Municipal Cooperative Development Unit - Baco

Directions

Municipal Cooperative Development Unit - Baco Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Municipal Cooperative Development Unit - Baco, Public & Government Service, Poblacion, Oriental Mindoro, Baco.

Happy Birthday, Ma’am Lile Kristine Z. Escueta! 🎂💐May your special day be filled with happiness, love, and beautiful mom...
24/09/2026

Happy Birthday, Ma’am Lile Kristine Z. Escueta! 🎂💐

May your special day be filled with happiness, love, and beautiful moments with your loved ones. Thank you for your kindness, support, and the warmth you always share with us.

May you continue to be blessed with good health, success, and countless reasons to smile. ❤️

Warmest birthday wishes from your MCDU Family! 🥳

FINANCIAL LITERACY TRAINING 2026Isinagawa ngayong Setyembre 22, 2026 ang Financial Literacy Training na pinangunahan ng ...
22/09/2026

FINANCIAL LITERACY TRAINING 2026

Isinagawa ngayong Setyembre 22, 2026 ang Financial Literacy Training na pinangunahan ng Land Bank of the Philippines (LANDBANK) - Calapan Branch sa 2nd Floor, Tourism Building, Municipal Compound, Baco, Oriental Mindoro.

Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa mga Kooperatiba, Associations, at Market Stall Holders ng bayan ng Baco. Layunin ng pagsasanay na mapalawak ang kanilang kaalaman sa wastong paghawak ng pera, pagba-budget, pag-iimpok, at iba pang mahahalagang konsepto sa pamamahala ng pananalapi na makatutulong sa kanilang kabuhayan at organisasyon.

Taos-pusong pasasalamat sa LANDBANK sa pagbabahagi ng kaalaman at gabay para sa mas matatag at responsableng pamamahala sa pananalapi.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na pagsusulong ng financial literacy at pag-unlad ng mga kooperatiba, asosasyon, at maliliit na negosyante sa ating bayan.

Sa inisyatibo ni Mayor Allan A. Roldan, patuloy na isinusulong ang mga programang nagbibigay-kaalaman, oportunidad, at suporta upang mapaunlad ang kabuhayan at matulungan ang mga kooperatiba, asosasyon, at mga mamamayan ng Baco.

Sama-sama tungo sa mas matatag na kabuhayan at mas maunlad na Baco!








MAFCO 2-DAY TRAINING | PARLIAMENTARY PROCEDURES & MEETING MANAGEMENT & STRATEGIC PLANNINGMatagumpay na isinagawa sa MAFC...
22/09/2026

MAFCO 2-DAY TRAINING | PARLIAMENTARY PROCEDURES & MEETING MANAGEMENT & STRATEGIC PLANNING

Matagumpay na isinagawa sa MAFCO (Malapad Farmers and Fisherfolks AgriCo) ang dalawang araw na pagsasanay noong September 19–20, 2026 sa Malapad, Baco, Oriental Mindoro.

Layunin ng training na mapalawak ang kaalaman at kasanayan ng mga miyembro at opisyal ng kooperatiba sa Parliamentary Procedures, tamang paggawa ng Minutes of Meeting, at Strategic Planning bilang bahagi ng pagpapalakas ng kanilang pamamahala, pagpaplano, at pagpapatakbo ng kooperatiba.

Sa pamamagitan ng mga pagsasanay na ito, inaasahang mas mapapahusay ang decision-making, documentation, participation, at strategic direction ng MAFCO tungo sa mas organisado at sustainable na kooperatiba.

Ang Municipal Cooperative Development Unit (MCDU) ay patuloy na nagbibigay ng technical assistance at capacity-building activities sa mga kooperatiba ng Bayan ng Baco.

Sa inisyatibo ni Mayor Allan A. Roldan, patuloy na isinusulong ang kooperativismo sa Bayan ng Baco upang mapaunlad at matulungan ang mga kooperatiba, tungo sa mas matatag na kabuhayan at mas maunlad na pamayanan.

Mabuhay ang MAFCO! Mabuhay ang Kooperativismo sa Baco!

