22/10/2026
BAKUNA DAY | October 20, 2026
Isinagawa ang Bakuna Day noong October 20, 2026, sa Bagong Tanza Elementary School, sa pangunguna ng Rural Health Unit (RHU) Aurora, katuwang ang ating mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) at Barangay Health Workers (BHW) ng Bagong Tanza.
Layunin ng gawaing ito na mapangalagaan ang kalusugan ng ating mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbabakuna at pagbibigay ng proteksyon laban sa mga sakit na maaaring maiwasan.
Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa Rural Health Unit (RHU) Aurora, sa ating mga BNS at BHW, at sa lahat ng mga health personnel na naglaan ng kanilang oras, kaalaman, at dedikasyon upang maging matagumpay ang gawaing ito. Maraming salamat din po sa mga magulang na patuloy na nakikiisa at nagtitiwala sa mga programa para sa kalusugan ng kanilang mga anak.
Sama-sama po nating itaguyod ang isang malusog, ligtas, at protektadong komunidad, dahil ang kalusugan ng bawat bata ay mahalaga sa kinabukasan ng ating barangay!