RV Albay Cabasan ES Bacacay South

Directions

RV Albay Cabasan ES Bacacay South Cabasan Elementary School is a public Elementary School located in Cabasan, Bacacay, Albay, Philippines.

The school provides primary education to students from Kindergarten to Grade 6.

"Ang Bawat pag alis ay simula ng bagong paglalakbay, at Ang bawat pag dating ay may  hatid na panibagong saya at inspira...
19/09/2026

"Ang Bawat pag alis ay simula ng bagong paglalakbay, at Ang bawat pag dating ay may hatid na panibagong saya at inspirasyon"

Ngayong araw, buong puso nating binibigyang-pugay si Ma’am Emerita Bercasio Barrios , Teacher III, sa kanyang paglipat sa panibagong paaralan. Maraming salamat, Ma’am Emerita, sa iyong dedikasyon, sipag, malasakit, at pagmamahal sa mga mag-aaral at sa buong pamilya ng Cabasan ES . Ang iyong kabutihan, at mga aral ay mananatiling bahagi ng ating paaralan.
Bagama't ikaw ay tutungo sa panibagong paaralan, hindi magtatapos dito ang ating pasasalamat at pagkakaibigan. Hangad namin ang inyong tagumpay, kaligayahan, at patuloy na pag-unlad sa bagong yugto ng inyong paglalakbay bilang g**o.
Kasabay nito, malugod at buong puso nating tinatanggap si Sir Marlon Bercasio , Teacher I, bilang bagong g**o ng CABASAN ES!
Nawa'y maging masaya, makabuluhan, at puno ng magagandang karanasan ang inyong pananatili sa ating paaralan.
Welcome to the CABASAN ES Family, Sir Marlon! 💙

“Ang isang mabuting g**o ay maaaring lumipat ng paaralan, ngunit ang kabutihan at mga aral na kanyang iniwan ay mananatili sa puso ng kanyang mga mag-aaral at kasamahan.”
Maraming salamat, Ma’am Emerita! Goodluck sa inyong bagong paaralan!

Maligayang pagdating naman, Sir Marlon! 💙
Isang pamamaalam, isang bagong simula, at isang pamilyang patuloy na nagkakaisa para sa edukasyon.

08/09/2026
Isang mainit na pagbati sa ating mga atleta! Buong puso naming ipinagmamalaki na naiuwi natin ang 2nd Runner-Up sa ginan...
07/09/2026

Isang mainit na pagbati sa ating mga atleta! Buong puso naming ipinagmamalaki na naiuwi natin ang 2nd Runner-Up sa ginanap na 2026 District Athletic Meet ngayong September 7, 2026. Hindi naging madali ang laban, ngunit pinatunayan ng ating mga manlalaro ang tunay na diwa ng sportsmanship. Baon namin ang aming sports motto na "Tibay ng Katawan, Lakas ng Loob, at Pusong Palaban ." Maraming salamat sa mga coaches, teachers, magulang at sa lahat ng sumuporta. Ang tagumpay na ito ay tagumpay nating lahat.
Bacacay South



Matagumpay na isinagawa ang School Orientation on Learner's Information System (LIS) - Beginning of School Year (BOSY) n...
14/08/2026

Matagumpay na isinagawa ang School Orientation on Learner's Information System (LIS) - Beginning of School Year (BOSY) ngayong August 14, 2026. Sabi nga, "Ang kalidad na edukasyon ay nagsisimula sa kalidad na datos." Sa orientation na ito, binigyang-diin ang kahalagahan ng pag-eencode ng tama, kumpleto, at napapanahong impormasyon ng bawat mag-aaral.

10/08/2026

🌈 ANTI-BULLYING CAMPAIGN 2026
🏫 Cabasan Elementary School

❤“No to Bullying, Yes to Kindness!”

Sa ating paaralan, naniniwala tayo na ang bawat bata ay may karapatang maging ligtas, masaya, at tanggap.

💖 Hindi dapat manaig ang takot, pang-aasar, o pananakit—sa halip, dapat manaig ang respeto, pag-unawa, at kabutihan.

Ang bullying ay hindi biro. Maaari itong magdulot ng lungkot, takot, at pagkawala ng kumpiyansa sa sarili. Kaya naman bilang isang komunidad ng mga mag-aaral, g**o, at magulang ng Cabasan Elementary School, tayo ay nagkakaisa upang ito ay labanan. 🤝

Sa simpleng paraan—isang ngiti 😊, mabuting salita 💬, at pagtulong sa kapwa—malaki na ang ating magagawa. Turuan natin ang ating mga kabataan na maging mapagmahal, marespeto, at matapang na tumindig para sa tama at magsabi ng “Hindi” sa bullying. 🚫

📚 Sa pamamagitan ng ating mga gawain at programa, layunin nating: ✨ Palaganapin ang kabutihan at paggalang
✨ Hikayatin ang pagkakaibigan at pagtutulungan
✨ Bigyang-lakas ang bawat bata na magsalita at ipagtanggol ang sarili.

Tandaan:
💡 Ang tunay na lakas ay hindi nasusukat sa pananakit ng kapwa, kundi sa kakayahang magmahal at umunawa.

Sama-sama nating itaguyod ang isang paaralan na puno ng kabutihan, respeto, at pagkakaisa. 💚

🚫 Itigil ang bullying.
💖 Simulan ang kabutihan.




"PAMBUNGAD SA PAGDIRIWANG NG BUWAN NG ASEAN 2026"Alinsunod sa Proklamasyon Blg. 282, s. 2017, opisyal na po naming binub...
03/08/2026

"PAMBUNGAD SA PAGDIRIWANG NG BUWAN NG ASEAN 2026"

Alinsunod sa Proklamasyon Blg. 282, s. 2017, opisyal na po naming binubuksan ang aming mga gawain para sa Buwan ng ASEAN!

