01/04/2024
Nakikiisa ang Pampanguluhan Tauhan sa Brodkast – Radyo Telebisyon Malacañang o RTVM sa pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan 2024 na may temang, ‘Ang Panitikan at Kapayapaan’, nitong buwan ng Abril alinsunod sa Proklamasyon Bilang 968 na nilagdaan noong 2015.
Layunin ng pambansang selebrasyon ngayong taon na magbigay daan sa malayang pagtalakay kung ano ang mga kahalagahan at kontribusyon ng panitikan sa pagpapanatili at pagpapalaganap ng kapayapaan sa bansa at sa mga komunidad.
Pinangungunahan ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (National Commission for Culture and the Arts o NCCA), Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at Pambansang Lupon para sa Pagpapaunlad ng Aklat (National Book Development Board o NBDB Philippines) ang mga aktibidad kaugnay sa Buwan ng Panitikan.
Tangkilikin ang panitikang Pilipino at tuklasin ang mundo ng panitikan para sa kapayapaan, at kapayapaan mula sa panitikan.

01/04/2024
01/04/2024
16/01/2024
16/01/2024
16/01/2024