PAGPAPAIGTING NG KAALAMAN AT KAKAYAHAN PARA SA MAS MATATAG NA KOOPERATIBAAktibong dumalo ang mga kinatawan ng MAFCO, SIG...
18/09/2026

PAGPAPAIGTING NG KAALAMAN AT KAKAYAHAN PARA SA MAS MATATAG NA KOOPERATIBA

Aktibong dumalo ang mga kinatawan ng MAFCO, SIGLA, MAYABACO, BWAC, MAGHARCO, BACCO, at SIFISCO, kasama si Ma’am Mylene Q. Najeto at MCDU staff na si Marry Joyce Anne Macuha, sa dalawang araw na capacity-building activity na “Understanding and Analyzing Audited Financial Statements and Project Proposal Development for Cooperatives” na ginanap noong September 17–18, 2026 sa Filipiniana Hotel, Calapan City, Oriental Mindoro.

Ang pagsasanay ay isinagawa ng Provincial Cooperatives Development Office Oriental Mindoro (PCDO) sa pakikipagtulungan ng Cooperative Development Authority (CDA) MIMAROPA, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kaalaman at kasanayan ng mga kooperatiba sa larangan ng financial management, project planning, at proposal development.

Naging Resource Speaker para sa Understanding and Analyzing Audited Financial Statements si Ma’am Flor Marasigan, CPA, na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman sa wastong pag-unawa at pagsusuri ng audited financial statements bilang gabay sa mas mahusay na pagpapasya ng mga kooperatiba.

Para naman sa Project Proposal Development, ibinahagi ni Sir Adrian Catud ng DOLE Oriental Mindoro ang mga praktikal na kaalaman sa pagbuo ng maayos, malinaw, at kapaki-pakinabang na project proposal para sa mga programa at proyekto ng kooperatiba.

Ang Municipal Cooperative Development Unit – Baco ay patuloy na nakikiisa sa mga programa at pagsasanay na naglalayong palakasin ang kakayahan ng ating mga kooperatiba at suportahan ang kanilang patuloy na paglago at pag-unlad.

Ang LGU Baco, sa pamumuno ni Municipal Mayor Allan A. Roldan, ay patuloy na nagbibigay-halaga sa capacity building at skills development ng mga kooperatiba bilang mahalagang katuwang sa pagsusulong ng kabuhayan at inclusive economic development sa ating bayan.

Sa patuloy na pagkatuto at pagtutulungan, mas nagiging handa ang ating mga kooperatiba na harapin ang mga hamon at bumuo ng mas matatag at sustainable na kinabukasan.

MUNICIPAL COOPERATIVE DEVELOPMENT COUNCIL (MCDC) MEETING | SEPTEMBER 16, 2026Isinagawa noong Setyembre 16, 2026 ang Muni...
18/09/2026

MUNICIPAL COOPERATIVE DEVELOPMENT COUNCIL (MCDC) MEETING | SEPTEMBER 16, 2026

Isinagawa noong Setyembre 16, 2026 ang Municipal Cooperative Development Council (MCDC) Meeting ng Bayan ng Baco upang talakayin ang mahahalagang usapin at mga hakbang tungo sa patuloy na pagpapalakas, pagpapaunlad, at pagkakaisa ng mga kooperatiba sa bayan.

Naging bahagi ng pagpupulong ang ating panauhing si Sir Bejay Dimalibot mula sa Municipal Tourism Office, na nakibahagi sa talakayan at sa mga inisyatibong maaaring makatulong sa pagsusulong ng mga produkto, serbisyo, at potensyal ng ating mga kooperatiba.

Samantala, nakiisa rin ang Provincial Cooperatives Development Office Oriental Mindoro (PCDO) sa pangunguna ni Sir Orlando B. Tizon, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng aktibong pakikilahok ng mga kooperatiba sa Gawad Tanglaw ng Kooperatiba 2026. Layunin nito na mahikayat ang mga kooperatiba na maipakita ang kanilang mga programa, accomplishments, good practices, at ambag sa pagpapaunlad ng kanilang mga kasapi at ng komunidad.

Binigyang-halaga rin sa pagpupulong ang pangangailangang mas pagtibayin ang samahan at koordinasyon ng MCDC ng Baco, upang magkaroon ng mas maayos at nagkakaisang direksyon sa pagsusulong ng cooperative development sa bayan.

