21/09/2026
π G2 REGIONAL VALIDATION
Hindi pa tapos ang G2 Validation. Bukas ay magsisimula ang Regional Validation, kung saan limang (5) barangay ang bubunutin para sa validation.
πΆ ALAGANG ASO
Pakiusap sa lahat ng may-ari ng aso na panatilihing nakatali o nasa loob ng bakuran ang kanilang mga alagang aso. Huwag hayaang gumala sa kalsada upang maiwasan ang aksidente, kagat, at abala sa mga dumadaan.
π₯ BAWAL MAGSUNOG NG BASURA
Mahigpit na paalala na huwag magsunog ng basura, plastik, tuyong dahon, at iba pang materyales. Mag-segregate at itapon ang basura sa tamang paraan.
π Makiisa, sumunod, at maging responsable. Sama-sama nating panatilihing malinis, ligtas, at maayos ang Barangay Bagutot.
π Salamat po sa inyong pakikiisa!