mula sa bumubuo Ng Pambayang Pederasyon Liga Ng mga Barangay Atimonan Chapter sa pangunguna ni PPLB Lorenzo Cesar F. Veranga.

Maligayang Kaarawan kay PMAJ Allan P. Hernandez, Officer-in-Charge ng Atimonan Municipal Police Station.

Sa inyong espesyal na araw, taos-puso naming ipinapaabot ang aming pagbati at pinakamabuting hangarin. Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, lakas, karunungan, at patnubay sa patuloy ninyong pagtupad sa tungkulin ng pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng mamamayan.

Mula sa Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Atimonan kasama ang bumubuo ng Sangguniang Bayan at mga kawani ng pamahalaang bayan, taos-puso naming ipinapaabot ang aming pagbati at pasasalamat sa inyong dedikasyon at tapat na paglilingkod.

Maligayang Kaarawan, PMAJ Allan P. Hernandez! Hangad namin ang higit pang tagumpay, kaligtasan, at pagpapala sa inyong buhay at serbisyo.


Address

ABC Hall, Old Municipal Building, Brgy. Tagbakin
Atimonan
4331

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pambayang Liga ng Mga Barangay Atimonan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share