Sa patuloy na suporta at pamumuno ni Municipal Mayor Allan "AR" Roldan, nananatiling mahalagang katuwang ng Pamahalaang Bayan ang mga kooperatiba sa pagsusulong ng inklusibong pag-unlad, kabuhayan, at mas matatag na komunidad. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng MCDC, mga kooperatiba, at mga katuwang na tanggapan, patuloy nating isinusulong ang isang mas organisado, produktibo, at matatag na cooperative sector sa Bayan ng Baco.

Sama-sama para sa mas matatag na kooperatiba, mas masiglang kabuhayan, at mas maunlad na Baco! 💚🤝








ORIENTATION PARA SA UNITED BACO CONSUMERS COOPERATIVE (UBCC)Noong Setyembre 15, 2026, isinagawa ang post-orientation par...
18/09/2026

ORIENTATION PARA SA UNITED BACO CONSUMERS COOPERATIVE (UBCC)

Noong Setyembre 15, 2026, isinagawa ang post-orientation para sa United Baco Consumers Cooperative (UBCC), ang bagong tatag na kooperatiba ng Baco na nagmula sa hanay ng TODA.

Layunin nitong palakasin ang kaalaman ng mga miyembro sa kooperatiba, mga responsibilidad, at mga oportunidad na maaaring makamit sa pamamagitan ng pagkakaisa.

Maraming salamat sa patuloy na suporta ni Mayor Allan A. Roldan sa pagsusulong at pagpapaunlad ng mga kooperatiba sa Bayan ng Baco. 💚

Sama-sama sa Kooperasyon, Sama-sama sa Kaunlaran!

Isang makabuluhang pagtitipon ang isinagawa ng Malapad Farmers and Fisherfolks Agriculture Cooperative (MAFCO) sa kanila...
18/09/2026

Isang makabuluhang pagtitipon ang isinagawa ng Malapad Farmers and Fisherfolks Agriculture Cooperative (MAFCO) sa kanilang General Assembly noong September 13, 2026.

Layunin ng General Assembly na mapag-isa ang mga miyembro sa pagtalakay ng mahahalagang usapin ng kooperatiba, kabilang ang mga accomplishment, programa, plano, at iba pang gawain para sa patuloy na paglago at pagpapaunlad ng samahan.

Ang ganitong pagtitipon ay mahalagang bahagi ng isang matatag na kooperatiba sapagkat nagbibigay ito ng pagkakataon sa bawat miyembro na makilahok, makinig, magbahagi ng saloobin, at maging bahagi ng mga desisyong nakatutulong sa kinabukasan ng kanilang kooperatiba.

Taos-pusong pasasalamat din ang ipinapaabot sa Local Government of Baco, sa pangunguna ni Municipal Mayor Allan A. Roldan, sa patuloy na suporta at pagkalinga sa mga kooperatiba at sa pagsusulong ng mga programang nagbibigay ng oportunidad para sa pag-unlad ng ating mga magsasaka at mangingisda.

Patuloy nating palakasin ang diwa ng kooperasyon, pagkakaisa, at sama-samang pagkilos tungo sa mas matatag at mas maunlad na MAFCO.

MAFCO: Sama-sama sa Pag-unlad, Nagkakaisa para sa Mas Maunlad na Kinabukasan!

HAPPY BIRTHDAY, SIR MAJONG! 🎂💙Wishing you a wonderful birthday filled with happiness, good health, countless blessings, ...
14/09/2026

HAPPY BIRTHDAY, SIR MAJONG! 🎂💙

Wishing you a wonderful birthday filled with happiness, good health, countless blessings, and success! May you continue to be an inspiration and bring positive energy to everyone around you.

Thank you for your dedication, hard work, and valuable contribution to our team. May all your dreams and aspirations come true, and may this new chapter of your life be filled with more opportunities and beautiful memories. 🙏✨

Enjoy your special day, Sir Majong! 🥳🎈

With warmest wishes,
MCDU FAM 💙💛

01/09/2026

Address

Poblacion, Oriental Mindoro
Baco
5201

Opening Hours

Monday 7am - 6pm
Tuesday 7am - 6pm
Wednesday 7am - 6pm
Thursday 7am - 6pm
Friday 7am - 6pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Cooperative Development Unit - Baco posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share