Ang tema natin ngayong taon ay "Navigating Our Future, Together". Sama-sama nating itaguyod ang isang mas matatag, mas nagkakaisa, at mas makatao na komunidad.

Ngayong Agosto, abangan ang:
✨ ASEAN-inspired na kasuotan
✨ Pagpapakita ng mga watawat
✨ Pagsasama ng ASEAN sa mga aralin
✨ At marami pang iba!

Mula sa Paaralang Elementarya ng Cabasan,
Maligayang pagdiriwang ng Buwan ng ASEAN


Ang Paaralang Elementarya ng Cabasan ay aktibong nakiisa sa Sabayang Pagtaas ng Watawat bilang pambungad sa pagdiriwang ...
03/08/2026

Ang Paaralang Elementarya ng Cabasan ay aktibong nakiisa sa Sabayang Pagtaas ng Watawat bilang pambungad sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026.

Sa bawat pagtaas ng ating watawat, kasabay din nating itinaas ang dangal at halaga ng ating wikang Filipino.

Ang pagdiriwang na ito ay alinsunod sa Proklamasyon Blg. Isang Libo at Apatnapu't Isa, serye taong isang libo at siyam na raan at siyamnapu't pito, at sa Memorandum Panrehiyon at Pansangay Blg. Tatlong Daan at Tatlumpu't Pito, serye dalawang libo at dalawampu't anim.

Sa temang "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon" ating itinataguyod ang paggamit, pagmamahal, at pagpapayaman sa wikang nagbubuklod sa ating lahat bilang isang bansang Pilipino.


Hulyo 31, 20226Monthly Mass sa Cabasan ES  sa pangunguna ni Reb. Fr. Ronnie Belgica, SOLT.  Nagtipon ang Teaching at Non...
31/07/2026

Hulyo 31, 20226

Monthly Mass sa Cabasan ES sa pangunguna ni Reb. Fr. Ronnie Belgica, SOLT.

Nagtipon ang Teaching at Non-Teaching Personnel at mga mag-aaral ng Cabasan Elementary School upang mag-alay ng panalangin, pasasalamat, at paghingi ng gabay para sa buwang ito. Sa katahimikan ng dasal at sa liwanag ng Eukaristiya, muli naming pinagtibay ang aming pananampalataya at paninindigan sa paglilingkod.

Iniaalay namin ang Banal na Pagdiriwang na ito para sa karunungan at kaligtasan ng aming mga mag-aaral, para sa lakas at katatagan ng aming mga g**o at magulang, at para sa patuloy na biyaya at paggabay sa aming paaralan. Nawa’y maging instrumento kami ng pag-asa, kapayapaan, at liwanag sa aming komunidad.

Taos-pusong pasasalamat sa Poong Maykapal sa walang sawang paggabay.
At maraming salamat din po, Fr. Ron Nie Belgica at sa Sacred heart Mission Parish sa pagbabahagi ng Salita at pagdiriwang ng Banal na Misa kasama kami.

Maraming Salamat, SDO ALBAY 🇵🇭Taos-pusong pasasalamat sa pagbibigay ng lapel voice amplifiers para sa aming mga g**o ng ...
31/07/2026

Maraming Salamat, SDO ALBAY 🇵🇭

Taos-pusong pasasalamat sa pagbibigay ng lapel voice amplifiers para sa aming mga g**o ng Cabasan Elementary School. Ang munting kagamitang ito ay malaking biyaya — nagsisilbing tulay upang mas marinig, mas maunawaan Ang araling ng aming mga mag-aaral.

Malaking tulong ito upang maiparating nang malinaw at epektibo ang mga leksyon, at upang maiwasan ang labis na pagkapagod ng boses ng aming mga g**o sa araw-araw na pagtuturo. Tunay ngang sa bawat tinig na pinapalakas, isang pangarap ng bata ang mas pinatatag.

Patunay ito ng patuloy ninyong pagsuporta sa dekalidad na edukasyon at sa pagpapalakas ng kakayahan ng aming mga g**o.
"Malakas na Tinig, Matatag na Edukasyon"
Mabuhay Ang SDO Albay! Mabuhay ang DepEd!

**o

Hulyo 31, 2026Isang makabuluhang hakbang tungo sa makabagong pagkatuto ang naisakatuparan ngayong araw. Matagumpay na na...
31/07/2026

Hulyo 31, 2026

Isang makabuluhang hakbang tungo sa makabagong pagkatuto ang naisakatuparan ngayong araw.
Matagumpay na naisagawa ang "Oryentasyon sa Pagpaparehistro at Paggamit ng SPARKLE Hub at LRMIS".

Ang pagtitipong ito ay pinangunahan ni Gng. Evelyn B. Barsaga, Punong G**o at may husay na pinadaloy ni Gng. Karen B. Bermundo. Aktibong dinaluhan ito ng Teaching at Non-Teaching Personnel ng Cabasan Elementary School — nagkakaisang mga kamay at isip na sabik matuto at maglingkod.

Layunin ng oryentasyong ito na maging sandigan at susi ang mga g**o sa mas epektibo, maayos, at makabagong paggamit ng SPARKLE Hub at LRMIS. Sa tulong ng teknolohiya, nawa’y mas tumibay pa ang pundasyon ng kaalaman at mas tumingkad ang husay ng bawat Cabasanian sa paghahatid ng dekalidad na edukasyon.

**oParaSaBata

Address

Bacacay

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RV Albay Cabasan ES Bacacay South posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share