02/07/2026
📢 IDADAIT 2026 | Barangay CABAROAN
Theme: “Breaking the Chains: Preventing Illicit Drugs, Protecting Our Future”🚫💊🇵🇭
Matagumpay naidaos ang ating pagdiriwang ng INTERNATIONAL DAY AGAINST DRUG ABUSE AND ILLICIT TRAFFICKING (IDADAIT) 2026 noong June 27, 2026.
Taos-pusong pasasalamat po sa lahat ng kabarangay, Barangay Council, SK, BHWs, BNS, tanod, at kabataan na dumalo at nakiisa sa ating activity.
Pinangunahan po ng ating masipag na Punong Barangay, Hon. Loreto R. Delos Trinos ang programa, kasama ang buong Sangguniang Barangay.
Special thanks din po sa ating Guest Speaker:
Patrolman Reymar Apolonio ng Bacnotan Police Station
Salamat po sa napaka-informatibong talakayan tungkol sa panganib ng iligal na droga, mga batas laban dito, at kung paano mapoprotektahan ang ating pamilya at kabataan. Saludo po kami sa inyong serbisyo, Sir! 👮♂️
Highlights ng ating activity:
1. Drug Awareness Talk – Pagtalakay sa epekto ng droga sa kalusugan, pamilya, at kinabukasan.
2. Commitment Signing & Pledge – Pagpapahayag ng suporta ng barangay sa isang “Drug-Cleared Barangay”.
3. Community Engagement – Open forum at pakikipag-ugnayan sa ating kapulisan.
Ang layunin po natin ay iisa: Isang malusog, ligtas, at walang-drogang Barangay Cabaroan 💚
Muli, maraming salamat po sa lahat ng tumulong, sumuporta, at nakiisa. Sama-sama tayo sa laban kontra droga!
* Cabaroan